Marco Gallo admits he's still friends with Juliana Gomez

by Rachelle Siazon
Oct 21, 2019
Marco Gallo says he also remains on good terms with Juliana Gomez's parents Richard and Lucy: "I was surprised that they were not angry to me. They were really cool. They were like super nice to me."
PHOTO/S: Noel Orsal / @gomezjuliana Instagram

Kinumpirma ni Marco Gallo na nananatili silang mabuting magkaibigan ng ex-girlfriend niyang si Juliana Gomez.

Ito ay sa kabila ng pagkaudlot ng kanilang relasyon na tumagal lamang ng tatlong buwan noong 2018.

Sabi ni Marco, "Until now we're friends.

"If she has a problem, she's gonna like hit me up and we're gonna talk.

"And same as me if I'm down."

Masyado pa rin daw silang bata noon ni Juliana kaya hindi nila hinayaang magdamdam nang husto sa hiwalayan nila.

"It could be like a crush thing. It could be a temporary thing.

"But the real love, I don't know what it is yet.

"Pero siguro naman, kung totoong pagmamahal namin ni Juliana noon, e, di kami pa rin."

THE BREAKUP

Kuwento ni Marco, maayos ang breakup nila ni Juliana nang magdesisyon ang binatang iwan ang kanyang showbiz career at umuwi ng Italy noong July 2018.

"Yeah, it was definitely mutual. We understood na, alam niyo naman po mga bata, pabagu-bago ng pag-iisip..."

Continue reading below ↓

Pareho raw silang hindi handang magkaroon ng long distance relationship o LDR.

"'Mahirap. Mahirap 'to. Kapag nag-LDR tayo baka magbago ng isip, ayaw na natin.'

"E, mas maganda naman nang personal kaysa cell phone. So sa personal na namin inunahan."

"Even at that time, masakit kasi siyempre."

Pero naisip din daw nila ni Juliana na hindi rin nila mapaninindigan ang kanilang damdamin nang magkalayo naman sila.

Dagdag niya, "We both understood how hard it will be.

"And honestly, we both didn't want to commit in something that hard."

Nakapanayam si Marco ng ilang entertainment press sa kanyang solo presscon bilang bagong talent ng Viva Artists Agency.

Ginanap ito sa 7th Floor ng Viva office sa Ortigas, Pasig City noong October 17.

Ngayong nasa Pilipinas na ulit si Marco, may pag-asa bang magbalikan sila ni Juliana?

Napapangiting sagot ni Marco, "Wala na. Tapos na. Huwag mo na balikan yun."

Continue reading below ↓

ALL GOOD WITH JULIANA'S PARENTS

Sa ngayon, napanatili rin daw na maayos ang pakikitungko kay Marco ng mga magulang ni Juliana na sina Richard Gomez at Lucy Torres.

Kinausap pa raw si Marco ni Richard nang dumalo ang binata sa 19th birthday party ni Juliana noong September 8.

"Nung birthday niya, tinatanong lang kung kumusta na ako to catch up."

Dagdag ni Marco, hindi raw siya nakaramdam ng disgusto mula kina Richard at Lucy.

"Sometimes mga magulang ng mga Pinoy po, they have that kind of ugali na kunwari nag-break up, so they're gonna get angry automatically to the guy or to the girl.

"But it was really nice. I was surprised that they were not angry to me.

"They were really cool. They were like super nice to me."

Sa huli, nanindigan si Marco na hindi niya sinaktan ang damdamin ni Juliana kaya marahil mabuti pa rin ang pakikitungo sa kanya nina Richard at Lucy.

Continue reading below ↓

"Yeah, that's why. I think that's why ther's no issue is in it."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gallo says he also remains on good terms with Juliana Gomez's parents Richard and Lucy: "I was surprised that they were not angry to me. They were really cool. They were like super nice to me."
PHOTO/S: Noel Orsal / @gomezjuliana Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results