Alexa Ilacad looks back on past, unofficial relationship with Nash Aguas

by Rose Garcia
Oct 8, 2019
Alexa Ilacad (left) on relationship of Nash Aguas and Mika dela Cruz (right): "Honestly, the whole time, I always knew in my heart na may space sa puso niya si Mika."
PHOTO/S: Mark Atienza / Nash Aguas Instagram

Tahasang sinabi ni Alexa Ilacad na buwag na ang love team nila ni Nash Aguas, ang NLex, bagamat nagkakasama sa ilang shows para sa iniendorsong damit.

“Okay naman po kami, very civil, very professional,” saad ng 19-year-old Kapamilya actress.

Matagal silang naging magka-love team pero hindi sila naging opisyal na magkarelasyon.

“Ano po, kumbaga, MU [mutual understanding], yung ganun.

"Wala lang kaming label, pero hindi siya relationship, e.

"Pero minahal namin ang isa’t isa, wow!” natawang sabi niya.

Patuloy ni Alexa, “Four or five years, pero hindi naging official. Kasi, ilang taon lang ako nun, wala pa akong 18.

“Pero, hindi joke time yung love.

“Totoo na kung umabot sana sa tamang edad, kung hindi namin napagdaanan yung mga napagdaanan namin, sobrang possible talaga na maging kami.

"Nakikita namin na gusto namin yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alexa sa last shooting day ng pinagbibidahang horror movie na Santigwar noong Oktubre 1, Martes, sa Bulacan.

Continue reading below ↓

WHY THEY NEVER BECAME OFFFICIAL

Vocal si Alexa kung ano ang naramdaman, nararamdaman at nasa puso’t isipan niya.

“Meron po,” sagot niya nang tanungin kung mayroon silang hindi magandang pinagdaanan ni Nash.

“Siyempre po, meron kaya nagkalabuan din. But not naman to the point na hate na namin ang isa’t isa.

“Sobrang nakakapag-usap naman kami, ayos naman po ang lahat-lahat.”

Naiilang sila?

“Hindi, never naman kami nailang.

"Kahit nga noong panahon na hindi kami masyadong okay, okay pa rin kami. Naghe-hello pa rin kami.

“No hard feelings, everything’s okay.”

Ang girlfriend ni Nash, 20, ngayon ay ang Kapuso actress na si Mika dela Cruz, 20.

Si Mika ba ang dahilan kaya sila nagkalabuan ni Nash?

“No, no po,” tanggi ni Alex.

“It’s more on sa aming dalawa po. Pumasok naman si Mika noong hindi na kami nag-uusap.”

Continue reading below ↓

Alam ni Alexa ang pahayag ni Nash sa social media na bata pa lang ito, may gusto na siya kay Mika at hindi ito nawala.

Nasaktan ba siya nang malaman ito dahil ilang taon din silang magkasama?

Saad ni Alexa, “Honestly, the whole time, I always knew in my heart na may space sa puso niya si Mika.

"I understand naman yung pinagdaanan namin, noong Goin’ Bulilit naman, sila talaga yung lovebirds.

“Kiddie lovebirds and I knew that, and I knew na kahit noong mga panahon na kami ni Nash ang nagkakamabutihan, hindi nawala yung communication nila.

“Nagkita sila, binibisita niya sa bahay.

"I knew that, kasi yung moms nila are very close.

"I always knew in my heart na hindi mawawala yun.”

Nagselos siya?

“Oo naman!” pag-amin ni Alexa.

“Pero noong okay pa kami. Pero noong hindi na, noong una kong malaman, parang hindi na siya surprise.

Continue reading below ↓

"Parang... ahh, okay, I knew it. Obvious na doon naman mapupunta.”

NASH AND MIKA AS A COUPLE

Ano ang naramdaman niya noong malaman niyang sina Nash at Mika na?

“Noong una, wala, okay lang, tanggap,” sabi ni Alexa.

“Pero, parang may nakita akong post na alam ko, wala lang naman yun.

"Hindi ko makita kung si Nash o Mika nag-post ng picture nila, 'tapos si Nash, nag-comment na parang '13 years and I still love you.'

“Doon ako na parang... e, sa loob ng 13 years na yun, parang naano lang ako na...

"Okay lang, ayoko nang ma-hurt, kasi it’s not my place anymore.

“But I will be lying if I’ll say, hindi ako napaisip. Parang, may karapatan ba akong magalit? Kasi, ang weird, e, nandoon ako.”

OK ba sila ni Mika? Nagkausap ba sila lately?

Bata pa lamang ay magkakasama na sila noon sa defunct ABS-CBN kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Continue reading below ↓

“Ang tagal ko na siyang hindi nakita,” pag-amin ni Alexa.

