A Timeline: The Barretto Family Feud

by Bernie V. Franco
Oct 23, 2019
The beautiful Barretto sisters (L-R) Gretchen, Marjorie, and Claudine became involved in another controversy, at no less than the wake of their father Miguel Barretto. But this development is no longer unexpected in a family feud that has kept the public riveted for at least 15 years.
PHOTO/S: @juansarte, @marjbarretto, @pornstar_roviel on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Pagkakataon na sana para sa pamilya Barretto upang magkabati-bati matapos ng maraming taong hindi pagkakaunawaan noong October 16, 2019, Miyerkules, nang bumisita si Gretchen Barretto sa burol ng amang si Miguel Barretto.

Pumanaw ang Barretto patriarch noong October 15, Martes, pagkatapos ng higit isang linggong pananatili sa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center, sa Bonifacio Global City, siyudad ng Taguig.

Siya ay 82 anyos.

Hindi naman nauwi sa wala ang pagpunta ni Gretchen, dahil sa wakas ay nagkapatawaran sila ng kanyang inang si Estrella “Inday” Barretto.

Sa kumalat na video, makikita ang pagyayakapan ng mag-ina, senyales ng pagsasantabi ng kanilang alitan, na tinatayang nagsimula noong 18 taong gulang pa lang si Gretchen, o 31 taon na ang nakakalipas.

Hindi lingid sa showbiz ang pagkakaroon ng matagal at malalim na hidwaan ng mag-asawang Miguel at Inday sa kanilang ikalimang anak na si Gretchen.

Pero hindi ganoon ang nangyari sa pagdalaw na iyon ni Gretchen.

Continue reading below ↓

Pito silang magkakapatid: Mito, Michelle, Joaquin Jose o JJ, Gia, Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Ang pagkikitang iyon sa burol ng ama na inaasahang magbubuklod kina Gretchen at Marjorie, ang pinakamaghigpit na magkaaway sa magkakapatid, ay nagbukas lamang ng mga dating sugat na hindi pa naghihilom.

Ang tahimik na burol ay nauwi sa maingay na argumento, awayan, at sakitan.

Muli, pinagpiyestahan sa social media at naging malaking balita ang mga kaganapan sa pamilya Barretto.

Hindi nagpaawat sina Gretchen at Marjorie sa pagpu-post sa social media at nagtapunan ng akusasyon laban sa isa’t isa.

Sangkot din sa isyu si Claudine Barretto, ang bunso sa magkakapatid na Barretto, na kampi sa ngayon kay Gretchen.

Tila naulit ang nangyaring away sa pagitan nina Gretchen at Marjorie 15 taon na ang nakalilipas.

2004: GRETCHEN VS DENNIS, MOMMY INDAY, MARJORIE, CLAUDINE

Sa artikulong “A Series of Unfortunate Events,” na nailathala sa YES! Magazine noong June 2013, inilista ang mahahalagang highlights ng away ng Barretto sisters mula 2004 hanggang 2012.

Continue reading below ↓

Binanggit dito ang diumano'y malaking pagtatalo noong February 2004 sa pagitan nina Gretchen at ng aktor na si Dennis Padilla at ng asawa nito noong si Marjorie.

Si Dennis ang ama ng mga anak ni Marjorie na sina Julia (22), Claudia (20), at Leon (14).

Ang iba pang anak ni Marjorie ay sina Dani (26), anak niya sa dating aktor na si Kier Legaspi, at ang bunso nitong si Erich (7), na anak ng aktres kay dating Caloocan City Mayor Recom Echiverri.

Napaulat noon na kinumpronta ni Dennis si Gretchen dahil binigyan ng show ni Tonyboy Cojuangco, ang longtime partner ni Gretchen, si Willie Revillame sa ABC-5 (ngayon ay TV5) na dating pagmamay-ari ni Tonyboy.

Nagbitiw si Willie sa dating noontime show sa ABS-CBN na Masayang Tanghali Bayan (MTB), kung saan co-host si Dennis.

Bunsod ng pag-alis ni Willie ay ni-reformat ang MTB at natanggal si Dennis.

Pero ayon sa kampo ni Gretchen, walang kapangyarihan ito sa desisyon ng ABC-5 na bigyan ng programa si Willie.

Continue reading below ↓

Gayunpaman, nauwi sa hindi magandang sagutan ang paghaharap nina Dennis at Gretchen, na humantong sa pag-alis nina Dennis at Marjorie sa pagmamay-aring bahay ni Gretchen sa Loyola Grand Villas.

