Mikoy Morales admits to exploring during cool-off period with Thea Tolentino

by Rose Garcia
Oct 8, 2019
Mikoy Morales on getting back with Thea Tolentino despite numerous breakups: "Meron palang kati ko lang pala. May hinanap lang akong feelings, pero after nun, hindi, 'Hindi ka si Thea, e.'"
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Hindi na mabilang ni Mikoy Morales kung ilang beses silang naghiwalay at nagkabalikan ni Thea Tolentino sa loob ng pitong taon nilang relasyon.

“Ito lang ang pinaka-steady na matagal na consistent,” sabi ni Mikoy nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng The Gift nitong Oktubre 4, Biyernes, sa Sta. Mesa, Manila.

“Pero, I mean, hindi mo naman maiiwasan. Kasi, same circle of friends kami.

“Yung magulong stage namin ended a year ago, and sometime last year kami nag-start na maging stable na.

"Nangyari na lang muli."

ON-OFF RELATIONSHIP

Sa dami ng paghihihiwalay at pagbabalikan nila sa loob ng pitong taon, parang hindi nila kayang mabuhay na wala ang isa’t isa?

“Oo, e, kahit anong gawin namin," pagsang-ayon ni Mikoy.

"Ilang beses na nag-break, na-try na naming hindi mag-usap at all, magkalimutan. Maging friends, mag-away.”

Nakipagrelasyon si Mikoy sa iba. Tumikim din ng iba, at lalo niyang napatunayan sa sarili niya na si Thea pa rin pala.

Continue reading below ↓

Saad ng Kapuso actor, “Meron palang kati ko lang pala. May hinanap lang akong feelings.

"Pero after nun, hindi... 'Hindi ka si Thea, e.'”

Alam ni Thea na tumikim siya ng iba?

“Alam niyang lahat, hindi ko itinago,” sagot ni Mikoy.

Si Thea ba, nagkaroon din ng ibang relasyon?

“May mga ligaw-ligaw, pero hindi siya kasing-explorative ko!” natawang sabi ng binata.

Parang hindi rin maganda kung kagaya niya si Thea na exploratory.

Ayon kay Mikoy, “Okay lang naman yun, wala naman sa amin kung sino ang babae at kung sino ang lalaki.

"Siya, kung ano ang kailangan niyang i-explore on her own, gawin niya.

“Ako rin. Walang judgment.”

Nakikita niyang sila na hanggang sa huli?

“Sana, sana... but it’s too early to tell.

"Pareho naman kaming nag-iisip na hindi umaabot doon sa point na tayo na forever.

“Mas nagwu-work, siguro hindi naman sa parang maluwag, pero yun ang perspective mo sa relationship.

Continue reading below ↓

“Hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari bukas. Pero today, pipiliin kita.

"Bukas, paggising ko, okay, pipiliin pa rin kita.

“I choose you every day hangga’t ganito ang nararamdaman ko.”

THEA'S BIRTHDAY GIFT TO HERSELF

Hindi natuloy si Thea sa Taiwan kung saan manonood sana ito ng concert.

Kung ang karamihan ay mahilig sa K-pop (Korean pop), si Thea naman ay sa J-pop (Japanese pop).

Ayon kay Mikoy, “Yun na nga lang ang regalo niya sa sarili niya lagi.

"Kaso, nagkaproblema sa passport. Hindi nasabi ng agency.”

Suportado ni Mikoy ang girlfriend sa pagpa-fangirl nito.

Aniya, “Oo naman, deserved niya yun, e.

"Sa lahat ng ginagawa niya, lalo na sa personal life niya.”

Personal life sa kanya?

“Oo, sakit ako ng ulo, e!” natawang biro ni Mikoy.

“Pero bukod sa akin, family, everything in general.

"Siyempre, nakikita natin ang hirap niya sa pag-arte sa trabaho.

Continue reading below ↓

"Pero sa likod nun, marami rin siyang pinagdadaanan.

“Parehas kami, marami kaming pinagdadaanan.

"Nandoon kami sa stage na talagang explore, lahat ng nararamdaman namin, lahat sa tingin namin na madi-discover kami, pinupuntahan namin kahit nakakatakot.

“So, ganun kami ngayon, and ito ang isa sa mga reward niya sa sarili niya after ng lahat ng pinagdadaanan niyang hirap.”

Dahil sa mga naging pahayag ni Mikoy, posibleng mag-isip ang mga tao kung ano ang pinagdadaanang ito ni Thea.

“Personal, e,” saad ni Mikoy.

“It’s not my story to tell. Family, siguro sa akin din naman, big factor ang family.”

THEA'S FAMILY ISSUE

Isa sa mga dahilan ng matagal nilang breakup noon ay ang pinagdaanan ni Thea sa kanyang pamilya.

Hindi pa rin pala naso-solve iyon?

Ayon kay Mikoy, “Hindi pa, pero at least, na-solve namin kung paano kami magsasama habang ginagawa namin.

Continue reading below ↓

"Dati kasi, either walang kapit or sobrang kapit.

“Naka-depend kami sa isa’t isa para malutas ang isang problema, na hindi naman dapat.

"At least, nandoon kami, at least na-set namin yung tamang space.

“Kung sa tingin mo na kailangan mong pagdaanan na ikaw lang, e, di ikaw lang.

“Alam mo na nandito ako, pero mas magandang isipin na ikaw lang mag-isa. Iba kapag solo journey, e.”

Okay ba ang isa’t isa sa kanila sa mga pamilya nila?

“Oo naman, oo naman, sobra!” paniniguro ni Mikoy.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikoy Morales on getting back with Thea Tolentino despite numerous breakups: "Meron palang kati ko lang pala. May hinanap lang akong feelings, pero after nun, hindi, 'Hindi ka si Thea, e.'"
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results