Sue Ramirez gets starstruck over Korean actor Lee Dong Wook

by Nikko Tuazon
Oct 8, 2019
Sue Ramirez joined South Korean actor Lee Dong Wook at the opening ceremony of Korea Tourism Organization's #LoveKOrea Culture and Travel Fiesta last Saturday, October 5, at SM Mega Fashion Hall in Mandaluyong City.
PHOTO/S: @juliafresh20 on Instagram / Nikko Tuazon

Hindi napigilang kiligin at ma-starstruck ng ABS-CBN actress na si Sue Ramirez matapos nitong makaharap ang South Korean heartthrob na si Lee Dong Wook.

Nitong Sabado, October 5, kabilang sina Sue at Dong Wook sa mga nagpasinaya ng #LoveKOrea Culture and Travel Fiesta event ng Korea Tourism Organization (KTO) na ginanap sa SM Mega Fashion Hall sa Mandaluyong City.

Ito ang ikalawang beses na pumunta si Dong Wook sa Pilipinas.

Taong 2006 pa unang bumisita ang sikat na South Korean actor sa bansa sa kasagsagan ng K-drama series na My Girl.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sue matapos ang event at inamin nitong na-starstruck siya kay Dong Wook.

Aniya, "Oh my gosh! It's surreal, hindi ko talaga alam kung ano mararamdaman nung nandun na siya.

"I tried to compose myself, I tried to keep calm, but on the inside, my fangirl self is just shouting and raging inside.

Continue reading below ↓

"Ang guwapo niya, OMG!"

Dagdag pa ni Sue, "Na-starstruck ako!

"Hindi nga ako makagalaw sa stage, hindi ba?

"Pero it was very chill, he was very cooperative naman with the questions that was asked."

Nahirapan din si Sue na tumingin pabalik sa aktor sa tuwing tumitingin ito sa kanya kapag siya naman ang sumasagot sa question-and-answer segment ng event.

Kuwento ni Sue, "Napapa-look away ako, hindi ko kaya! I can't even!

"Ang guwapo niya sa TV pero iba kapag nandiyan na talaga sa harapan mo.

"And it's not only the look, it's the whole presence, yung aura niya.

"Ibang klase talaga ang mga Korean stars."

Dagdag pa ng Kapamilya actress, "He's very smart.

"Pag sumasagot siya, very intellectual siya sumagot and nakakahanga.

"I learned some things from him."

Nagpapasalamat naman si Sue sa KTO dahil naging bahagi siya ng event kasama si Dong Wook.

"Of course, I'm very very honored and I'm very, very proud to be part of the Korean Tourism Organization.

Continue reading below ↓

"It's been almost three years since I've been a part of this, and I'm just very honored."

SUE'S PROJECTS

Samantala, ibinahagi naman si Sue ang kanyang mga pinagkakaabalahan bago matapos ang taon.

Kasalukuyan nitong tinatapos ang taping para sa pelikulang Kid Alpha One kasama ang baguhang aktor na si Javi Benitez.

Magbabalik-teleserye rin si Sue ngunit hindi pa nito binanggit ang ibang mga detalye.

Aniya, "We're currently finishing Kid Alpha One with Richard Somez and Javi Benitez.

"And I'm currently doing a teleserye, but I'm not so sure if I can say it right now.

"But very, very soon, malalaman na rin po ng mga tao kung ano yung ginagawa kong teleserye ngayon."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sue Ramirez joined South Korean actor Lee Dong Wook at the opening ceremony of Korea Tourism Organization's #LoveKOrea Culture and Travel Fiesta last Saturday, October 5, at SM Mega Fashion Hall in Mandaluyong City.
PHOTO/S: @juliafresh20 on Instagram / Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results