Bianca Lapus defends Claudine Barretto from people questioning actress' mental health

by Julie E. Bonifacio
Oct 8, 2019
Bianca Lapus (in black blouse) on Claudine Barretto: "Ang ayoko lang, pinapalabas kasi na baliw siya, imbes na tulungan siya makabalik. Hindi pa nga nakakatayo yung tao, pinipilayan na ulit. It’s like some people are just waiting for her to make a mistake when she is doing everything to recover and get up again."
PHOTO/S: Bianca Lapus Instagram

Nilinaw ni Bianca Lapus ang napabalitang unstable mental at emotional condition ng kaibigang aktres na si Claudine Barretto.

Napag-usapan din ang mental at emotional condition ni Claudine sa Las Islas Music Festival press conference nang matanong ang pamangkin niyang si Claudia Barretto tungkol sa kanyang mental health advocacy, ang Mind Games.

Ayon kay Bianca, maging si Claudine ay advocate ng mental health awareness.

"She is actually an advocate.

“In fact, she recently attended an event to raise awareness about mental health.

“Ang ayoko lang, pinapalabas kasi na baliw siya, imbes na tulungan siya makabalik.

"Hindi pa nga nakakatayo yung tao, pinipilayan na ulit.

“It’s like some people are just waiting for her to make a mistake when she is doing everything to recover and get up again."

Saad pa ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "I think she is one of the most misunderstood actresses sa industry.

Continue reading below ↓

"Marami siyang pinagdaanan na trauma at depression... yung kay Rico na lang... di ka ba madi-depress?

"Di ba, ang dami pinagdaanan nung tao?”

Ayon pa kay Bianca, kasalukuyang nasa ospital ang ama ni Claudine, si Miguel Barretto.

Si Claudine daw, kasama ang ina nitong si Inday Barretto, ang nagbabantay sa amang maysakit.

"Kaya loaded utak nun now. Very hands on siya, and it will not help if she gets to see negative news about her."

Sa panayam niya noon sa Kapuso Mo Jessica Soho noong January 2018, inamin ni Claudine na regular siyang nagpapatingin sa isang psychiatrist dahil sa kanyang panic disorder.

Nagsimula raw ito nang pumanaw ang dating boyfriend niyang si Rico Yan, 27, noong March 29, 2002.

CLAUDINE'S NEW MANAGER

Si Bianca ang tumatayong bagong co-manager ni Claudine.

May nagsabing "good luck" at the same time nagbigay babala sa pagma-manage ng career ni Claudine.

Ngunit ayon kay Bianca, “Pero ayoko sila pakinggan.

Continue reading below ↓

"Kasi, ang kailangan ni Clau ngayon, mga totoong tao na nagmamahal at naniniwala na kaya niyang bumangon.

"Hindi matatawaran ang talent niya.

"Even sa last MMK [Maalaala Mo Kaya] niya, ang taas ng rating and had good feedback.

“Kahit may lumabas na di daw niya memorize lines niya, it’s all lies.

"She arrived on the set two hours early, and she memorized all her lines. Almost take one lahat.”

Hindi naaalarma si Bianca just in case hindi mag-work out ang partnership nila ni Claudine as co-manager-talent.

“Palagay ko, loss naman niya yun, not mine.

"Kasi more than a co-manager, I am a true friend na gumagabay at sumusuporta sa kanya now together with Star Magic and Star Cinema.

"And even Piolo [Pascual], full support sa pagbabalik niya."

Saad pa ng dating aktres, “I hope people will stop judging Clau about her past.

"Everyone had a past na di kagandahan. Pero sana lahat mag-move on na, di ba?

Continue reading below ↓

"Support people who are trying to recover from their mistakes from their dark past, like you, like me, like Claudine, and everybody else.

“Focus on what is good."

Pagpapatuloy ni Bianca, “Eto, nasusulat ba?

“Alam ba ng mga tao na kahit anong puyat niya, gumigising siya para ipaghanda ng almusal at baon mga anak niya?

“Alam ba nila na kung hindi dahil kay Claudine walang tinitirhan magulang nila now?

"Kaya nga sa lahat ng anak, siya ang paborito at hinahanap.

"Kasi siya ang palaging tumutulong sa buong pamilya, lalo na noong panahon na active siya.

“Alam ba nila na may mga tinutulungan si Claudine randomly, like, nasa ER [emergency room] ng hospital. nakita niya walang pera, ayaw i-admit o gamutin, siya ang sumagot.

“Alam ba nila na mga kasambahay niya hanggang anak, trato niya pamilya?"

Pagtatanggol pa ni Bianca kay Claudine: “Yes, she is imperfect minsan, maski kami nagtatalo, we agree to disagree.

Continue reading below ↓

"Pero lahat naman ganun, di ba?

“She is genuinely generous. She is just really misunderstood.

“She is doing her best now. Diet, workout, treatments to prepare for her comeback together with Piolo.

“And we already had a closed-door meeting with Star Cinema and Star Magic.

"She’s very emotional now kasi siyempre nag-aasikaso siya sa parents niya. Wala naman kasama yung dalawa sa bahay.

“So, now, nasa ICU si Daddy, si Mommy and Claudine magkasama. Siya sa lahat ang pinaka hands-on.”

BIANCA'S NEW CAREER

Active noon sa showbiz bilang artista si Bianca noon at nagkaroon sila ng anak ng komedyanteng si Vhong Navarro.

Pero ngayon ay nakatuon ang atensiyon ni Bianca sa negosyo at pagma-manage ng mga artista.

With her new talent management, dumarami na yata ang alaga ni Bianca?

Saad niya, "Meron pa kasi ako isang teen star na in the process pa ang usapan namin. Sikat siya now, taga-ABS-CBN din.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga, ako na lang magsasalita for her [Claudine], to protect her from reading negative write up.

"Ang ganda lately ng mga ginagawa namin, we will also launch a vlog soon.”

Bukod kay Claudine, ilu-launch ni Bianca ang all-female group na kinabibilangan nina Liezl Garcia, Dea Formilleza, at Garie Concepcion.

Sila raw ang female version ng BuDaKhel nina Bugoy Drillon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan.

Ngayong nagma-manage na rin siya, naaalala raw ni Bianca ang dati niyang manager na si Vera Isberto.

“Di ba, grabe nung napunta ako sa ibang manager, hinanap-hanap ko how she took care of me, Jao [Mapa], et cetera.

“Parang mommy talaga kaya siya inspiration ko. Baka eto talaga ang destiny ko!” natatawang sabi ni Bianca.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Lapus (in black blouse) on Claudine Barretto: "Ang ayoko lang, pinapalabas kasi na baliw siya, imbes na tulungan siya makabalik. Hindi pa nga nakakatayo yung tao, pinipilayan na ulit. It’s like some people are just waiting for her to make a mistake when she is doing everything to recover and get up again."
PHOTO/S: Bianca Lapus Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results