Angelica Panganiban thanks authorities for arresting woman who allegedly used her credit card

by Jet Hitosis
Oct 22, 2019
In a tweet on Monday, October 21, Angelica Panganiban thanks National Bureau of Investigation following the arrest of the woman who was alleged to be behind the unauthorized use of the actress' credit card two months ago.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Nagpasalamat si Angelica Panganiban sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkakaaresto sa babaeng umano’y ilegal na gumamit sa kanyang credit card.

Noong Lunes, October 21, sa Twitter, nagpaabot ng pasasalamat ang 32-anyos na Kapamilya actress sa pagkakadakip ng ahensiya sa suspek na si Agatha Reyes.

Tweet ni Angelica (published as is): “Maraming salamat NBI!

“Kapag akala mong, sadlak na ang sistema… May mga tao pa din na tapat ang serbisyo. Salamat po!”

Batay sa exclusive report ng ABS-CBN News nitong Martes, October 22, dinakma ng mga operatiba ng International Operations Division (IOD) ng NBI si Reyes sa bahay nito.

Napaulat na bitbit ng mga awtoridad ang arrest warrant laban sa suspek sa kasong credit card fraud, makaraang pormal na maghain ng reklamo si Angelica sa NBI.

Sa reklamo ni Angelica, ilang beses umanong ginamit ni Reyes ang credit card niya, at umabot sa P5,000 ang nagastos ng suspek, ayon pa sa report.

Continue reading below ↓

Bukod pa rito, tinangka umano ng suspek na gumastos ng P500,000 sa casino, gamit pa rin ang card ni Angelica.

Nakumpirma rin sa imbestigasyon ng NBI na orihinal na card ng aktres ang ginamit umano ng suspek, makaraang ipa-renew ito sa bangko.

Dahil dito, napaulat na may hinala ang NBI na posibleng may sabwatan ang suspek sa maghahatid ng card ni Angelica.

Gayunman, kukumpirmahin pa ito ng NBI sa isinasagawang imbestigasyon.

Sa interview ng ABS-CBN News, sinabi ni Ronald Aguto, hepe ng NBI-IOD, na inamin umano ni Reyes sa ahensiya na “siya ang gumamit ng card.”

Matatandaang August 9 ngayong taon nang mag-post si Angelica sa kanyang Instagram Story ng screenshots ng mga text messages ng kanyang credit card provider tungkol sa pagtatangkang gamitin ang card niya sa isang casino sa Pampanga.

Napigilan naman ng credit card provider ang tangkang illegal transaction, mag-aalas onse ng gabi ng August 8, 2019, batay sa screenshots na ipinost ni Angelica.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a tweet on Monday, October 21, Angelica Panganiban thanks National Bureau of Investigation following the arrest of the woman who was alleged to be behind the unauthorized use of the actress' credit card two months ago.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results