Bela Padilla not looking for love; denies men are intimidated by her

by Bernie V. Franco
Oct 9, 2019
Bela Padilla on love life. “Hindi ko na nga iniisip na part pa pala iyon ng buhay ko…"
PHOTO/S: Noel Orsal

Wala raw love life si Bela Padilla, pero pakiramdam daw niya ay wala namang kulang sa kanyang buhay.

“Wala na nga, e. Hindi ko na nga iniisip na part pa pala iyon ng buhay ko… sumobra!" natatawang sabi ng 28-year-old actress nang matanong tungkol sa estado ng kanyang buhay pag-ibig.

Sabi pa ni Bela tungkol sa pagiging single, “But, I like what I’m doing right now.

“I think I’ve come to a point I don’t even look for it anymore, like, hindi na ako nagtatanong sa sarili ko, ‘Should I go out more?’

“Parang hindi ko na siya naiisip na may kulang ba sa life ko right now, kasi I don’t feel like may kulang, because I’m happy.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang ilang entertainment reporters at bloggers, si Bela sa presscon ng pelikulang Mañanita, na ginanap sa Romulo’s Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong October 4, Biyernes.

Continue reading below ↓

BELA IS NOT LOOKING FOR LOVE

Hindi raw nakikipag-date ngayon ang Kapamilya actress.

“Parang hindi ko din naman hinahanap.

"Masaya. Nag-e-enjoy ako kung ano ang gusto kong gawin.

“Ginagawa ko lang, kung gusto kong mag-workout today, magwo-workout ako.”

Hindi rin naniniwala si Bela na nai-intimidate sa kanya ang mga lalaki kaya hindi siya nililigawan.

“May nabasa ako diyan, 'You don’t intimidate people. They get intimidated.'

“So, hindi mo dapat kasalanan kung nai-intimidate sila.

“I’ve never heard from anyone I’m intimidating.

“Everybody says I’m friendly, madaling kausap, pero siguro hindi ko pa nahahanap yung ka-match ko.”

BELA PADILLA ON NEIL ARCE AND ZANJOE MARUDO

Ang huling naging boyfriend ni Bela ay ang film producer na si Neil Arce, na malapit nang ikasal sa aktres na si Angel Locsin.

Kinumpirma ni Bela ang paghihiwalay nila ni Neil noong January 2017 pagkatapos ng apat na taong pagsasama.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Bela na nag-break sila ni Neil dahil mas pinili ng aktres ang kanyang career.

Na-link din noon si Bela kay Zanjoe Marudo nang magkatrabaho sila sa ABS-CBN prime-time teleserye My Deart Heart noong 2017.

Bagamat nagkaroon ng potensiyal na magkamabutihan, naudlot ito.

Sa kanyang interview sa ABS-CBN late-night entertainment talk show na Tonight With Boy Abunda noong February 2018, inamin ni Bela na nagkaroon sila ng “something special” ni Zanjoe pero hindi ito umusbong.

“But whatever should have happened, didn’t siguro,” aniya.

Binanggit pa ni Bela sa naturang interview na sinabi rin ni Zanjoe sa isang panayam na hindi pa siya handa noong pumasok sa relasyon.

Si Zanjoe ay nauulat ngayong karelasyon ang surfer-model na si Josie Prendergast.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla on love life. “Hindi ko na nga iniisip na part pa pala iyon ng buhay ko…"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results