Vice Ganda, Ion Perez PDA at birthday celebration of Vice's mother

by Bernie V. Franco
Oct 8, 2019
Vice Ganda brings rumored boyfriend Ion Perez at the intimate birthday celebration of the TV host-comedian's mother.
PHOTO/S: Photos from Instagram

Kabilang si Ion Perez sa dumalo sa intimate dinner para sa 74th birthday celebration ng ina ni Vice Ganda na si Rosario Viceral.

Nag-post si Vice ng series of videos sa kanyang Instagram Story nitong Linggo, October 6.

Sa videos, makikita ang grupo nina Vice habang nasa isang restaurant.

Bukod kina Vice, Ion, at ina ni Vice, kasama rin nila ang dalawang pamangkin ng TV host-comedian at tatlong hindi kinilalang kaibigan.

Nang ipaling ni Vice ang video kay Ion ay akmang hahalikan siya ng binata at bahagyang dumampi ang mga labi nito nito sa buhok ni Vice.

Continue reading below ↓

“Fresh, o!” panunukso pa ni Vice kay Ion.

May isa ring video kung saan makikita na pinagsilbihan ng It’s Showtime host si Ion, habang kumakain, sa pamamagitan ng paglalagay ng pagkain sa plato ng binata.

Continue reading below ↓

VICE-ION ROMANCE

Walang duda na unti-unti nang nagiging kumportable sina Vice at Ion sa pagpapahayag ng pagmamahal nila sa isa’t isa.

Bagamat wala pa ring direktang pag-amin kung may relasyon na nga silang dalawa, sapat na ang kanilang mga pahayag sa interviews at ang kanilang social media posts.

Continue reading below ↓

Nito lamang October 4, ipinahayag ni Ion sa isang Instagram post kung gaano kalalim ang pagmamahal niya kay Vice.

Caption ni Ion: "Lahat ng tama may rason para maging mali pero ang pag mamahal ko sayo walang rason para maging mali.”

Sa isang presscon naman noong September 30, diretsang sinabi ni Vice na "espesyal" si Ion sa kanya dahil napapasaya at napapangiti siya ng binata.

Sa isang post sa Instagram Story noong September 20, ipinahayag ni Ion ang pagnanais niyang pakasalan si Vice.

Post ni Ion: “IKAW ANG GUSTO KONG MAKASAMA HANGGANG SA [HULING] SANDALI NG AKING HININGA AT KUNG PINANGANAK LANG AKONG MAY KAYA MALAMANG PINAKASALAN NA KITA #AKINGREYNA”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda brings rumored boyfriend Ion Perez at the intimate birthday celebration of the TV host-comedian's mother.
PHOTO/S: Photos from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results