Pagsapit ng July 2004, sa kanyang birthday press conference, nagsalita si Claudine hinggil sa nangyaring away nina Gretchen at Dennis.

Sa kanyang pahayag, malinaw na kampi si Claudine kay Dennis at Marjorie.

Nagkomento si Claudine sa pagpapatira ni Gretchen kina Dennis at Marjorie sa P18-million Loyola Grand Villas home nito.

“Wala kaming utang na loob kasi wala kaming hiningi,” ani Claudine.

“Voluntary ‘yon.

“At hindi rin makapal ang mukha ng Kuya Dennis ko at ni Marjorie.”

Sa hiwalay na interview, sinabi ni Gretchen na sa kanya nga ang bahay sa Loyola Grand Villas, pero itinanggi nito ang akusasyong pinalayas niya si Marjorie.

Sinabi rin niyang ang away niya kina Dennis at Marjorie ay “tampuhan” lamang at umaasang maaayos din ito.

Ngunit matapos nito ay nagsalita si Mommy Inday sa isang interview ng The Buzz, ang dating entertainment talk show sa ABS-CBN, na kinunan sa mismong bahay ni Gretchen.

Continue reading below ↓

Inakusahan ng Barretto matriarch si Gretchen ng pagpapasimula ng isyu sa pamamagitan ng pagsasalita sa publiko.

Bumanat din si Mommy Inday sa apela ni Gretchen na matapos na sana ang away ng pamilya.

“Kung may gamot lang na mabibili sa botika, I’ll buy it for her, to heal her,” ani Mommy Inday sa interview.

Pagtuntong ng August 2004, gumawa ng hakbang si Tonyboy bilang suporta kay Gretchen, na ina ng anak niyang si Dominique.

Tinawagan ng businessman ang kanyang abogado upang gumawa ng eviction papers na magpapalayas kina Marjorie at Dennis sa bahay sa Loyola Grand Villas.

Nilisan agad nina Marjorie, Dennis, at mga anak ang naturang bahay na tinirhan nila ng dalawang taon.

Nagrenta sila ng bahay sa isang exclusive subdivision.

Tumangging magkomento si Marjorie sa mga pangyayari, pero ipinaabot niya sa YES! ang pasasalamat siya kay Gretchen sa libreng pagpapatira nito sa kanila.

Nais din daw niyang mag “move on” na sila ni Gretchen “with no bitterness and anger.”

Continue reading below ↓

2005: CLAUDINE CLAIMS SHE and GRETCHEN have made up

August 2005 ay binanggit ni Claudine sa broadsheet na Manila Bulletin na nagkausap na sila ni Gretchen noong January 2005 at “okay” na sila, gayundin ang relasyon nina Marjorie at Gretchen.

Binanggit din ni Claudine na inimbitahan niya si Gretchen sa kasal niya kay Raymart Santiago, na nakatakdang mangyari noong March 2006.

Continue reading below ↓

Subalit naglabas ng official statement si Gretchen sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Alma Fernandez-Mallonga ng Siguion-Reyna Montecillo & Ongsiako law office, na inilabas ni Ricky Lo sa Philippine Star noong September 2005.

Ayon sa statement, bagamat may katotohanang tumawag si Claudine kay Gretchen, hindi raw totoo na nagkaayos na sila.

Bahagi ng pahayag ng kampo ni Gretchen: “Claudine had assured Ms. Barretto that her contrition was genuine and would be accompanied by a public retraction and/or clarification of the damaging and hurtful statements she had issued.”

Pero hindi raw ito tinupad ni Claudine.

“Under those circumstances, Claudine’s announcement that everything between her and Ms. Barretto is ‘okay’ is a puzzling assertion, even as it is obviously incorrect,” ayon pa sa statement.

Wala rin daw katotohanan ang sinabi ng aktres na “okay” na ang relasyon nina Gretchen at Marjorie dahil ang huli pa pag-uusap ng dalawa ay nangyari noong February 2004.

Continue reading below ↓

Nang ikasal sina Claudine at Raymart noong March 27, 2006, hindi dumating si Gretchen.

APRIL 2007: GRETCHEN RECONCILES WITH CLAUDINE

April 10, 2007 nang kumpirmahin ni Claudine na nagkabati sila ni Gretchen nang aksidenteng magkasalubong sila sa S&R sa Taguig City.

Nagkabati ang magkapatid matapos ang tatlong taong alitan.

Noong mga panahong iyon ay anim na buwang buntis si Claudine sa anak nila ni Raymart.

Kinumpirma naman ito ni Gretchen sa isang text message kay Jo-Ann Maglipon, editor-in-chief ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng sister publication na YES! Magazine.

