Marjorie Barretto finally speaks up about altercation with Gretchen at their father's wake

by Arniel C. Serato
Oct 22, 2019
Marjorie Barretto finally breaks her silence about her altercation with sister Gretchen at their father's wake: "I feel, like, yung pananahimik ko, hindi naman sila tumahimik o napagod. So maybe siguro, pag nagsalita na ako, with the truth, baka naman, di ba?"
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol

#TheBarrettoFamilyFeud

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Marjorie Barretto, 45, at isiniwalat ang aniya'y katotohanan sa nangyaring gulo sa pagitan nila ng kapatid na si Gretchen Barretto, 49, sa burol ng kanilang amang si Miguel Barretto, 82, sa Heritage Memorial Park, Taguig City, noong October 16.

Sa eksklusibong panayam ni Karen Davila kay Marjorie, na umere sa TV Patrol ng ABS-CBN ngayong gabi, October 22, sinabi nitong dapat marinig naman ng publiko ang kanyang panig sa kuwento.

Panimula niya, “Sasagot ako ngayon kasi medyo sobra na... hindi medyo, sobra na.

"I feel, like, yung pananahimik ko, hindi naman sila tumahimik o napagod.

“So maybe siguro, pag nagsalita na ako, with the truth, baka naman, di ba?

“Kailangan na rin na malaman ng tao yung totoong naganap, especially because the night we are talking about, it involves the President.”

Ang tinutukoy ni Marjorie ay si President Rodrigo Duterte na nakiramay sa pamilya nila noong unang gabi ng lamay ng ama.

Continue reading below ↓

Nasaksihan ng Pangulo—kasama sina Senator Bong Go at Presidential Spokesperson Salvador Panelo—ang tensiyong namagitan sa pamilya Barretto.

Ayon kay Marjorie, malaki ang pasasalamat niya sa Pangulo na naglaan ng oras upang makisimpatiya sa kanilang pamilya.

Naniniwala rin daw siya na maganda ang layunin ng Pangulo na magkabati silang magkakapamilya.

Saad ni Marjorie, "Unfortunately, bago po ang dating ng Presidente, nagpatawag po si Mr. Atong Ang…

"Si Atong Ang used to be the boyfriend of my, our niece, Nicole, the daughter of our brother Jay-Jay.

"Five years, almost five years..."

Sabi ni Marjorie, nagkahiwalay sina Nicole at Atong dahil inagaw raw ni Gretchen ang negosyante sa sariling pamangkin nito.

"Ito ay sa pagkakaalam ko, personal knowledge ito, okay, naghiwalay sila dahil allegedly or alam namin na inagaw ni Gretchen kay Nicole si Atong Ang.

“Okay? Okay pa yun.

“Nagpatawag... tumawag po, nagkausap si Nicole at yung anak po ni Atong Ang.

Continue reading below ↓

"So, she said, ‘Kung puwede umalis na muna sila Nicole at yung mga kapatid niya, dahil parating si Gretchen at si Atong.'

“Bigla na lang siyang lumuha," pagtukoy niya kay Nicole.

Pagpapatuloy ni Marjorie, "Hindi pa 'to natapos dun, ‘no.

"Kasi, parang the injustice, apo siya, e. She had more right in the wake.

“'Tapos siyempre napapahiya siya sa aming lahat dahil very present naman si Atong sa lahat ng family gatherings namin in that almost five years, as the boyfriend of Nicole. Okay?

"So, alam namin.

“So parang napapahiya rin naman si Nicole na papasok silang [Atong and Gretchen] magkasama.

“Parang sampal na sa pagmumukha niya yun. It was not the place to do that."

Kuwento pa ni Marjorie, “And then, tumawag yung kapatid ni Atong Ang sa mother ni Nicole na si Marichi [Barretto].

"Pinapasabi ni Atong na, ‘Umalis na muna sila ng mga bata dahil magkakaroon ng gulo.’

Continue reading below ↓

“So, merong ganun.

“So it was… everything was orchestrated.”

THE CHRONOLOGY OF THE BRAWL

Kasunod nito, inilahad ni Marjorie, base sa kanyang pagkakaalala, ang chronological order ng pangyayari hanggang sa magkaroon ng gulo sa chapel kung saan nakaburol ang kanyang ama.

“Dumating ang Pangulo, he had his moments with my mom and prayer for my father.

"And then, with on cue ni Claudine, dumarating si Gretchen and Atong.

“But Atong stayed at the end [of the chapel]. Gretchen was there, apologizing to my mother, crying, and all of that.

“We were on the side.”

Bago pa nito, may lumabas na ring balita na hindi raw gusto ni Marjorie ang pagpunta ni Gretchen sa lamay ng kanilang ama.

Saad ni Marjorie tungkol dito, “They were claiming na mainit na ang ulo ko...

"Hindi lang po ako, yung pamilya ko po.

"Dahil na-offend kami, really, about Atong sending our nieces and nephews out of the wake of our father.

Continue reading below ↓

“Yun yun. That’s the tension."

Kinontra rin ni Marjorie ang pahayag ni Gretchen na ayaw niyang makipagkasundo.

