Julia Barretto, Gerald Anderson spotted at birthday bash of Star Magic handler

by Rachelle Siazon
Oct 9, 2019
Julia Barretto and Gerald Anderson are among the Star Magic artists who attended the birthday bash of Star Magic handler Luz Bagalacsa.
PHOTO/S: CTTO

Kabilang sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa Kapamilya stars na dumalo sa birthday celebration ng Star Magic handler na si Luz Bagalacsa, o Captain Luz kung tawagin ng mga malapit dito.

Ang Star Magic ay ang talent management arm ng ABS-CBN.

Hiwalay nakunan ng litrato sina Julia at Gerald sa party nitong Martes ng gabi, October 8.

Hindi malinaw kung nagkaroon ng pagkakataong mag-usap ang dating Between Maybe co-stars na nasangkot sa kontrobersiya noong mga nakaraang buwan.

Nakunan ng litrato si Julia kasama ng isa sa non-showbiz guests.

Continue reading below ↓

Habang si Gerald ay namataang mahigpit na yakap ang birthday celebrant na si Luz.

REMINISCING ABOUT BETWEEN MAYBES

Noon lang September 27, nabanggit ni Julia sa kanyang vlog na hindi niya malilimutan ang pelikula nila ni Gerald dahil naka-relate daw siya sa kanyang karakter na "misunderstood" at "lost."

Pero ito rin daw ang nagsilbing daan para mahanap niya ang kanyang sarili at maging matibay sa kabila ng "accusations" at "assumptions" ng ibang tao.

Continue reading below ↓

Ani Julia, "Hazel in the film and Julia as an actress doing the film, they both found themselves at the same time. So I'll never forget that."

MORE CELEBS AT THE PARTY

Balik sa party, nagkita rin doon ang magkaibigang sina Gerald at Kapuso actor Rayver Cruz, na katatapos lang magbakasyon mula sa Europe at Japan.

Continue reading below ↓

Fresh from his Iceland vacation with girlfriend Kathryn Bernardo, humabol din sa gathering si Daniel Padilla na masayang nakipagkumustahan sa kapwa Star Magic artists.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto and Gerald Anderson are among the Star Magic artists who attended the birthday bash of Star Magic handler Luz Bagalacsa.
PHOTO/S: CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results