Paolo Ballesteros world record-breaking feat gets featured on New York Post

by Jet Hitosis
Oct 9, 2019
United States daily newspaper New York Post publishes a report about Eat Bulaga! host Paolo Ballesteros setting an unofficial world record for not blinking for one hour, 17 minutes, and three seconds.
PHOTO/S: Noel Orsal, nypost.com

Bumida ang world record-breaking feat ng actor-TV host na si Paolo Ballesteros sa isang artikulo ng pahayagang New York Post ng Amerika.

Iniulat sa website ng 217-anyos na New York daily newspaper nitong Lunes, October 7, ang pagtatala ng Eat Bulaga! host ng bagong “unofficial record” para sa pinakamatagal na hindi pagkurap ng mga mata.

Continue reading below ↓

Sa “Walang Kukurap” challenge ng Eat Bulaga! nitong Sabado, October 5, nagawa ni Paolo, 36, na hindi kumurap sa loob ng isang oras, 17 minuto, at tatlong segundo, ayon sa official announcement ng longest-running noontime show.

“An actor, comedian and TV host in the Philippines set an unofficial world record for not blinking for a whopping one hour, 17 minutes, and three seconds during an on-air contest,” saad sa report, na isinulat ni Amanda Woods ng nypost.com.

Pinagbatayan ang Instagram post ng Eat Bulaga, nakasaad din sa New York Post article na tinalo ni Paolo ang naunang record ng co-host niyang si Pauleen Luna, na 30 minutes at 44 seconds.

UNOFFICIAL WORLD RECORD

“The show congratulated Ballesteros for the feat and tweeted the moment he finally caved, rubbing his red, watery eyes as he dropped to the ground,” bahagi pa rin ng report ng nypost.com.

Bagamat wala pang opisyal na kumpirmasyon ang Guinness World Record sa pambihirang feat ni Paolo, malinaw na dinaig niya ang unofficial world record sa pinakamatagal na hindi pagkurap.

Continue reading below ↓

Ayon sa RecordSetter, isang Julio Jaime sa Colorado ang nagawang hindi kumurap ng isang oras, limang minuto, at 11 segundo noong 2016.

SETTING OR BREAKING A WORLD RECORD

Batay sa impormasyon mula sa website ng Guinness World Records, upang makumpirma at maging opisyal ang isang world record ay kailangang maberipika muna sa database nito ang naunang record na gustong daigin.

Kailangan ding may kinatawan ng Guinness at independent witnesses sa paggawa ng world record, na dapat ay documented ng photographer o videographer.

Sa kaso ni Paolo, kailangan niyang magpadala sa Guinness ng formal application, isumite ang mga documented evidence, kasama ang isang cover letter at ang mga kinakailangang dokumento.

Mas mainam kung ia-upload online ang documented evidence, para masuri ng Records Management Team ng Guinness.

Tatagal ng 12 linggo ang pagberipika ng Guinness bago makumpirma kung nakapagtala nga ng bagong world record ang aplikante.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
United States daily newspaper New York Post publishes a report about Eat Bulaga! host Paolo Ballesteros setting an unofficial world record for not blinking for one hour, 17 minutes, and three seconds.
PHOTO/S: Noel Orsal, nypost.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results