Claudine Barretto posts photo, video with Mommy Inday, sister Gretchen

by Arniel C. Serato
Oct 19, 2019
Claudine Barretto is all smiles in a new photo she posted on Instagram. In the photo, she is with Mommy Inday Barreto, siblings Jay-Jay and Gretchen Barretto, and two companions.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Mukhang natupad na ang isa sa mga huling habilin ng Barretto patriarch na si Miguel Barretto.

Ito ay ang magkaayos na ang kanyang asawa na Estrella “Inday” Barretto at ang kanilang anak na si Gretchen Barretto.

Sa isang dating panayam, ikinuwento ni Claudine Barretto na isa sa mga hiling ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito ay ang magkabati-bati na silang mag-anak.

Ngayong hapon ng Sabado, October 19, pagkatapos ng cremation ng mga labi ni Miguel, isang makahulugang larawan ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account.

Makikita rito na kasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Jay-Jay, ang kanilang inang si Inday, at dalawang di kinilalang kasama.

Caption dito ni Claudine: “Family.we miss u Daddy @gretchenbarretto @jjbarretto.”

Continue reading below ↓

Kasunod nito ay nag-post din si Claudine ng video sa Instagram kung saan magkaakbay na naglalakad sina Mommy Inday at Gretchen papunta sa isang coffee shop.

Caption ni Claudine dito: "My Mom & my Ate stronger together. Dad for sure is so Happy.

"@gretchenbarretto had a great lunch while waiting for Dads ashes.i luv u guys"

Continue reading below ↓

Noong October 16, dumating si Gretchen sa burol ng kanyang ama sa Heritage Memorial Chapels sa Taguig City.

Makikita sa short video na ibinahagi ni Claudine sa Instagram na matapos bumati si Gretchen kay Pangulong Rodrigo Duterte, na naroon din upang makiramay, lumapit si Gretchen sa ina at yumakap nang mahigpit.

Tila iyon ang naging hudyat upang tapusin na nina Mommy Inday at Gretchen ang malalim nilang hidwaan na tumagal ng maraming taon.

DEEP-ROOTED FEUD BETWEEN MOMMY INDAY AND GRETCHEN

Pinaniniwalaang nagsimula ang alitan ng mag-ina nang kampihan nina Inday at Miguel si Claudine, na noon ay kaalitan ni Gretchen.

Sa "Funfare" column ni Ricky Lo sa The Philippine STAR noong April 2013, na may titulong "Mom Inday to Gretchen: You are a liar," inilathala rito ang statement ni Mommy Inday tungkol kay Gretchen.

Dito ay tahasang tinawag ni Inday na "liar" si Gretchen.

Ipinagtanggol din ni Inday ang bunsong anak na si Claudine sa mga akusasyon ni Gretchen.

Continue reading below ↓

Bahagi ng pahayag ni Mommy Inday: “You are a liar, Gretchen. Many of your preys will attest to that soon.

"That is the style that you use when you want to play with other people’s lives!"

Dagdag pa ng Barretto matriarch: “Gretchen, I am not a wimp, never been one, but lahat may hangganan.

"I have protected you all these years without exposing to the world the real you.

"But you have pushed many of us to the wall.

"There’s no other way but for us to defend our names!

"I have always loved you as one of my own, and always will, but love of my family belongs to the heart and not in the garbage can!

"I am letting go of a child now who never wanted me in order to save one who has always been there for all, and with all of her love… Claudine!"

Sa isang pahayag namang ipinadala ni Gretchen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 2013, inilabas niya ang matinding galit kay Mommy Inday.

Continue reading below ↓

Saad ni Gretchen: “My mother, my abuser, who I know too well, has used this window over and over again to inflict whatever horror she could, to me, my daughter, my nieces and nephews, my siblings, or any friend and stranger who comes to our side.

“I want it all to stop.

"The only thing that has ever stopped my abuser in the past, if only for a little while, is when the story she has created and sold to her peers and the public at large is threatened by the truth."

Bahagi pa ng mahabang pahayag ni Gretchen noon: “My mother is the person who takes such pleasure in trying to break me and anything or anyone I love.

"My mother is the person who is deeply pained by my happiness.

"My mother is the person behind the names you encounter on the internet that says my partner does not love me, that my daughter is going to grow into a whore like me, and no one in this world likes me for who I am."

Continue reading below ↓

Ngayong 2019 ay nagkabati na sina Gretchen at Claudine.

Mukhang naayos na rin ang nasirang relasyon nina Mommy Inday at Gretchen.

Ngunit tila matagal pa bago maayos ang alitan nina Gretchen at Claudine sa isa pa nilang kapatid na si Marjorie Barretto, na mas tumindi dahil sa gulo na nangyari sa burol ng kanilang ama.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Claudine Barretto is all smiles in a new photo she posted on Instagram. In the photo, she is with Mommy Inday Barreto, siblings Jay-Jay and Gretchen Barretto, and two companions.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results