Marjorie Barretto mourns death of father Miguel Barretto

by Bernie V. Franco
Oct 16, 2019
Marjorie Barretto posts a heartbreaking message for her dad Miguel Barretto, who passed away this Tuesday, October 15; (right photo) Marjorie and her daughters watch Miguel blow the candle of his birthday cake taken last September 29, the same day he fell ill.
PHOTO/S: @majrbarretto on Instagram

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ni Marjorie Barretto, 45, ang labis na sakit na nararamdaman dahil sa pagpanaw ng amang si Miguel Barretto.

Si Marjorie ang ika-anim sa pitong anak nina Miguel at Inday Barretto.

Ang iba pang mga kapatid niya ay sina Mito, Michelle, Jayjay, Gia, Gretchen, at Claudine.

Pumanaw si Miguel, 82, nitong Martes, October 15, pagkatapos ng higit isang linggong pananatili sa intensive care unit sa ospital.

Ngayong Miyerkes, October 16, nag-post si Marjorie sa Instagram tungkol sa pagpanaw ng ama.

Kalakip nito ang larawan ng ama kasama ang mga anak ni Marjorie na sina Dani (26), Julia (22), Claudia (20), Leon (14), at Erich, 7.

Mensahe ni Marjorie: “Oh Dad. It’s so painful losing you. I feel so broken.

“Thank you for loving me and being the greatest grandfather to my children.

“Rest now in heaven where you can breathe freely, sing, dance and play golf.

“Please watch over my children.

Continue reading below ↓

“I love you so much. I love you I love you I love you Daddy.

“I will miss you everyday”

MARJORIE’S KIDS PAY TRIBUTE TO THEIR GRANDFATHER

Sunud-sunod din ang pagpu-post ng Instagram Stories ng mga anak ni Marjorie para sa kanilang yumaong lolo.

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Dani ang ilang larawan kasama ang kanyang lolo na kung tawagin niya ay "Pikey."

Continue reading below ↓

“I love you,” caption niya sa larawan nila.

Ipinost din ni Dani ang larawan ni Miguel habang kinukunan ng litrato ang apo sa tuhod nito kay Dani.

Isinilang ni Dani ang panganay nilang anak ni Xavi Panlilio na si Millie noong September 13, 2019.

Sabi niya sa caption: “He was already weak when I gave birth, But he still insisted on going to the hospital to see Millie.

“Thank you for waiting for Millie, Pikey. I will always tell her stories about you.”

Continue reading below ↓

Sunud-sunod din ang ipinost na mga larawan ni Claudia kasama ang kanyang lolo via Instagram Story.

Wala siyang inilagay na captions dito.

Continue reading below ↓

Ganito rin ang ginawa ni Leon, ang bunsong anak na lalaki ni Marjorie.

Caption ng binatilyo: “You are a gift from God, Pike I love you so much.”

Continue reading below ↓

Madamdamin din ang Instagram post ni Leon para sa kanyang lolo.

Samantala, may hiwalay ring social media posts sina Julia at Dani para sa kanilang Lolo Miguel.

MARJORIE RECOUNTS MOMENT OF DAD’S AILMENT

October 6, 2017 nang mag-post si Marjorie sa Instagram upang humingi ng dasal para sa amang maysakit.

Continue reading below ↓

Kuwento Marjorie, sa bahay niya ipinagdiwang ang 82nd birthday ng ama.

Post pa ni Marjorie noon: “Right after the blowing of the candles on his cake, he took a nap and fell very ill.

“My siblings and I rushed him to the nearest hospital, i could say it was the scariest time for us all.”

“After that day, its been a series of ambulance transfer, family meetings, non stop praying, and big family gatherings at the ICU waiting area.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto posts a heartbreaking message for her dad Miguel Barretto, who passed away this Tuesday, October 15; (right photo) Marjorie and her daughters watch Miguel blow the candle of his birthday cake taken last September 29, the same day he fell ill.
PHOTO/S: @majrbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results