Chito Miranda says wife Neri Naig not jealous of Bubbles Paraiso

by Rachelle Siazon
Oct 8, 2019
Parokya Ni Edgar frontman Chito Miranda assures netizens that his wife Neri Naig is not affected by his close friendship with Bubbles Paraiso (right).
PHOTO/S: @chitomirandajr Instagram

May ilang netizens ang tila nabahala nang makita ang appreciation post ni Chito Miranda, 43, para sa best friend nitong si Bubbles Paraiso, 31.

Baka raw pagmulan ng away o makaramdam ng selos ang asawa ni Chito na si Neri Naig, 34, sa pagiging malapit ng Parokya Ni Edgar vocalist kay Bubbles.

Sa Instagram post ni Chito noong September 30, ipinagmalaki niya ang "sobrang ganda, sobrang sexy, and sobrang bait" na si Bubbles, na kinarir daw ang pagsali sa isang internationally-recognized cycling competition.

Nabanggit din dito ni Chito na 15 taon na silang magkaibigan ni Bubbles at masaya siya sa latest achievement nito bilang isang "super athlete."

"I met Bubbs nung 16yrs old pa lang sya, tapos naging super close kami kasi sobrang grabe sya uminom hahaha! As in taob lahat ng boys!"

Dagdag ni Chito, "Anyway, super idol ko talaga sya...and sobrang proud lang ako na tropa ko sya!"

Continue reading below ↓

Makailang-beses nabanggit sa post ni Chito na "kaibigan" at "tropa" niya si Bubble—na nakasuot ng swimsuit sa litratong ibinahagi ng singer.

Pero sa comments' section, may ilang netizens ang humirit na "masyadong ginalingan" ni Chito ang pagiging supportive friend kay Bubbles.

May isa pang nagsabi na "stop na" si Chito sa pagkuwento ng anecdotes tungkol kay Bubbles dahil "magagalit na" ang asawa ng singer.

Gayunman, siniguro ni Chito na walang dapat ikabahala ang netizens dahil hindi apektado ang misis niyang si Neri.

Hindi raw ito selosa at sobrang secured nito sa relasyon nilang mag-asawa.

Paliwanag ni Chito (publised as is), "una po, walang dahilan magselos kung walang dapat ikaselos.

"pangalawa po, secured na secured ang asawa ko sa pagmamahal ko sa kanya."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

NERI JOINS CHITO AND BUBBLES' exchange

Tinuldukan naman ni Neri ang espekulasyong baka pagselosan niya si Bubbles sa pamamagitan ng pagsali sa palitan ng mensahe nina Chito at Bubbles sa Instagram.

"Yung first time na mami-meet ko kayo ni Angel, sinabihan na ako ni Chito na, wag kang magugulat mataray si Bubbs," tukoy ni Neri sa best friends ni Chito na sina Angel Locsin at Bubbles Paraiso.

Patuloy ni Neri, "Sabi ko ok lang. Tapos nung nakilala ko kayo, sabi ko kay Chito, akala ko ba masungit? Eh ang kakalog nila."

Noon pa man ay bukas sa pagsasabi si Neri na napalapit na rin ang loob niya kina Angel at Bubbles.

Dagdag na comment ni Chito, "@mrsnerimiranda [laughing with tears emoji] may warning na kasama pag ipapakilala si @bubblesparaiso."

Sumang-ayon naman si Bubbles sa sinabi ni Chito na "mataray at pasaway" siya kung minsan.

Ani Bubbles, "@mrsnerimiranda masungit ako in real life promise [laughing with tears emojis]."

Continue reading below ↓

Hirit ulit ni Chito, "nerdy" at "dorky" din si Bubbles.

JUST FRIENDS

Base pa rin sa kanilang huntahan sa Instagram, nagkakilala sina Bubbles at Chito nang gumawa sila ng isang TV commercial para sa isang softdrink brand.

Kasunod nito, may nagtanong kay Chito kung pinormahan ba niya noon si Bubbles at sinabihan ito ng "friendzone mo mukha mo."

Continue reading below ↓

May kantang "Friendzone Mo Mukha Mo" na ni-release ang bandang Parokya Ni Edgar noong 2018.

Sagot ulit ni Chito (published as is), "nope [laughing with tears emoji] para kay Neri yun kasi di ako pumayag na ifriendzone niya ako."

Tanong ng isa pang netizen (published as is): "@chitomirandajr di ka ba tinamaan sa ganda ni @bubblesparaiso? o natakot ka baka mayari ka sa utol niyang si @paoloparaiso"

Continue reading below ↓

Sagot ni Chito, "sobrang ganda ni Bubbs pero sa pinagsamahan namin parang naging kapatid kasi ko na sya eh."

ANGEL LOCSIN, NEIL ARCE REACTION

Samantala, nag-comment din ang engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce sa appreciation post ni Chito para kay Bubbles.

Ani Angel, "Ayan na-post mo naaaaa!"

Continue reading below ↓

Hirit naman ni Neil kay Chito, puwede nila "ipa-bidding" si Bubbles.

Mananalo raw kung sino ang magbigay ng "highest offer."

With matching crying emojis, sagot ni Bubbles, "@neilarce nakakainissssssss."

Isang simpleng laughing with tears emoji naman ang sagot ni Chito.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parokya Ni Edgar frontman Chito Miranda assures netizens that his wife Neri Naig is not affected by his close friendship with Bubbles Paraiso (right).
PHOTO/S: @chitomirandajr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results