Janella Salvador not putting a label on relationship with Markus Paterson

by Melba R. Llanera
Oct 20, 2019
Janella Salvador (right) explains why she prefers not to put a label on her relationship with rumored boyfriend Markus Paterson (left): "Kasi pag nagbigay ka ng official statement, parang obliged ka na mag-share, na marami kang ise-share, ganun."
PHOTO/S: Arniel Serato / @superjanella on Instagram

Kampante si Janella Salvador na naiintindihan ng rumored boyfriend niyang si Markus Paterson ang JoshNella tandem nila ni Joshua Garcia sa teleseryeng The Killer Bride.

“Wala, di talaga natin maiiwasan. Iyun lang,” sambit ni Janella sa mediacon ng Himig Handog 2019 winners nitong nakaraang Linggo, Oktubre 13, sa SRI office ng ABS-CBN.

Tungkol kay Markus, sinabi pa ni Janella: “Paliwanag? Alam naman niya kahit hindi ko ipaliwanag. He knows naman. Supportive naman siya."

Maganda ang pakikitungo ni Markus sa pamilya ni Janella. Sa katunayan, dumalo si Markus sa birthday celebration kamakailan ng ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador.

Pag-amin ng Fil-British guy, “Siyempre, nakakatuwa. Kasi, family is important, family is really everything right now. Hayun, it's a big part of me."

Gaya ni Markus, ayaw kumpirmahin ni Janella ang status ng relationship nila.

Paliwanag ng young actress, “We just don't wanna give official statement. Kasi pag nagbigay ka ng official statement, parang obliged ka na mag-share, na marami kang ise-share, ganun.

Continue reading below ↓

“Based on my experience, gusto ko na private na muna, lalo na ngayong bago pa kung anuman iyun. Nakakatuwa na itong part na ito ng buhay ko, mayroon akong privacy."

HAPPY WORKING WITH JOSHUA

Nagpapasalamat si Janella sa mainit na pagtangkilik ng televiewers sa JoshNella tandem at sa seryeng The Killer Bride.

Nilinaw ng aktres na siya mismo, hindi nakakatiyak kung magkatambal na nga sila ni Joshua.

Saad niya, “I'm happy. Natutuwa kami sa mga eksena namin sa Killer Bride. I'm very happy na nakatrabaho namin ang isa't isa.

“Di ko naman sure kung loveteam talaga siya, kasi first project namin ito. Nakakatuwa lang na ang daming sumusuporta.

“I think Josh and I work really work well with each other, kasi nagbabatuhan lang kami ng emotions."

ANSWERED PRAYERS

Bago naging aktibo muli ang showbiz career ni Janella ay nag-lie low siya.

Kinabahan daw siya noon na baka hindi na siya makabalik.

Continue reading below ↓

Pagpapasalamat niya, “Nakakatuwa, I feel very blessed. Kasi, matagal ko nang pinag-pray din, lalo na last year. Sobrang pinag-pray ko ito.

“Ngayong maraming dumarating na blessings, sunud-sunod, I'm very thankful.

“Di makabalik? Pumasok sa isip ko iyun, pero ang ginawa ko na lang, nag-focus ako sa sarili ko. I really pray about things.

“Talagang nag-pray lang ako na sana, sana, sana... Heto nga, dumating.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador (right) explains why she prefers not to put a label on her relationship with rumored boyfriend Markus Paterson (left): "Kasi pag nagbigay ka ng official statement, parang obliged ka na mag-share, na marami kang ise-share, ganun."
PHOTO/S: Arniel Serato / @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results