Vice Ganda laughs off late payment of Ethel Booba's talent fee from ABS-CBN shows

by Arniel C. Serato
Oct 15, 2019
Vice Ganda on unpaid guestings of Ethel Booba: "Kailangan mo lang naman i-follow up. Hindi ka naman tatakbuhan ng ABS-CBN, oo. Hindi naman sisirain ng ABS-CBN ang pangalan na binuo niya sa loob ng ilang dekada para sa five thousand.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Screenshot from Very Wang on YouTube

Tinapos na ni Vice Ganda ang isyu tungkol sa talent fee ng kaibigang si Ethel Booba na late nabayaran ng kanyang show na Gandang Gabi Vice.

Natawa raw talaga si Vice nang nabasa niya ang tweet ni Ethel tungkol sa mga hindi nabayarang guesting nito sa ABS-CBN.

Bukod sa Gandang Gabi Vice, hindi rin daw agad nabayaran ang guesting ni Ethel sa Minute To Win It na hinu-host naman ni Luis Manzano.

Noong Biyernes, October 11, sa pagsalang ni Ethel sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" sa It’s Showtime, masaya nitong ibinalita na nabayaran na siya.

Sabi naman ni Vice tungkol dito, “Vinideo ko na siya, e, nilagay ko siya sa story ko, yung pink slip, hawak-hawak niya.

“Alam mo nung nabasa ko yun, tawang-tawa ako!

“Sabi ko, ‘Nakakaloka yung isyu nung sa kahera!’”

Ayon pa kay Vice, baka nagkulang lang ang kaibigan sa pag-follow up tungkol sa kanyang talent fee.

Continue reading below ↓

“Hindi ko na pinatulan yun.

“Alam mo naman si Ethel ay patawa lang naman lagi 'yan.

“Actually kung... kahit naman ako, e, meron akong, kumbaga, minsan naiisip, ‘Nabayaran na ba ito?’

“Kailangan mo lang naman i-folllow up.

“Hindi ka naman tatakbuhan ng ABS-CBN, oo.

“Hindi naman sisirain ng ABS-CBN ang pangalan na binuo niya sa loob ng ilang dekada para sa five thousand [pesos].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Vice sa launching niya bilang bagong endorser ng Cherry Prepaid kagabi, October 14, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

IT’S SHOWTIME 10TH ANNIVERSARY

Kasalukuyang nagdiriwang ang It’s Showtime ng kanilang ika-sampung anibersaryo.

Mga bonggang production numbers ang inihanda ng hosts para sa kanilang “Magpasikat” segment na magsisimula sa susunod na linggo.

Ano ba ang nais patunayan ng kanilang noontime show ngayong sampung taon na sila sa ere?

Tugon ni Vice, “Ang gustong patunayan ng It’s Showtime sa madlang pipol ay mula nung unang araw na umere kami hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang puso namin na ang gusto lang ay pasayahain ang lahat.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on unpaid guestings of Ethel Booba: "Kailangan mo lang naman i-follow up. Hindi ka naman tatakbuhan ng ABS-CBN, oo. Hindi naman sisirain ng ABS-CBN ang pangalan na binuo niya sa loob ng ilang dekada para sa five thousand.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Screenshot from Very Wang on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results