"Yes, it's true that all is well. Claud will always be my baby sister, thru the not so good and good times. I will remember only her good and loving ways. I shall put behind me the past. That goes for Marjorie as well. Life's too short to put to waste,” ayon sa text ni Gretchen noong April 11, 2007.

Continue reading below ↓

Kasunod nito ay humingi ng paumanhin si Dennis kay Gretchen, base sa artikulong nailathala sa PEP.ph noong April 12, 2007.

“I want to say to Gretchen na ‘I am sorry' kung mayroon akong pagkukulang, o may nasabi, o nagawa. Patawarin mo ako. Kalimutan na natin ‘yong hate and anger. Let's restore love," ani Dennis.

Nagsalita rin si Dennis sa isyung pinag-ugatan ng away nila ni Gretchen noong February 2004.

"It started with a very small misunderstanding. It was very small, but when some people started writing, ‘yong bulate naging kobra.

"So noong naging kobra na siya, nakakatuka na siya, marami na siyang nasasaktan.

"Kasi noong bulate pa lang siya, hindi naman siya nakakasakit. So lumaki.

"Matagal na, three years mahigit na."

Continue reading below ↓

May pakiusap pa si Dennis kay Gretchen:

"I'm sorry Gretchen. I hope magkabati na kayo ng asawa ko, magkabati na kayo nina Daddy.

"Di ko alam kung sino ang gagawa ng first move, pero I'm sure through prayers, somebody or a circumstance will bring back together the family.”

Nang sumunod na buwan, May 2007, lumabas naman ang ulat na hiwalay na sina Dennis at Marjorie.

Pagkalipas ng isang taon, inaprubahan ng korte ang annulment nina Dennis at Marjorie.

2009: GRETCHEN-CLAUDINE SUPPOSED TELESERYE

Kinumpirma ni Gretchen na magkakatrabaho sila ni Claudine sa isang teleserye sa ABS-CBN, nang ma-interview siya sa Star Magic Ball na ginanap sa Shangri-La Hotel, Makati City, noong August 2009.

Ani Gretchen sa interview: "Excited ako sa teleserye dahil first time ko makakatrabaho si Claudine sa mahabang full-length soap.

"It will also be my first time to work with Boyet de Leon....someone young and someone old, but not that old.

Continue reading below ↓

"Excited din ako kasi alam ko si Claudine, puwede akong i-coach sa acting ko."

Ngunit pagkalipas ng isang buwan, umugong ang usap-usapang lilipat sa rival GMA Network si Claudine matapos ng pagiging Kapamilya ng 17 taon.

Kasabay nito ang paglutang ng mga usap-usapan hinggil sa "erractic behavior" ni Claudine sa ginagawang teleserye noon sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Sa YES! Magazine, June 2003, may impormasyon mula sa ilang television insiders tungkol sa teleserye ni Claudine na Iisa Pa Lamang, na ongoing noon at magiging huling teleserye nito bilang Kapamilya bago maging Kapuso.

Ayon sa insiders, may mga pagkakataong magsasabi si Claudine na hindi makararating sa taping dahil sa mga sari-saring sakit, at madalas ay hindi sisiputin ang taping ng ilang araw.

November 25, 2009 nang pumirma ng two-year contract si Claudine sa Kapuso Network.

Natuloy naman ang teleseryeng pagsasamahan sana nina Gretchen at Claudine, ang Magkaribal.

Napunta ang role ni Claudine kay Bea Alonzo.

Naging top-rater ang show, na umere mula June hanggang November 2010.

2010: GRETCHEN AND CLAUDINE DRIFT APART

Noong April 2010, sinabi ni Gretchen sa interview nito sa The Buzz na nagkita sila ni Claudine sa isang family gathering noong February 2010.

Bagamat nagkabatian, hindi raw nakapag-usap nang maayos ang magkapatid.

Bago raw nito, ang huli nilang pag-uusap ay noong November 2009, o ang mga panahon ng paglipat ni Claudine sa Kapuso Network.

Continue reading below ↓

Sinabi pa raw noon ni Claudine kay Gretchen na ipagdarasal niya ito dahil nominated ang nakatatandang Barretto sa isang award-giving body.

Pero pagkatapos noon ay hindi na sila muling nakapag-usap.

“Hindi ko talaga maintindihan kung bakit at ano ang nangyari,” ani Gretchen.

Ibinahagi rin ni Gretchen na nag-reach out siya kay Claudine isang araw bago ng birthday celebration ni Gretchen noong March 2009, pero hindi sumasagot sa tawag si Claudine.

