Nag-start na ang shoot ng mga eksena nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado bilang Captain Lucas at Dr. Maxine sa Pinoy adaptation ng Korean drama series na Descendants of the Sun.
Tinanong si Marian Rivera kung aprub ba sa kanya ang tambalan ng mister niyang si Dingdong at Jennylyn.
Tinanong din ang Kapuso Primetime Queen kung kailan naman sila uli magkakasama ni Dingdong sa isang proyekto.
Samantala, naikuwento rin ni Marian na sa kanya raw iniintrega ni Dingdong ang mga kinikita nito dahil si Marian daw ang nagba-budget sa mga gastusin.
PEP Live