"Yung sinasabi ni Gretchen na I’m not for reconciliation, nakaratay ang ama ko for sixteen days in the hospital, fourteen days sa ICU, two days in the regular room, okay....

"Night shift si Claudine, gabi-gabi dun natutulog si Claudine.

“May pang-taping siya, pang-shooting siyang kama dun. Natutulog siya dun sa ICU.

“'Claudine, anong nangyayari sa 'yo? Bakit hindi mo na-convince si Gretchen na bumisita sa daddy natin nung nabubuhay pa?'"

Giit ni Marjorie, “I am for reconciliation, I’m just not for the fanfare.”

NOT READY FOR RECONCILIATION?

Bakit hindi siya nakipag-ayos kay Gretchen noong mga oras na pinagbabati sila ni Pangulong Duterte?

Tugon ni Marjorie, “Because I could see her face. I could see the insincerity in Gretchen.

“I know her the most.”

Paano nagsimula ang gulo sa harap ni Pangulong Duterte?

Pagdetalye ni Marjorie, “Sabi ko, ‘Mr. President, I respect you, Mr. President.'

Continue reading below ↓

"I was holding on to him, he was holding on to me, 'I respect you, I love you, I voted for you, Sir. Pasensiya na po. Hindi po kita mapagbibigyan.'”

Dito na raw tumaas ang boses ng bunso nilang si Claudine laban sa kanya.

Lahad ni Marjorie, “Claudine says, ‘You’re unbelievable!’

"Tumingin ako, bunsong kapatid... diyan nag-start yung bastusan, actually.

"So, hindi ko alam what to make out of that.

“And then she followed with, ‘How dare you! You just want the attention!’

“Then I said, ‘Mr. President, tingnan niyo po 'to. Ito na po yung totoong pagkatao nila. Nagbabait-baitan lang po sila sa harapan ninyo. I hope you understand.’”

WHAT REALLY HAPPENED?

Ano ba talaga ang puno't dulo ng gulo sa burol ng kanilang ama?

Tugon ni Marjorie, “What really happened? Paano nagkagulo?

“I want to talk about this only because Gretchen made a statement in the news that I had a nervous breakdown.

Continue reading below ↓

“I did not have a nervous breakdown.

"Give or take, 60 people were in the area, in the venue. I did not have a nervous breakdown.

“Nagsimula ang gulo muna, yung bastusan dahil kay Claudine, dahil si Atong umakmang abutin ako.”

Ang presensiya raw talaga ni Atong ang malaking dahilan kung bakit nagkagulo sa burol.

Lahad ni Marjorie, “'Bakit ba siya nandito?’ Nagalit! Sa aakma si Atong na…

“That’s when the PSG [Presidential Security Group] cordoned… because the President was holding me.

"So, pag safe si Presidente, safe ako."

Patuloy na inilarawan ni Marjorie kung ano ang nangyari.

“Wait... nung umakma si Atong to attack me, that's when na-cordon off kami ng President, and then nakita ko sa kanan ko, Nicole carried Gretchen, nilipat siya, inilayo sa akin.

"Because, according to Nicole at mga tao doon, she [Gretchen] was also going to follow to make me hablot.

"Yun lang yun. Yun lang ang kaguluhan nila doon."

Continue reading below ↓

MARJORIE: GRETCHEN HAD A NERVOUS BREAKDOWN

Kasunod daw nito, sinabi ng PSG kay Pangulong Duterte na kailangan na nilang umalis.

Pero sabi raw ng Pangulo, gusto pa niyang makausap si Marjorie.

Paglalahad pa ni Marjorie, “I have to tell this story, na maayos kaming nag-end.

“He safely took me away to the farthest couch, habang si Gretchen ang nag-nervous breakdown.

“She ran after Nicole, pulled Nicole’s hair, kicked Nicole. She beat up my niece."

Akma ito sa naging kuwento ni Nicole sa isang Instagram user na lumabas nitong weekend.

Patuloy ni Marjorie, “I wasn’t the one with the nervous breakdown.

"I was sitting quietly with the President on the left side of the chapel, exchanging pleasantries…

"Kasi humingi ako ng tawad, e. 'Mr. President, hindi ko po na-realize, na-hindian po kita. I mean no disrespect and all.' Andami kong ganun.

"Ang sabi lang sa akin ni Mr. President, ‘Stop apologizing.’

“We ended well, habang si Gretchen nakikipagbugbugan doon.

Continue reading below ↓

“Para klaro sa lahat. Siya ang gumawa ng gulo, hindi ako. I respect my father.”

Sa ikalawang gabi ng lamay ng Barretto patriarch noong October 17 ay nagkaroon din daw ng gulo sa pagitan naman nina Marjorie at Claudine.

Ngunit hindi ito tinalakay ni Marjorie sa kanyang panayam sa TV Patrol.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto finally breaks her silence about her altercation with sister Gretchen at their father's wake: "I feel, like, yung pananahimik ko, hindi naman sila tumahimik o napagod. So maybe siguro, pag nagsalita na ako, with the truth, baka naman, di ba?"
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results