Fans call out KC Concepcion for showing "too much skin"

by Jet Hitosis
Oct 9, 2019
For KC Concepcion's Instagram followers, her latest Instagram photo (right) is a lot better compared to the photo (left) she uploaded yesterday, "showing too much skin."
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram

Ginulat ni KC Concepcion ang kanyang Instagram followers sa litrato niyang nakatanggap ng “freaking hot” at “gorgeous” comments mula sa kapwa niya celebrities—pero sinita ng ilan niyang fans.

Martes, October 8, nang ipinost ni KC ang litrato niya na nakasuot ng brown off-shoulder mesh top na nag-highlight sa kanyang boobs.

Caption ni KC: “This is how I feel after eating a big bowl of spaghetti (spaghetti in a bowl, stars emojis) Ready for dessert? (cake slice emoji).”

View this post on Instagram

This is how I feel after eating a big bowl of spaghetti ???? ? Ready for dessert? ????

A post shared by KC - also, Kristina. (@itskcconcepcion) on

Pinuri ng ilang kapwa celebrities—kabilang sina Iza Calzado, Vina Morales, Lovi Poe, at Lea Salongaang naturang litrato ni KC.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Bagamat maraming followers ni KC ang natuwa at sumuporta sa naturang litrato, may ilan namang pumuna sa kanya.

SOME FANS DISMAYED

May nagkomento na nakakagulat ang daring pose ni KC, at hindi umano ang tipo niya ang gagawa nun.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May nagsabi namang sana ay ikinonsidera ni KC ang sasabihin ng kanyang inang si Sharon Cuneta kapag nakita ang naturang litrato niya.

Continue reading below ↓

Sinita rin ang 34-anyos na aktres ng ilang netizens, na nagsabing “wholesome” ang kanyang mga magulang kaya hindi umano siya dapat nagpapakita ng “too much skin.”

Continue reading below ↓

Deadma lang ang United Nations World Food Programme (UN-WFP) ambassador sa negative comments.

Gayunman, mistulang bumawi si KC sa litratong ipinost niya ngayong Miyerkules, October 9, kung saan naka-business suit siya.

View this post on Instagram

??????????????????????????

A post shared by KC - also, Kristina. (@itskcconcepcion) on

Kapansin-pansin namang maraming nagkomento ang natuwa at sinabing mas bagay kay KC kapag hindi daring ang suot niya, matapos ikumpara ang post sa litrato niya kahapon.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

KC ENJOYS “FRUITS OF MY LABOR”

Bukod sa bagong litrato, ipinost din ni KC sa kanyang Instagram Stories ngayong Miyerkules ang mga litrato ng bagong interior set-up ng sariling apartment na pinauupahan niya.

Ayon sa caption ni KC, naipundar niya ang kanyang apartment sampung taon na ang nakalipas na “fruits of my labor sa pagaartista.”

Continue reading below ↓

Binigyang-diin din ni KC na “not a single peso from my parents” ang ipinambili ng apartment niya, tinukoy si Sharon at ang amang si Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

Kalakip ng naturang mga litrato ang quote na “Work Earn Save Invest Enjoy,” na tumutukoy sa tuluy-tuloy na pagpupundar ni KC ng magsisilbing investments niya.

Una nang kinumpirma ni KC na may nabili na rin siyang property sa isla ng San Vicente sa Palawan, na madalas niyang dinadalaw.

Continue reading below ↓

KC Concepcion, nagpasilip ng boobey, nasita | PEP Hot Story

Video: Rommel Llanes.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For KC Concepcion's Instagram followers, her latest Instagram photo (right) is a lot better compared to the photo (left) she uploaded yesterday, "showing too much skin."
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results