Alden Richards clarifies lost rosary bracelet was given by a supporter from Rome

by Rose Garcia
Oct 6, 2019
Alden Richards on his rosary bracelet: “Napigtal po siya sa isang event, kumbaga, hawak ko po siya, 'tapos lumusot po ang isang daliri. Siyempre, ang instinct mo kapag may naputol, sasaluhin mo ng kamay. Pagbitaw ko, nalaglag lahat.”
PHOTO/S: Rose Garcia / Instagram

Inakala ng marami na galing kay Maine Mendoza ang rosary bracelet ni Alden Richards na nawala noong Setyembre 28, Sabado, sa San Rafael, Bulacan.

May loud crying emoji kasi ang Twitter post niya sa rosary bracelet na may St. Benedict’s cross.

“Bigay po kasi yun ng isa kong supporter from Rome,” paglilinaw ni Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kapuso primetime series na The Gift nitong Oktubre 4, Biyernes, sa Sta. Mesa, Manila.

Continue reading below ↓

“Binigay niya po sa akin yun when we met sa Canada, nag-concert po ako.”

Bakit espesyal sa kanya ang bracelet na yun?

“Kasi, ang tagal ko na po siyang suot,” saad ni Alden.

Paglilinaw pa ng Kapuso star, napigtal ang bracelet, hindi nanakaw.

“Napigtal po siya sa isang event, kumbaga, hawak ko po siya, 'tapos lumusot po ang isang daliri.

"Siyempre, ang instinct mo kapag may naputol, sasaluhin mo ng kamay.

“Pagbitaw ko, nalaglag lahat.”

Iniyakan niya?

“Mas ang naiyak po si Mama Ten. Kasi, kapag may mga shoot kami, taping, sinasabi ko, ‘Ma, mawala na ang lahat, huwag lang ito.’

“Siya ang nag-ingat, for almost five years, iningatan niya yung bracelet na yun.”

Si Mama Ten ay ang personal assistant ni Alden.

STO. NIÑO IMAGE

Nawala man ang kanyang rosary bracelet, tila may naging kapalit na regalo agad kay Alden.

Continue reading below ↓

Ito ay isang imahe ng Sto. Niño na may 100 taong gulang na raw.

Ibinigay ito kay Alden ng isang pari mula sa Pangasinan na nagngangalang Father Joseph at sinasabing lookalike ni Alden.

Lahad ni Alden, “Noong nakuha ko po yun, parang, 'Wow, bakit sa akin ibinibigay?'

"Ang ganda niya, at sabi ni Father, siya ang tunay na gift sa humanity.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, sa Sto. Niño, si baby Jesus Christ.

"So, yun yung parang pinakaregalo hindi lang sa akin, for this project.”

Ikinatutuwa ni Alden na sa pamamagitan ng primetime series niyang The Gift, nakapagbibigay siya ng inspirasyon sa mga manonood.

“Masaya po kami, kasi nata-transcend po namin ang istorya at kuwento po na gusto nilang marinig.

"Yung mensahe po na gusto naming maparating sa kanila.

“So, yun po, in a way, we’re very much fulfilled.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on his rosary bracelet: “Napigtal po siya sa isang event, kumbaga, hawak ko po siya, 'tapos lumusot po ang isang daliri. Siyempre, ang instinct mo kapag may naputol, sasaluhin mo ng kamay. Pagbitaw ko, nalaglag lahat.”
PHOTO/S: Rose Garcia / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results