Nicole Barretto accuses aunt Gretchen of stealing Atong Ang from her; Gretchen fires back

by Arniel C. Serato
Oct 19, 2019
Gretchen Barretto (right) to niece Nicole Barretto (left): "Ask your mom to find you a new wealthy man to hire you."
PHOTO/S: Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Kumalat ngayong Sabado ng hapon, October 19, ang screenshot ng diumano'y palitan ng mensahe sa Instagram direct messaging (DM) sa pagitan ng isang netizen at ni Nicole Barretto.

Si Nicole ay anak ni Jay-Jay Barretto, isa sa mga kapatid ng mga aktres na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Si Nicole din ang napabalitang dawit sa nangyaring kumprontasyon ng mga tiyahin niyang sina Gretchen at Marjorie sa burol ng ama ng dalawa na si Miguel Barretto noong October 16, Miyerkules.

Noong una ay nagduda ang marami kung authentic ang kumalat na palitan ng mensahe nina Nicole at ng netizen.

Ngunit kalaunan ay nakumpirmang totoo ito dahil sa naging reaksiyon ni Gretchen sa pamamagitan ng Instagram Story.

Base sa palitan ng mensahe ni Nicole at ng Instagram user na may handle na @bashing.shing, inagaw diumano ni Gretchen ang kilalang negosyanteng si Atong Ang kay Nicole.

Ito raw ang dahilan kaya nagtungo si Nicole sa States "to move on," bukod pa sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral.

Continue reading below ↓

Lumalabas na naging boyfriend ni Nicole si Atong.

Saad ni Nicole: "I just want to inform you that I wasn't thrown to the states.

“I was there to move on from what gretchen and atong did to me.

“I'm stating the fact that my own aunt stole my boyfriend.

“The next travels to the states was for my education.

“Since i do have an education and finished a doctorate.

“Just so you know Thank you po."

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram Stories (IG Stories) ngayong gabi, diretsahang sinagot ni Gretchen ang akusasyong ito sa kanya ng pamangkin.

Kalakip ang screen shot ng mensahe ni Nicole, buwelta ng aktres: “Oh, im sorry.

“I was told that nicole stole atong from her aunt claudine.”

Ang tinutukoy na "claudine" ni Gretchen ay ang bunsong kapatid na si Claudine Barretto, na napabalita noong nakarelasyon ni Atong.

Continue reading below ↓

THE BRAWL AT THE WAKE

Sa unang gabi ng lamay para sa Barretto patriarch na si Miguel Barretto noong October 16 sa Heritage Memorial Chapels, Taguig City, nagkaroon daw ng tensiyon sa pagitan nina Gretchen at Marjorie Barretto.

Ayon sa mga lumabas na report, nakasali rin sa gulo si Nicole na tinangka raw sampalin si Gretchen ngunit napigilan ito.

Kaya bilang bawi, sinabunutan naman daw ni Gretchen ang pamangkin.

Pinabulaanan ito ni Nicole sa mensahe niya sa IG user na si @bashing.shing.

Pagdedetalye niya: “I did not attack her.

“She and her boyfriend attacked my aunt and I carried her to the other side so that she won’t hurt tita marj.

“She kicked me countless times and even after I got away and was about to exit the chapel, she sprinted to me and pulled my hair so hard I almost fell to the floor.

“If somebody did not catch me, my skull would’ve have been broken.”

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Nicole: “Plenty of people witnessed it.

“I had my arms in the air to show I wasn’t doing anything to her.

“It’s just unfair that they control the media and twist the facts.

“I do not regret protecting my tita marj.

“If I intended to hurt 'tita' Gretchen, I could’ve threw her a punch.

“But I did not.

“I simply carried her.”

Continue reading below ↓

Hindi ito direktang sinagot ni Gretchen.

Ngunit malaman ang mensahe niya kalakip ng screenshot ng pahayag ni Nicole:

“I was told by atong (nilako si nicole sa akin ng nanay niya."

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “Dada is going to address this issue.”

Ang "Dada" ni tinutukoy ni Gretchen ay ang kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco.

GRETCHEN TO NICOLE: “YOU WANTED TO HURT ME.”

Sa isa pang IG Story na ibinahagi ni Gretchen, sinabi nitong hindi raw protektahan si Marjorie ang tunay na intensiyon ni Nicole kundi ang saktan siya nito.

Continue reading below ↓

Saad ni Gretchen (published as is): “You wanted to hurt me, not protect Marjorie.

“Don't fool yourself. You just gavve birth & have a boyfriend & yet, hinahabol mo a cliente mong si atong.”

Mensahe pa niya sa pamangkin: “This is between you & your demons.

“Keep me out of your pathetic state. (move on.

Continue reading below ↓

“Nagwawala ka sa isang lalaking di ka niligawan.

“Atong will make his statements. He can speak for himself.

“Atong is happily married too.”

GRETCHEN: “DON’T TRY TO BE BEA ALONZO”

Pasaring pa ni Gretchen kay Nicole, huwag daw nitong piliting maging Bea Alonzo na isang "true victim."

Matatandaang naghiwalay si Bea at nobyong si Gerald Anderson dahil diumano sa third party.

Continue reading below ↓

Ang itinuturong dahilan ay si Julia Barretto, na pinsan ni Nicole at pamangkin ni Gretchen.

Sinabi rin ni Gretchen na inatake niya si Nicole upang ipagtanggol ang sarili.

“Don't try to be bea alonzo, she is a true victim.

“I only attacked you to defend myself (you made a mistake by doing so.

“I am trained to protect myself.

“You simply are a con artist.

“Ask your mom to find you a new wealthy man to hire you."

Continue reading below ↓

GRETCHEN BARRETTO-ATONG ANG RUMORED AFFAIR

Matagal nang nauugnay ang pangalan ni Gretchen Barretto sa negosyanteng si Atong Ang dahil madalas silang makitang magkasama sa iba't ibang lugar.

Ito ay sa kabila ng matibay pa ring relasyon ni Gretchen sa kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuancgo, habang si Atong ay may sarili ring pamilya.

Posibleng si Atong Ang din ang tinutukoy na "powerful boyfriend" ni Gretchen sa Instagram post ni Marjorie kahapon, October 18.

Sa isang panayam noong August 2017 kay Claudine Barretto, pinabulaanan niyang may namamagitan kina Gretchen at Atong.

Noong panahong iyon ay may alitan pa sina Claudine at Gretchen.

Ayon kay Claudine, "family friend" nila ang negosyanteng si Atong.

Dagdag niya, “Huwag naman nilang lagyan ng malisya kasi hindi naman bawal makipagkaibigan sa lalaki, di ba?

“At saka very much in love si Tony at si Gretchen.

"Huwag sana lagyan ng malisya ng ibang tao."

Sinabi rin ni Claudine sa naturang panayam na ang anak ng kapatid niyang si Jay-jay "ang naging girlfriend ni Atong ng ilang taon.”

Continue reading below ↓

Si Nicole ang tinutukoy ni Claudine dito.

Tungkol naman sa pagkakaugnay niya kay Atong, ito ang sinabi ni Claudine: “Ako yung una, ngayon yung kapatid ko naman yung binibigyan ng malisya... huwag naman."

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto (right) to niece Nicole Barretto (left): "Ask your mom to find you a new wealthy man to hire you."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results