Alex Gonzaga refuses to fall prey to hackers

by Jet Hitosis
Oct 9, 2019
In an Instagram post today, October 9, YouTube star and TV host Alex Gonzaga reveals that she was able to retrieve her Instagram account from foreign hackers, who were also trying to gain access to her YouTube channel.
PHOTO/S: Noel Orsal

May nagtangkang i-hack ang Instagram account at YouTube channel ni Alex Gonzaga.

Ito ang nabunyag ngayong Miyerkules, October 9, matapos maibalik ng 31-anyos na YouTube star ang kanyang profile photo sa Instagram.

Post ni Alex: “My profile pic is back!!!!

“We’re still trying to manage my youtube account because the hacker is now trying to get into my ads.”

Nagpasalamat din si Alex sa kanyang followers dahil kaagad na naitimbre ng mga ito sa kanya ang mga pagbabago sa Instagram account niya, kaya napigilan ng kanyang kampo ang hacking.

“Thank you to everyone who kept messaging me and asking if my account is ok,” bahagi pa rin ng post ni Alex.

“I appreciate it!”

FOREIGN HACKERS

Sa update na ibinigay ni Alex sa isa niyang follower, sinabi ng Kapamilya TV host-actress na taga-“USA” ang hackers na nagtangkang pakialaman ang kanyang Instagram account at YouTube channel.

Continue reading below ↓

Mayroong 7.4 million followers si Alex sa Instagram, at 4.55 million subscribers sa YouTube.

Nagpahayag naman ng pag-aalala ang followers ni Alex, na nakapansing sa mga nakalipas na araw ay nag-iba ang profile photo niya.

Hindi rin umano ma-access ang mga bagong vlog ng YouTube star, ayon sa kanyang fans.

Sa pagsilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa YouTube channel ni Alex, ang huling vlog na nai-post niya limang araw na ang nakalipas ay ang office raid niya sa dating ABS-CBN Corporation president na si Charo Santos-Concio.

Continue reading below ↓

Sa comment section, binanggit din ng netizens ang nangyaring pag-hack sa Instagram, Twitter, at email accounts ng Kapuso actress na si Kris Bernal kamakailan.

Continue reading below ↓

HACKERS TOOK OVER KRIS’S ONLINE ACCOUNTS

Nitong September 22, napasok ng hackers mula sa Turkey ang nabanggit na mga social media accounts ni Kris, gayundin ang kanyang email.

Sinabi pa ni Kris na nakipag-ugnayan sa kanya ang hackers at hinihingian siya ng aabot sa $750 (PhP38,768) kapalit ng pagbawi niya sa kontrol sa kanyang social media accounts.

Continue reading below ↓

As of October 4, sa tulong ng GMA social media team at ilang online experts, nabawi na ni Kris ang kanyang Instagram at email accounts, habang sinisikap pa ring maibalik ang kanyang Twitter account.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post today, October 9, YouTube star and TV host Alex Gonzaga reveals that she was able to retrieve her Instagram account from foreign hackers, who were also trying to gain access to her YouTube channel.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results