Gretchen Barretto says sister Marjorie "not happy" with her presence at their father's wake

by Erwin Santiago
Oct 17, 2019
Gretchen Barretto (left) on visiting her father's wake: "Marjorie was not happy that I was there to reunite with family."
PHOTO/S: Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Nagbigay ng maikling pahayag si Gretchen Barretto tungkol sa ulat na nagkaroon ng gulo sa pagitan nila ng kapatid na si Marjorie Barretto sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto.

Ayon kay Gretchen, hindi masaya si Marjorie sa pagpunta niya sa burol ng kanilang ama sa Heritage Memorial Park, sa Taguig City, noong Miyerkules, October 16.

“It was all so nice until Marjorie had a nervous breakdown,” pahayag ni Gretchen sa ABS-CBN News.

Kinumpirma rin ng aktres ang ulat na sinubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte—na naroon din upang magbigay-pugay sa namayapa—na mamagitan sa kanilang magkapatid.

“[He] was asking Marjorie to shake my hand for the sake of respect of my father.”

Pero tumanggi raw si Marjorie.

Dagdag pa ni Gretchen, "But Marjorie was not happy that I was there to reunite with family."

Samantala, tumanggi si Marjorie na magbigay ng pahayag.

FAMILY FEUD

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na may malalim na hidwaan sa pagitan nina Gretchen at Marjorie, na dalawa sa pitong anak ng yumaong si Miguel at ng misis nitong si Inday Barretto.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, noon lamang Agosto ng kasalukuyang taon ay nagpatutsadahan sina Gretchen at Marjorie sa social media kaugnay ng pagkakasangkot ng anak ni Marjorie na si Julia Barretto sa breakup nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Naging malaking balita ang pagdagdag nila sa kani-kanilang Instagram bio ng "Ghost Writer (para kay Marjorie) at "Ghost Buster" (para kay Gretchen).

Alam din ng publiko na hindi maganda ang relasyon ni Gretchen sa kanyang mga magulang mismo.

Sa katunayan, hanggang sa pumanaw ang padre de pamilya ng mga Barretto ay hindi pa rin nagkakapatawaran o nagkakasundo si Gretchen at ang kanyang mga magulang at ibang mga kapatid, partikular na si Marjorie.

Kaya inakala ng marami na ang pagdating ni Gretchen sa burol ng ama ay hudyat ng pagkakasundo na ng pamilya Barretto.

Ngunit nagulat ang lahat nang pumutok nitong Huwebes, October 17, ang balita tungkol sa mala-teleseryeng kaganapan sa burol ng Barretto patriarch.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga ulat na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang online entertainment news sites, base sa salaysay ng mga nakasaksi ng mga pangyayari, nagkasagutan sina Gretchen at Marjorie at nagkaroon din ng sakitan sa pagitan ni Gretchen at ng pamangkin niyang nagngangalang Nicole.

Isa raw sa naging saksi ng mga pangyayaring ito ay si Pangulong Duterte mismo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto (left) on visiting her father's wake: "Marjorie was not happy that I was there to reunite with family."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results