Sa mismong araw ng birthday celebration ni Gretchen ay tinawagan pa rin daw niya si Claudine.

Sinagot naman ni Claudine ang tawag.

Dito ay nagtanong si Gretchen kung ano ang nangyari sa kanilang magkapatid.

Sumagot daw si Claudine na kailangan nilang mag-usap at marami raw siyang gustong ilabas.

Pero natapos daw ang pag-uusap nila sa telepono nang hindi maganda.

“Basta hindi maganda ang nangyari. Nagalit siya,” sabi ni Gretchen.

Ang itinuturong dahilan ng muling pagkakalamat ng relasyon ng magkapatid ay nang i-announce na ang Maalaala Mo Kaya episode ni Gretchen ay tatama sa parehong araw at oras ng pilot episode ng eponymous drama series ni Claudine sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ito ni Getchen sa The Buzz interview.

Aniya: “Originally, before Holy Week ilalalabas ang episode ko. Ang nangyari lang hindi talaga kami natapos.

"Sabi nila ang showing right after Holy Week. Hindi ko naman alam na may show siya. Hindi ko naman alam na ikakasama niya ng loob.

April 10, 2010 nang umere ang kani-kanilang programa.

“Totoo. Hindi kami nag-uusap ni Claudine, at hindi ko talaga maintindihan kung bakit talaga at kung ano ang nangyari.”

Sa hiwalay na interview ay inilabas ni Claudine ang kanyang pagkadismaya sa pagtatapat sa kanila.

Sinabi rin niyang ayaw ng kanyang ama na pagsabungin sila dahil pamilya sila.

Aniya, may mga taong gustong pag-awayin silang magkapatid.

august 2010: CLAUDINE, ANGELICA, AND GRETCHEN

August 2010 nang magkaroon ng away sa pagitan nina Claudine at Angelica Panganiban.

Inakusahan ni Claudine si Angelica na nagpapakalat ng tsismis na may namamagitan umano sa pagitan ni Claudine at ng isang Martin Castro, kaibigan ng estranged husband ni Claudine na si Raymart at ni Derek Ramsay, na noon ay boyfriend ni Angelica.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Claudine, intensiyon umano ni Angelica na magkasira ang pagkakaibigan nina Martin at Derek.

Bago pa ito, sinabi rin noon ni Claudine na una siyang nagalit kay Angelica dahil ang aktres umano ang nagpapakalat ng isyung nakatatanggap daw ng mamahaling regalo si Derek mula kay Gretchen.

Magkasama noon sa teleseryeng Magkaribal sina Derek at Gretchen.

Mas nagalit pa raw si Claudine kay Angelica dahil sa mga tweet nito laban kay Gretchen.

Sa isang interview kasi noon ay sinabi ni Gretchen na hihintayin niya ang solo pictures ni Derek, na nagtungo ng South Africa kasama si Angelica.

Hindi ito nagustuhan ni Angelica at nag-post ng mga makahulugang tweet na patama kay Gretchen, bagamat hindi niya pinangalanan ang huli.

Ilan sa mga patamang tweet ni Angelica: "Totoo nga... Nakakaloka pala talaga. Oh well... Nakakaawa ka.. Mukhang di ka masaya.. Goodnight.”

“Tarrrraaaayyy!!! Single ka teh? :)”

Ani Claudine, bagamat hindi maayos ang relasyon nila ni Gretchen, ipinagtatanggol pa rin niya ang nakatatandang kapatid.

Continue reading below ↓

“Eto lang ako, linis nang linis ng kalat ng kapatid ko,” ani Claudine sa interview niya sa PEP.ph.

Pero nag-iba ang takbo ng istorya nang sabihin ni Gretchen na nag-sorry sa kanya si Angelica at mas kinampihan niya ito.

Ani Gretchen sa PEP.ph: “Hindi ako ipinagtatanggol ni Claudine dito sa away na ito—dahil wala kaming away ni Angelica."

Malinaw na hindi nagustuhan ni Gretchen ang pahayag Claudine tungkol sa paglilinis ng kalat.

“I cannot deny that her words are very hurtful, but as a sister I still choose to understand and I still choose to bear the hurt," ani Gretchen.

2011-2012: CLAUDINE ONCE AGAIN RECONCILES WITH GRETCHEN

Noong July 2011 ay inihayag ni Claudine na papasok silang dalawa ni Gretchen sa family counselling para tapusin ang kanilang alitan.

Aniya pa, sinamahan niya ang kanyang ate na magsimba sa Quiapo at Baclaran.

