Vice President Leni Robredo, celebs pay tribute to cultural activist Carlos Celdran

by Jet Hitosis
Oct 8, 2019
Cultural activist/performance artist/writer/tour guide Carlos Celdran's wife Tesa Celdran announced his passing today, October 8, thru a Facebook post. Carlos was 46 years old, and had been living in exile in Madrid, Spain since January 2019.
PHOTO/S: @carlosceldran on Instagram

Sa isang Facebook post ngayong Martes, October 8, kinumpirma ng kanyang asawa ang pagpanaw ng culture activist-writer-performance artist na si Carlos Celdran.

Ayon kay Tesa Celdran, pumanaw ang kanyang mister dahil sa “natural causes.”

Forty-six years old lang si Carlos, na binawian ng buhay sa Madrid, Spain, kung saan siya naka-exile simula noong January ngayong taon.

Post ni Tesa: “In loving memory of Carlos P. Celdran, 1972-2019.

“As the family is making arrangements to bring him home, no details can be announced yet.

“Only that he passed from natural causes.”

Continue reading below ↓

Self-imposed ang Madrid exile ni Carlos matapos pagtibayin ng Supreme Court noong August 2018 ang guilty verdict ng Court of Appeals noong 2015 laban sa kanya para sa “offending religious feelings.”

Sinentensiyahan si Carlos na makulong ng tatlong buwan hanggang isang taon sa paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code, kaugnay ng paggawa niya ng eksena sa kalagitnaan ng isang mahalagang seremonya sa Manila Cathedral noong September 29, 2010.

Matatandaang ginaya ni Carlos ang pananamit ni Dr. Jose P. Rizal nang sumugod siya sa altar ng Manila Cathedral, bitbit ang karatulang nasusulatan ng “DAMASO,” at itinaas at iniharap iyon sa noon ay nagtitipun-tipong matataas na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Si Padre Damaso ang malupit na pari na karakter sa nobela ng ating Pambansang Bayani, ang Noli Me Tangere.

Ginawa iyon ni Carlos bilang pagpapakita ng pagtutol niya sa umano’y pagharang ng CBCP sa isinusulong noon na reproductive health law, na mariin niyang sinusuportahan.

Continue reading below ↓

PASSIONATE TOUR GUIDE

Nang mga panahong iyon, aktibo si Carlos bilang tour guide at “self-appointed spokesperson and resident artist” ng Intramuros, ayon sa kanyang blog na carlosceldranwalks.wordpress.com.

Nakilala sa kanyang “If These Walls Could Talk” at “Livin’ La Vida Imelda” one-man walking tour shows, naging passion na ni Carlos ang idetalye at ipaunawa sa mga foreign at local tourists sa Intramuros ang kasaysayan ng Maynila simula 14th century hanggang World War II.

Bagamat proud na Batang Maynila, sa Makati City isinilang si Carlos noong November 10, 1972.

Nag-aral siya sa University of the Philippines, pero sa Rhode Island School of Design sa Amerika nagtapos ng painting.

Nagtrabaho si Carlos bilang set designer, cartoonist, illustrator, collage artist hanggang sa mag-full time bilang tour guide sa Intramuros, ayon pa rin sa kanyang blog.

Sa Madrid, ibinuhos pa rin ni Carlos ang kanyang panahon sa pagiging tour guide, partikular para sa paulit-ulit na pagpapakilala ng mga kabayanihan ng idolo niyang si Rizal.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, may schedule na hanggang sa October 31 (Halloween Tour) ang kanyang “The Jose Rizal Walking Tour of Madrid.”

Nakasaad sa blog ni Carlos na sa pamamagitan ng #CaminoRizal tour ay ililibot ang mga turista “around Madrid and retrace Filipino National Hero Jose Rizal’s steps.

TRIBUTES

Nagpaabot naman ng pakikiramay at nagpahayag ng paghanga kay Carlos ang ilang personalidad, tulad ni Vice President Leni Robredo at ng celebrities na sina Bianca Gonzalez, Jim Paredes, at Rovilson Fernandez.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Kung pagkondena at insulto ang tinanggap ni Carlos sa ilang Twitter users, papuri at pasasalamat naman ang inani niya mula sa Instagram followers, na ang ilan ay hindi makapaniwala sa biglaan niyang pagpanaw.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cultural activist/performance artist/writer/tour guide Carlos Celdran's wife Tesa Celdran announced his passing today, October 8, thru a Facebook post. Carlos was 46 years old, and had been living in exile in Madrid, Spain since January 2019.
PHOTO/S: @carlosceldran on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results