Keempee de Leon talks about first year with ABS-CBN after transfer

by Bernie V. Franco
Oct 14, 2019
Keempee de Leon is grateful to ABS-CBN for giving him another chance to continue his showbiz career.
PHOTO/S: Noel Orsal

“It’s a good experience, it’s a good ride, and sad to say, parang ang bilis matapos nung show.”

Ito ang pahayag ni Keempee de Leon, 46, sa unang taong pagtatrabaho niya muli sa ABS-CBN sa pamamagitan ng daytime teleseryeng Nang Ngumiti ang Langit.

Nagtagal ng walong buwan ang teleserye na unang show ng aktor sa Kapamilya network mula nang i-announce ang kanyang pagbabalik bilang Kapamilya noong October 2018.

“Thankful ako sa opportunity na ibinigay ng RSB, 'tsaka sila Mamu ng RGE. Kumbaga, good blessing for me.

“Nag-start yung year, yung first work ko with ABS. Thankful,” pahayag ni Keempee sa finale presscon ng Nang Ngumiti Ang Langit noong October 10, Huwebes, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN Compound, Quezon City.

Si RSB o Ruel S. Bayani ang head ng Scripted Format, na siyang may hawak ng narrative/drama shows ang ABS-CBN; samantalang ang tinutukoy na Mamu ni Keempee ay ang business unit head na si Rizza Gonzales Ebriega.

Continue reading below ↓

Si Keempee ay nagtrabaho sa ABS-CBN noong early ‘90s hanggang early 2000 bago lumipat sa GMA-7.

Nadatnan pa nga raw ni Keempee ang mga dating kakilala, pero nakaramdam pa rin siya ng paninibago.

“Ang dami na ring bago, ang daming pagbabago na rito.

"So, medyo ang hirap, parang medyo outsider ka, e.

“Sila naman yung nagsabi sa akin, ‘Relax ka lang. You’re always welcome.’ Kumbaga, 'Ito pa rin kami.'

“Yun nga lang, naging bosses na lahat.

“Kumbaga, nakita ko kung paano sila nag-grow. So happy for them na ganoon na, e...”

RENEWED APPRECIATION FOR HIS CAREER

Aminado si Keempee na nabuhayan siya ng loob na makapagtrabaho ulit, lalo pa’t dumaan siya sa matinding kalungkutan nang hindi na siya pabalikin sa GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! nang walang paliwanag.

Nagsilbing host si Keempee sa Eat Bulaga! sa loob ng 14 taon.

Continue reading below ↓

“Kasi nga, ang tagal ko ring walang work, plus I got into some kind of depression sa work sa kabila, not with the network, but with the show [Eat Bulaga!]” paglilinaw nito.

Sabi pa niya tungkol sa pagkakaroon ng teleserye sa ABS-CBN, “Eto yung kumbaga sumalo and kumbaga nag-cure din sa sarili ko, sa career ko.

"Kumbaga, ang laking bagay ng nagawa ng show na ito sa sarili ko, sa personal ko rin.”

Labis daw kasing kalungkutan ang naramdaman ni Keempee nang hindi na inabisuhan kung makakabalik pa siya sa Eat Bulaga.

“I’ve been doing this work for the longest time, more than 20. Parang nasa sistema mo na yun.

“Ang hirap pag nawalan ka ng work, e, para kang magkakasakit. You don’t know what to do.”

Nakatulong daw kay Keempee ang mga kaibigan na pinayuhan siya kung ano ang gagawin.

Continue reading below ↓

“Ang dami ko namang nakausap na, 'You have to keep yourself busy, you go to the gym, you go out more often with your friends.'

“Para lang hindi ka nakakulong sa isang box, nag-iisip ka.

"So, doon lang ako medyo natakot.

“Now, I know who to run to.

“Of course, I pray a lot.

“Yun nga, ito yung big blessing na nag-open ng door sa akin—Nang Ngumiti Ang Langit with ABS, and RSB.

“Yun yung, kumbaga, naging medicine.”

Sa ngayon ay wala pang kasunod na proyekto si Keempee sa Kapamilya Network, pero umaasa siyang mabibigyan pa rin siya ng bagong proyekto.

“Sana. I’m praying hard about it and ayokong mag-expect, but pinapasa-Diyos ko na lang lahat.

“Kumbaga, kung ano yung ibigay, I’ll go for it,” saad niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keempee de Leon is grateful to ABS-CBN for giving him another chance to continue his showbiz career.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results