Ganito rin ang sinabi ni Claudine sa isang interview noong March 2012 sa GMA News TV program na Limelight.

Continue reading below ↓

Ani Claudine: “Okay na kami ni Gretchen. Wala na akong mahihiling pa.

“Maraming months na nawala sa amin, hindi na mababalik ‘yon. So when it all happened, sinabi ko talaga sa sarili ko hindi na mauulit ‘yon. HInding-hindi na mawawala ang kapatid ko sa buhay ko.

“Hindi na ako papayag."

2013: CLAUDINE VERSUS GRETCHEN AND MARJORIE

Muling nagkaroon ng matinding sigalot sa pagitan ng magkakapatid, dawit ang ilang miyembro ng kanilang pamilya, noong April 2013.

Nagsimula ito nang sumagot sina Gretchen at Marjorie sa isang basher sa Instagram na may username na btchjuliaisbitch.

Ipinagtanggol nina Gretchen at Marjorie si Julia Barretto, anak ni Marjorie, na noon ay kaka-launch lamang bilang miyembro ng 2013 batch ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Hindi malinaw kung ano ang ipinost ng basher laban kay Julia dahil nabura ang kanyang komento at walang nakapag-screenshot.

Subalit base sa mga komento nina Gretchen at Marjorie ay sinisiraan ng basher si Julia sa pagpasok nito sa showbiz.

Continue reading below ↓

Walang binanggit na pangalan si Gretchen sa kanyang mga komento, pero leading ang mga pahayag nito na tila kilala nito ang basher.

Sa isang comment ni Gretchen laban sa basher (published as is): “yuck? You know what yuck is? Your husband walked out coz of you violent ways. What exactly did you do to his Porsche? His laptop? Etc. oh pls reflect & go to your happy place.. Medical city.”

Ang komentong ito ni Gretchen ay patukoy sa napapabalitang domestic problem sa pagitan ng mag-asawang Claudine at Raymart.

Noong 2010, o tatlong taon matapos silang ikasal, naging maugong ang isyung pagkakaroon ng problema sa pagsasama nina Claudine at Raymart.

Naging malaman din ang comment ni Marjorie: “her demons are coming out again…this time, for all to see.”

Bunsod nito, maraming netizens ang naghinala na ang tinutukoy nina Gretchen at Marjorie ay si Claudine.

Sinagot din ni Gretchen ang kanyang followers kung bakit ganoon na lamang ang galit nila sa basher.

Continue reading below ↓

“the basher warned us that if Julia enters star magic she will do everything to ruin Julia because she claims she is the teleserye princess & will remain that way till the end of eternity.”

Ang sumunod dito ay ang pagre-react ng iba pang miyembro ng pamilya Barretto, kabilang na si Mommy Inday.

Naglabas ng official statement si Mommy Inday kung saan binatikos niya si Gretchen at ipinagtanggol si Claudine.

Bungad ng official statement ng Barretto matriarch, na inilibas sa "FunFare" column ni Ricky Lo sa The Philippine STAR: “You are a liar, Gretchen.”

Dito umikot ang pahayag ni Mommy Inday kung saan inakusahan niya si Gretchen na gusto lamang sirain si Claudine.

Bunsod nito, lumantad si J.J. Barretto, ang pangatlong anak nina Miguel at Mommy Inday.

Ipinagtanggol ni J.J. si Gretchen laban sa pahayag ng kanilang ina.

Sa kanyang pahayag ay idiniin ni J.J. ang mga sakripisyo ni Gretchen upang tulungan ang kanilang pamilya—gaya ng pagsasantabi ng edukasyon nito para magtrabaho para sa pamilya, mapag-aral ang mga kapatid, at makabayad ng renta at pagkain ng mga magulang at kapatid.

Continue reading below ↓

Kinuwestiyon din ni J.J. ang kakulangan ng pagmamahal ni Mommy Inday kay Gretchen, kumpara sa sobrang pagmamahal na ipinapakita nito sa bunsong anak na si Claudine.

Nakisali na rin dito si Gia, ang ikaapat sa Barretto siblings.

Kinampihan ni Gia ang ina at si Claudine.

Sa kanyang pahayag, kinuwestiyon ni Gia ang pagtulong ni Gretchen sa pamilya.

Inakusahan pa ni Gia si J.J. na biased dahil nagtatrabaho raw ito para kay Gretchen.

Ayon pa kay Gia, si Claudine ang nagbigay ng malaking tulong sa pag-aaral niya sa Amerika.

Ang bunsong kapatid din daw ang nagpaaral sa mga pamangkin nito at namimigay ng mga mamahaling regalo.

