Mikoy Morales reveals talking to Alden Richards about his friendship with Juancho Trivino

by Rose Garcia
Oct 8, 2019
Tiniyak ni Mikoy Morales na hindi nakaapekto sa pakikipagtrabaho niya kay Alden Richards ang pagiging mag-best friend nila ni Juancho Trivino, na nagkaroon ng isyu noon sa Pambansang Bae.
PHOTO/S: Rose Garcia

Matagal nang hinahangaan ni Mikoy Morales ang kapwa Kapuso actor na si Alden Richards, na first time niyang nakatrabaho sa primetime series na The Gift.

“Ina-admire ko na si Alden sa previous body of work niya, pero ngayon ko lang siya nakatrabaho, first hand.

“And masasabi ko na yung galing niya, hindi lang yung... kaya niyang umiyak. Hindi, e. It’s his entirety,” saad ni Mikoy.

Inamin ni Mikoy na sa umpisa ng mga taping nila, parang may nararamdaman pa siyang reluctance mula kay Alden.

Hanggang sa naramdaman nilang naglu-loosen up na si Alden sa kanila.

Kuwento ng Protégé alumnus, “Sinabi ko rin kay Mikee [Quintos] sa first taping day namin, may napi-feel akong reluctance.

"Usually, sa mga previous soap ko, okay lang.

“Pero dito, parang hindi, parang kailangan kong ilabas nang personal. Kasi, makakatulong siya sa totoong dynamics."

Sa unang araw pa lang ng taping nila, naglabas na raw sila ng totoong saloobin sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

“Naglabas na kami na ito ang nararamdaman ko sa ‘yo. Kaming tatlo—si Mikee, si Alden, at ako.

"Ganun kasi sa workshop.

“Para wala nang ilangan, wala nang kapaan, para maging totoo sa eksena sa isa’t isa.”

Matalik na magkakaibigan ang roles nina Mikoy, Mikee, at Alden sa teleserye.

Ano ang sinabi niya kay Alden?

“Well, isa yung sinabi ko sa kanya, I don’t know how to say this na hindi nagmumukhang parang clueless, pero ina-admire ko talaga yung trabaho niya.

“Naaalala ko yung mga ginawa niya dati, like yung Magpakailanman niya na OFW siya.

“And then, nag-Ilustrado, nag-AlDub and everything. Yung concert niya sa Philippine Arena.

“Nagta-transcend kasing talaga ang puso niya sa ginagawa niya, and I can totally relate.

"He deserves everything and, for a time, itinatayo niya ang bandera ng GMA."

Ano yung hindi magandang sinabi niya sa reluctance talk nila?

Continue reading below ↓

“Parang ayokong [sabihin]...” nag-aalangang sabi ni Mikoy.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikee sa taping ng The Gift noong Oktubre 4, Biyernes, sa Sta. Mesa, Manila.

JUANCHO TRIVINO'S BEST FRIEND

Si Mikoy ay best friend ni Juancho Trivino, na nagkaroon ng isyu noon kay Alden.

Noong March 2018 ay naging laman ng balita ang pagdi-dirty finger diumano ni Juancho sa poster ni Alden.

Hindi naman nagtagal ay nagkaayos din ang dalawa at nagkapaliwanagan tungkol sa insidente.

Ayon kay Mikoy, “Na-bring up ko rin yun, isa yun sa mga na-bring up ko.

"Ang laking ano nun... best friend ko si Juancho.

"Naririnig ko naman ang side ni Juancho palagi, hindi ko naman nakakausap si Alden.

“Actually, wala naman talagang side ni ganito, side ni ganyan.

"Hindi rin naman kasi si Juancho na, 'Si Alden ganyan...' Hindi naman.

“Kinukuwento niya lang din. Hindi naman kailangang mamili ng side nung time na yun.

Continue reading below ↓

“Kung ano ang sinabi nila, yun ang nangyari.

"And hindi naman saliwa yung parehas na sinabi nila, it’s just they feel differently about it."

Na-open daw ni Mikoy kay Alden na medyo naiilang siya rito dahil best friend niya si Juancho.

“Pinangungunahan ko sa utak ko palagi,” saad ni Mikoy.

“Ako yung may ilang and pinangungunahan ko yung sarili ko palagi na baka, at the back of his mind, dyina-judge niya or ganito ang tingin niya sa akin dahil best friend ko si Juancho.

"Kung ano man yun, hindi ko alam.”"

Ano ang naging sagot ni Alden sa kanya?

“Sabi ni Alden, ‘Mikoy, wala. Ikaw si Mikoy.’

"Hindi siya nagdya-judge. At hindi siya yung kaibigan ka ni ganito, ganito ka na rin.”

Ngayong kasama niya halos araw-araw si Alden, ano na ang pagkakakilala niya rito?

Ayon kay Mikoy, “Ganun pa rin, hindi naman nagbago.

Continue reading below ↓

"Ever since, yun naman ang tingin ko sa kanya.

“Genuine and, yun nga, grabe yung paglagay niya ng puso sa craft niya.

"And that alone, nakaka-inspire."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tiniyak ni Mikoy Morales na hindi nakaapekto sa pakikipagtrabaho niya kay Alden Richards ang pagiging mag-best friend nila ni Juancho Trivino, na nagkaroon ng isyu noon sa Pambansang Bae.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results