KZ Tandingan tearfully explains cancellation of U.S. shows

by Gorgy Rula
Oct 10, 2019
KC Tandingan on cancelled U.S. shows: "This is something I’ve always dreamed of doing, and it’s something that I’ve always looked forward to. We worked so hard for it…"
PHOTO/S: Noel Orsal

Noong September 27 ay ipinost ni KZ Tandingan sa kanyang Instagram account ang announcement ng Cornerstone Entertainment, Inc. na hindi na nila itutuloy ang ilang shows na naka-schedule sa ilang lugar sa Amerika na bahagi ng kanyang KZ Supreme World Tour.

Narito ang kabuuan ng announcement na iyon:

Ang nakarating na kuwento ay hindi raw naisyuhan ng working visa ang ilang kasamahan ni KZ sa concert, at may ilang problema rin sa bentahan ng tickets.

Continue reading below ↓

Dapat ay kasama rin daw si Gloc-9 sa September 14 show nila sa New York, pero hindi na tumuloy ang rapper pagkatapos nitong mag-perform sa Canada dahil sa problema sa promoter na kumuha sa kanila.

Kinumpirma ito ng manager ni Gloc-9 na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment.

Text ni Perry sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):

“The absence of our artist Gloc 9 on the New York Sept. 14 show is due to promoter’s (JRC) failure to comply with its obligations basing on agreement including show requirements.

“As of yet, infractions on agreement are remained unresolved.

“Dapat kahit Canada di na tayo umalis kasi di tayo bayad in full, nasa contract no full payment walang lilipad, but nakiusap yung mga producers ng Toronto sa amin.

“Wala siyang na-provide na working visa. Sa Canada prinocess. Ang show Sept. 14, nakuha ang approval Sept. 13 pero 3-5 working days bago ma-stamp yung working visa.

Continue reading below ↓

“Ang show Sept. 14, so di na aabot, kaya umuwi na kami.”

KZ TANDINGAN SPEAKS UP ABOUT CANCELLED SHOWS

Ngayong Huwebes ng tanghali, October 10, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KZ sa presscon ng pelikula niyang The Art of Ligaw.

Dito ay hiningan namin ng pahayag si KZ kaungay ng pagkakansela ng ilang shows niya sa Amerika.

Saad ng Kapamilya singer, “Nagkaroon lang po kasi ng problema with the promoter.

“The management decided na hindi na lang dapat ituloy kasi may mga requirements from the contract na hindi napu-fulfill.

“It wasn’t just okay to push through with it kahit na sobrang gusto ko na ituloy, kasi I’ve always dreamed of doing a tour, and the Supreme concert is a show that we worked really hard on.

“Sobra po naming pinaghandaan yun, inareglo lahat ng songs.

“So, even if I wanted to push through with the tour…

Continue reading below ↓

“Tatlo lang po talaga ang kinaya ko… pero okay na po ako.”

Malungkot pang pahayag ni KZ, “I was heartbroken. Everything happens for a reason po.

“For now, gusto ko na po mag-focus sa Art of Ligaw.”

Ramdam naming hindi kumportable si KZ na pag-usapan ito, pero nilinaw niyang kahit nagkaroon ng ganung problema, itinuloy pa rin niya ang ilang shows na hindi na puwedeng ikansela.

Lahad niya, “There were shows na hindi po na-comply ang mga requirements.

“So, instead po na hindi sumipot, sumipot pa rin po ako.

“And the producer asked me if I can sing kahit three songs lang, kasi it was too late to cancel the show."

Dagdag ng tinaguriang Asia’s Soul Supreme, “I went there, I did everything I could.

“And instead of doing just three songs, I did the full one-hour-and-thirty-minute show alone sa lahat po ng shows na yun.

Continue reading below ↓

“So, kahit na may shows na mag-isa lang ako, shows na I only had three out of my 8-member band, hindi po ako nagkulang.

“Hindi po kami nagkulang, ginawa po namin lahat ng hiningi sa amin.”

Hindi na napigilang maiyak ni KZ nang hiningan namin ng mensahe para sa mga nakabili ng tickets ng nakanselang shows.

Kung nadismaya ang mga hindi nakapanood, mas sobrang nasaktan daw siya dahil matagal niya itong pinangarap at pinaghandaan nang husto.

“Totoo naman po, e… kasi this is something I’ve always dreamed of doing, and it’s something that I’ve always looked forward to.

“We worked so hard for it… kahit huwag nang ituloy, itinuloy pa rin po namin.

“Kasi, I really wanted to do it for the people who bought their tickets just to see me… hindi ko po alam.

Continue reading below ↓

“Basta maraming salamat po sa mga nagbili ng tickets, sa mga hindi po namin napuntahan—sa Stockton, sa San Jose, sa Houston.

“Given the different opportunity in the future, we will be there.

“Kung alam niyo lang po, grabe din yung pinagdaanan namin,” naluluha niyang pahayag.

Iniisip na lang ng magaling na singer na pinagdaanan na rin ito ng ilang artists.

(Mananatili namang bukas ang PEP.ph sa panig ng promoter ng shows ni KZ.)

THE ART OF LIGAW

Sa ngayon, mas gusto muna ni KZ na mag-focus sa pelikula niyang The Art of Ligaw.

Sa presscon, binanggit ng leading man niyang si Epy Quizon na napakabait daw ni KZ para ibigay ang dalawa nitong kanta para sa kanilang pelikula—ang "Walanghiyang Pag-ibig” at “Quicksand.”

Sobrang bumilib si Epy kay KZ na sinabi pa nitong ang singer daw ang “the next Nora Aunor.”

Continue reading below ↓

Reaksiyon ni KZ, “Feeling ko po, baka sa height niya po binase.

“Pero nakaka-pressure po… pero po I’m taking it as a challenge na meron silang nakikita...

“Sina Direk Jourdan [Sebastian] at Direk Epy, meron silang nakikitang ganun sa akin.

“So I will only work harder and harder para kahit man po pumantay, kahit mag-improve as an actress at mag-improve sa art of acting.”

Ipinaliwanag naman ni Epy kung bakit nasabi niya iyon.

Saad niya, “Baka po magalit naman sa akin ang mga kaibigan nating mga Noranians.

“Unang-una, Noranian kasi ako. I was amazed with Ate Guy talaga…

"Of course, malayu-layo pa ang kakainin mo, KZ, kasi Ate Guy yun.

“Sinasabi ko lang na may makings of a real superstar itong katabi kong si KZ Tandingan.”

Makikita raw ito kapag naipalabas ang The Art of Ligaw sa mga sinehan simula sa November 13.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Tandingan on cancelled U.S. shows: "This is something I’ve always dreamed of doing, and it’s something that I’ve always looked forward to. We worked so hard for it…"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results