Kyline Alcantara, naging inspirasyon dahil sa taghiyawat

by NMI Multimedia
Oct 9, 2019
Nag-share sa kanyang Instagram account si Kyline Alcantara ng kanyang naging "acne breakout" experience.
PHOTO/S: @itskylinealcantara on Instagram

Nag-share si Kyline Alcantara ng kanyang "acne breakout" experience.

Mula raw sa isang taghiyawat, dumami at lumala ang kanyang pimples.

Na-judge, na-bully, at na-bash daw ang aktres dahil sa paglalagay niya ng makapal na makeup para takpan ang mga ito. Ilang skin care routines na rin daw ang kanyang sinubukan pero wala raw itong naging epekto.

Hanggang sa nagpunta na siya sa eksperto at sinabihan siyang itigil na ang lahat ng kanyang ginagawa sa kanyang balat.

Ang posibleng dahilan daw ng kanyang breakout: puberty at reaksyon ng kanyang balat sa iba't ibang skin care routines na sinubukan niya.

Kaya payo ni Kyline, hindi raw lahat ng effective na produkto sa iba ay magiging effective din sa 'yo.

Hinikayat din niya ang mga nakabasa sa kanyang post na maging proud sa taglay nilang uniqueness, maging confident, at mahalin ang sarili.

Ang post na ito ni Kyline, naging usap-usapan online at naging source ng inspiration ng ibang netizens.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-share sa kanyang Instagram account si Kyline Alcantara ng kanyang naging "acne breakout" experience.
PHOTO/S: @itskylinealcantara on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results