Gretchen Barretto burns niece Julia's message for Marjorie

by Arniel C. Serato
Oct 19, 2019
Gretchen Barretto (left) reminds niece Julia Barretto of her roots: "First know you are a Baldivia. Love your father. Respect those who gave you a good life.Only then, can you say, you say are successful. Not only when you need him for publicity.”
PHOTO/S: Courtesy: @juansarte / @juliabarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

"Hilarious" para kay Gretchen Barretto ang komento ng pamangkin na si Julia Barretto sa Instagram post ng ina nitong si Marjorie Barretto sa Instagram kahapon, October 18.

Partikular na rito ang linyang sinabi ni Julia para sa ina na “because you live a good life with 5 strong successful well raised children."

Ito ay kaugnay ng malalim na hidwaan sa pagitan ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Continue reading below ↓

Bahagi ng nakasaad sa komento ni Julia, bilang suporta sa ina: “Stand tall and be still because the truth is with you.

“They are trying to destroy you, because you live a good life with 5 strong successful well raised children, a family that loves you so much, a peaceful quiet life.

“You are so loved by many mom that’s why they envy you.

“They want to destroy your peace, your happiness and you.

“Don’t worry. Everyone is behind you.

“We will all not let that happen. The evil will never prevail. God is watching.

“He knows mom, He knows. God will protect you. You need only to be still.

“Your whole family will stand by you. You are the most sane mommy.

“They know who and who not to believe. Be strong. Everyone is for you.

“Usually talaga kung sino ang nananahimik at tunay na masaya, siya pa ang tinatamaan.

Continue reading below ↓

“Many are fighting for you mom.

“Hindi ka nagiisa. Marami kami nasa likod mo lang.”

GRETCHEN REMINDS JULIA ABOUT BEING A BALDIVIA

Sa kanyang Instagram Stories (IG Stories) kagabi, October 18, pinasaringan ni Gretchen ang pamangkin tungkol sa kanyang post.

Sabi ni Gretchen: “This is Hilarious @juliabarretto Baldivia.

"Your version of truth (crying laughing emoji).”

Continue reading below ↓

Si Julia ay anak ni Marjorie sa dating asawa na si Dennis Padilla o Dennis Esteban Dominguez Baldivia sa totoong buhay.

Baldivia ang totoong apelyido ni Julia.

Bukod kay Julia, ang dalawa pa niyang kapatid sa ama ay sina Claudia at Leon Barretto.

Naging kontrobersiyal ang paghahain ni Julia ng petisyon sa korte noong 2014 na palitan ang kanyang apelyido mula Baldivia sa Barretto.

Ngunit biglang nagbago ang isip ni Julia nang mabatikos siya sa kanyang naging hakbang.

Continue reading below ↓

Dagdag pang banat ni Gretchen kay Julia: “This is for @juliabarretto.

“The most dangerous liars are those who think they are telling the truth.

“First know you are a Baldivia.

“Love your father.

“Respect those who gave yp(o)u a good life.

“Only then, can you say, you say are successful.

“Not only when you need him for publicity.”

Continue reading below ↓

GRETCHEN REPOSTS NETIZENS' COMMENTS

Hindi pa rito nagtapos ang tirada ni Gretchen laban sa pamangkin.

Ibinahagi rin niya ang mga opinyon ng ilang netizens tungkol sa pagiging “well raised children” umano ng mga anak ni Marjorie.

Narito ang ilan sa mga ito:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni Gretchen ang post ng isang netizen na inungkat ang tungkol sa iba't ibang lalaking nakarelasyon diumano ni Marjorie at sa kumalat nitong nude photo noon.

Pati ang half-sister ni Julia na si Dani Barretto ay idinamay.

Paano raw sila naging "well raised" kung hindi nito inimbita sa kanyang kasal ang amang si Kier Legaspi.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga lumabas na ulat, sangkot din si Julia sa naging engkuwentro nina Marjorie at Claudine sa burol ng kanyang lolo na si Miguel Barretto noong Huwebes ng gabi, October 17.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto (left) reminds niece Julia Barretto of her roots: "First know you are a Baldivia. Love your father. Respect those who gave you a good life.Only then, can you say, you say are successful. Not only when you need him for publicity.”
PHOTO/S: Courtesy: @juansarte / @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results