“The last time I saw her, hindi ko maalala, years and years ago.

"Okay lang naman. I said hi and she said hi.

“Kasama pa niya noon si Nash. Nagulat din ako na nagkita-kita kami bigla.”

Doon niya nakumpirmang itinuloy na ni Nash ang panliligaw kay Mika.

Naging magkaibigan ba sila ni Mika noong nasa Goin’ Bulilit pa sila?

“Honestly, malabo rin yung pagiging magkababata namin.

"May times na hindi, but there was a time na she said sorry naman.

“Kasi, bata pa kami, Goin’ Bulilit, medyo mean girls, mean girls...

“Noong naging ilang taon naman na kami, she said sorry and everything became okay. We became best friends pa.”

Noong nagkasama sila sa LUV U, isa pang ABS-CBN show dati, iba na raw ang naging pakikitungo nila ni Mika sa isa't isa.

Continue reading below ↓

Ayon kay Alex, “Actually, hindi naman kami nag-away and walang bastusan, walang anything.

“Of course, hindi naman kami plastic and we know na hindi naman kami ganito, hindi kami tight. Hindi kami close.

“And when we see each other, we’d rather not mingle.

"Pero professionally, since we’re civil, may respeto kami sa isa’t isa.”

WILLING TO WORK WITH NASH

Kung may offer na project ang ABS-CBN na sila ni Nash ang magkasama, tatanggapin daw ito ni Alex dahil trabaho.

“Ako, willing ako. Nag-The Good Son pa kami.

"And if it’s especially yung project, napakaganda, wala na akong pakialam kung ano man ang pinagdaanan namin, tatanggapin ko po yun, sayang naman.

“Be professional na lang and, honestly, we work well together.”

Kung may mga tanong man siya sa mga nangyari, hindi na raw kailangan pang malaman ang sagot.

Continue reading below ↓

Hindi na rin daw kailangan pang magpaliwanag ni Nash.

Ayon kay Alexa, “Hindi kailangan.

"Hindi naman niya need na mag-explain and I don’t want him to anyway.

"Nagalit nga ako sa sarili ko, 'Bakit ka na-hurt?'

“E, I mean, 'tapos ka na. Sinabi mong out na siya sa life mo.

"So, sinabi ko, wala na akong pake.

“Kung ano man yun, I’ll give the benefit of the doubt, naka-move on na ako, malayo na ako.

"And I want to exclude myself from them."

FIRST LOVE NEVER DIES

Single ngayon si Alexa at kahit pagkatapos ng kabanata sa buhay niya kasama si Nash, hindi pa siya nagkakaroon ng karelasyon.

Inamin din ni Alexa na ‘first love’ niya si Nash. May kasabihan pa naman na ‘first love never dies.’

“Yung akin, dead na!” natawang sabi niya.

“I mean, I say it with no bitterness. Ayoko na, tapos na yun.

Continue reading below ↓

"I’m glad it happened. Pero, it’s a finished chapter in my life."

Nagsisi ba siyang nagkaroon sila ng chapter sa buhay niya?

Ayon kay Alexa, “Alam niyo po talaga, siguro normal lang ako na tao na kung minsan, gigising ako na nagsisisi ako.

"Pero minsan, gigising ako na, no, it happened for a reason and I’m thankful.

“Depende lang siguro sa mood ko.

"Pero ngayon, hindi ako nagsisisi. I mean, ang dami kong natutunan, grabe.

"Totoo yun, kahit hindi kayo nagkakamabutihan, ang dami mong matututunan.

“And along the way, I learned things about myself also and na-open yung mundo ko to new people, new friends, new experiences.

“I’m so happy and I believe it had to happen. So, no, hindi ako nagre-regret.”

Mahal pa niya si Nash?

“No more,” mabilis na sagot ni Alexa.

“Siguro not romantically and—we’re not even friends.

Continue reading below ↓

"I wouldn’t even say we’re friends. Siguro, acquaintances, yes.

“Pero friends, he’s not someone I can call when I’m feeling sad or I’m not okay, so we’re not friends.

“Pero, I think, I will or he will always have a part of him in me na I’m thankful for naman.

"Pero, no, I don’t love him anymore.”

Tila napakalalim ng hugot niya sa kung ano mang namagitan sa kanila ng dating ka-love team.

“Oo, kasi kahit mga bata kami, what we shared was real. Alam namin yun,” pagsang-ayon niya.

“Hindi siya puppy love lang.”

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Ilacad (left) on relationship of Nash Aguas and Mika dela Cruz (right): "Honestly, the whole time, I always knew in my heart na may space sa puso niya si Mika."
PHOTO/S: Mark Atienza / Nash Aguas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results