Sa kanyang pahayag ay nabanggit din ni Mommy Inday na umalis na sa bahay si Raymart dahil sa domestic problem nito kay Claudine.

Sa mga sumunod na buwan, humupa ang isyu, pero muling pinag-usapan ang pamilya Barretto nang mag-file ng Temporary Protection Order (TPO) si Claudine laban kay Raymart sa Court of Clerks ng Marikina Regional Trial Court noong July 2013.

Continue reading below ↓

Confidential ang nilalaman ng reklamo kaya tumanggi noong magdetalye ang abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio.

Pero aniya, "Matagal na pong nagtiis ang aking kliyente, 2005 pa po.

“She tried to make it work, ayaw niya sanang magreklamo at humantong sa ganitong aksyon, ngunit hindi na po niya kaya."

OCTOBER 2013: MIKE BARRETTO TAKES CLAUDINE’S SIDE

Noong October 1, 2013, sinamahan ng Barretto patriarch na si Miguel ang bunsong anak na si Claudine sa isang press conference na ginanap sa Hotel Rembrandt sa Quezon City.

Nagkaroon ng presscon upang kontrahin ng kampo ni Claudine ang alegasyon ni Raymart hinggil sa drug use.

Ang pagsipot ni Mike—palayaw ni Miguel—ay malinaw na pagpapakita nito ng suporta sa bunsong anak.

Binuweltahan pa ni Mike ang kanyang mga anak na sina Gretchen, Marjorie, at J.J. ng “hypocrites,” “bullies,” at “guilty of evildoings.”

Ang pahayag ng kanilang ama ay nag-ugat marahil sa pag-isyu ng sworn statements nina Gretchen at Marjorie na nakapaloob sa counter-affidavit ni Raymart noong September 24, bilang sagot sa complaint-affidavit ni Claudine noong August 29, kung saan inakusahan ni Claudine si Raymart ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act.

Continue reading below ↓

Nag-react naman si Marjorie sa ginawang pahayag ng ama laban sa kanya.

Text ni Marjorie sa PEP.ph: “I am very hurt with the statement of my father.”

Paano at kailan daw siya "ever became a bad child."

Sinabi pa ni Marjorie—kasama sina Gretchen at J.J.—na hindi nila puwedeng i-bully si Claudine dahil ang kanilang bunsong kapatid "is a very, very strong woman."

Naglabas din ng official statement si Gretchen.

Bahagi ng kanyang statement bilang reaksyon sa pahayag ng ama: “It pains me to be depicted by our parents as the ‘bad children’ who are only out to ‘bully’ Claudine. Everyone knows NO ONE can bully Claudine! No one will dare.”

march 2019: GRETCHEN AND CLAUDINE KISS AND MAKE UP ONCE AGAIN

Noong March 21, 2019, sa Instagram Live, inilahad nina Gretchen at Claudine na nagkabati na sila uli.

Nangyari raw ito nang magkita at magkasalubong sila sa Solaire Resorts and Casino sa Pasay City noong February 16, 2019.

Continue reading below ↓

Idinetalye ni Gretchen ang pagkikita nila ni Claudine.

“[That] day when I saw her, when she walked in, that little girl who walked in was a very humble, very sweet girl.

"And all she said was, 'I love you. Forgive me. I miss you.' And I found myself uttering the same things."

Pagpapatuloy pa ni Gretchen, "You know, I just embraced her, and I said, 'I'm sorry.'

"I said I'm also sorry because pag masama ang loob mo, we tend to say hurtful things.

"You can never erase that. You cannot take that back.

"Good thing she forgave me and I forgave her, and that's what’s important."

july 2019: GRETCHEN AND CLAUDINE VERSUS MARJORIE AND JULIA

Muling nagkaroon ng iringan sa pagitan ng magkakapatid—si Marjorie naman laban kina Gretchen at Claudine—nang masangkot si Julia Barretto sa isyu ng paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Noong July 2019, kumalat sa social media ang paparazzi photos kung saan magkasama sina Julia at Gerald tila papuntang car park.

Continue reading below ↓

Ayon sa netizen na nag-upload ng mga larawan, nakunan daw ng larawan sina Julia at Gerald pagkagaling sa birthday celebration ng kaibigang si Rayver Cruz sa isang bar sa Bonifacio Global City, sa Taguig City, noong July 20, 2019.

Noong mga panahong iyon ay nagkakalabuan na sina Bea at Gerald at ang itinuturong third party ay si Julia.

Nang maglabas ng pahayag via Instagram si Julia upang ipagtanggol ang sarili sa matinding pamba-bash, nag-react ang kanyang tita na si Gretchen.

At malinaw ang pagpanig ni Gretchen kay Bea, hindi sa kanyang pamangkin.

Inakusahan pa ni Gretchen ang kampo ni Julia na kumuha ng ghost writer para sa statement ng young actress.

Maanghang na komento ni Gretchen: “THE FACT THAT THEY HIRED A GHOST WRITER FOR THIS POST IS HILARIOUS & MAKES HER SOUND DESPERATE TO SALVAGE WHATEVER IS LEFT.”

Bukod dito ay nagpadala pa ng bulaklak sina Gretchen at Claudine kay Bea sa kasagsagan ng isyu.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, tila pinatulan ni Marjorie ang akusasyon ni Gretchen.

Inilagay ni Marjorie sa kanyang description bio sa Instagram ang “ghost writer,” kasunod ng komento ni Gretchen sa Instagram statement ni Julia.

Bagamat binura rin ni Marjorie ang description, nag-react na si Gretchen at inilagay sa kanyang Instagram description bio ang mga katagang “GHOST BUSTER.”

Continue reading below ↓

Naging makahulugan naman ang komento ni Claudine laban sa isang anonymous basher noong August 17, 2019.

Nag-post si Claudine ng pasasalamat para sa kapatid na si J.J. dahil sa pagsama nito kay Claudine sa ospital.

May basher na nagkomentong si Claudine ang dahilan ng pag-aaway-away ng pamilya.

Sinagot ito ni Claudine, at malinaw sa kanyang komento na may partikular siyang taong pinapatamaan.

Tinawag niyang “ghost writer” ang basher at sinabing pumapatol daw sa may asawa.

Ang “ghost writer” ang description na ginamit ni Marjorie sa kanyang Instagram bio na binura.

OCTOBER 2019: THE SCENE AT THE WAKE

Ang pinakahuling kaganapan sa Barretto sisters ay ang insidente sa burol ng kanilang ama ngayong October 2019.

Kaliwa’t kanan ang tapunan ng akusasyon ng magkapatid—sina Gretchen at Claudine laban kay Marjorie.

Nang dumating si Gretchen sa burol noong October 16, naabutan niya si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagkatapos bumati sa Pangulo ay mahigpit na niyakap ni Gretchen ang nakaalitang ina na si Mommy Inday.

Continue reading below ↓

Napaulat namang namagitan ang Pangulo sa tangkang pagbatiin sina Marjorie at Gretchen.

Nabigo ang Pangulo dahil tumanggi si Marjorie sa hiling ng Pangulo.

Sa pahayag ni Gretchen sa ABS-CBN News, sinabi niyang, "Marjorie was not happy that I was there to reunite with family.”

Nang sumunod na gabi, October 17, napaulat naman ang pisikalan nina Claudine at Marjorie sa burol ng kanilang ama.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, sinabi raw ni Claudine na nagalit sa kanya si Marjorie dahil inakusahan daw siya nito na "nagpatawag ng press."

Uminit din daw ang ulo ni Marjorie dahil lumabas sa mga balita ang nangyaring alitan nila ni Gretchen sa burol.

Ayon pa kay Claudine, sa gitna raw ng kumprontasyon nila ni Marjorie ay nakisali si Julia.

Minura at sinaktan diumano siya ng pamangkin.

Itinanggi naman ni Julia na nakisali siya sa away ng ina at ng kanyang Tita Claudine, ayon sa ulat ng ABS-CBN News noong October 21.

Continue reading below ↓

Kinabukasan, nag-post si Claudine ng makahulugang mensahe sa Instagram: “Are you proud of who you have become?”

Walang pinangalanan si Claudine pero sa mga komento ay tinukoy ng netizens na si Marjorie ang kanyang pinatutukuyan.

Makalipas ang ilang oras ay nag-post ng mahabang pahayag si Marjorie sa Instagram.

Aniya, tungkol ito sa kumakalat na “false statements to the press, and twisting stories about what really happened in my Father’s wake.”

Dito ay direktang pinatamaan ni Marjorie si Gretchen.

Aniya, hindi siya kontra sa pakikipag-ayos ng nakatatandang kapatid sa pamilya, pero binatikos niya si Gretchen dahil hindi raw ito nagpakita sa 16 araw na nasa ospital ang ama.

“It would have been nice if she made her peace in the quiet of my Fathers room. With no cameras.”

Aniya pa: “Don’t be fooled by the statements of my sisters, they are leaving out a very important detail of what really caused pain and tension in the wake.”

Continue reading below ↓

Magsasalita rin daw siya upang ilabas ang katotohanan.

“I would like to ask for prayers too,” bahagi ng post ni Marjorie.

“Because when I speak the truth, my life and my children’s life will be put in danger.

“My sister's boyfriend is powerful in a very bad way ( and I don’t mean Tony Boy) And in speaking the truth I won’t be able to leave his name out.”

Sinagot naman siya ni Gretchen via Instagram makalipas ang ilang oras.

Kalakip ng kanyang post ay ilang video clips na kuha nang dumalaw sa burol si Gretchen.

Wala man sa focus ang video, mahihinuha ng pagkakaroon ng komosyon at sigawan, tila gustong patunayan ni Gretchen na may katotohanan ang sinabi niya na hindi masaya si Marjorie sa kanyang pagpunta.

Sinagot din ni Gretchen ang akusasyon ni Marjorie tungkol sa “powerful boyfriend.”

Ani Gretchen (published as is):"AND AS TO MY BOYFRIEND WHO IS POWERFUL IN A BAD WAY ( like you say ) YES HE IS POWERFUL ( in a good way , Not bad as you claimed. Your boyfriend is also POWERFUL & certainly IN A VERY BAD WAY ,ICountless corruption cases i was told, NOT TO MENTION, NUMEROUS MOLESTATION CASES , AM I CORRECT?”

Continue reading below ↓

Lumutang ang pangalan ng negosyanteng si Atong Ang, na siyang tinutukoy ni Marjorie na “powerful boyfriend” ni Gretchen.

Nadawit din sa isyu ang pangalan ni Nicole Barretto, pamangkin ni Gretchen at Marjorie.

Si Nicole ay anak ng kapatid ni Gretchen na si J.J.

Sa lumabas na screenshots ng direct message ni Nicole sa isang netizen noong October 19, sinabi nito na naging boyfriend nga niya si Atong, pero inagaw siya ng kanyang Tita Gretchen.

Naglabas naman ng larawan si Gretchen via Instagram ng larawan ni Atong kasama ang pamilya nito.

Ani Gretchen, kapamilya ang turing niya sa pamilya ni Atong at pangangalagaan niya ang mga ito.

Naglabas naman ng pahayag si Atong at sinabi nitong kasosyo lamang nito si Gretchen sa mga negosyo, pati na rin ang partner ng aktres na si Tonyboy.

Bagamat itinanggi ni Atong na meron siyang anumang relasyon kay Nicole, nilinaw naman nito na sa paghihiwalay nila ni Nicole ay wala raw kinalaman si Gretchen.

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Atong na wala siyang relasyon kay Claudine kahit minsan na rin silang naugnay.

Ani Atong: "Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro—'yun lang ang naging relasyon namin.”

Sinabi rin ni Atong na ang relasyon daw nila ni Nicole noon ay taga-asikaso ng kanyang mga flight at schedule.

Gabi ng October 22, Martes, nagpaunlak ng interview si Marjorie sa TV Patrol.

Dito ay inilahad ng dating aktres ang kanyang bersiyon ng away nila ni Gretchen sa burol.

Paliwanag ni Marjorie: “They were claiming na mainit na ang ulo ko...

"Hindi lang po ako, yung pamilya ko po.

"Dahil it was really about Atong sending our nieces and nephews out of the wake of our father.

"Yun yon. That's the tension."

Sinagot din ni Marjorie ang dahilan ng pagtanggi niya sa pakiusap ni Pangulong Duterte na makipag-ayos kay Gretchen sa gabi ng burol.

Continue reading below ↓

Ani Marjorie, “Because I could see her face. I could see the insincerity in Gretchen. I know her the most.”

Kinontra rin ni Marjorie ang naunang pahayag ni Gretchen na nagkaroon siya ng nervous breakdown noong gabing iyon ng burol.

Ani Marjorie, si Gretchen ang nagkaroon ng nervous breakdown.

Sinabi rin ni Marjorie na habang nakikipag-usap siya sa Pangulo sa isang dulo ng couch, sinasabunutan umano ni Gretchen si Nicole at sinisipa.

Akma ito sa kwento ni Nicole sa pakikipag-usap niya sa isang netizen.

Paglilinaw ni Marjorie, sa kabila ng kaguluhan ay maayos ang pakikipag-usap niya kay Pangulong Duterte.

"We ended well, habang si Gretchen nakikipagbugbugan doon.

“Para klaro sa lahat," ani Marjorie tungkol kay Gretchen. "Siya ang gumawa ng gulo, hindi ako. I respect my father."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay patuloy pa rin ang paglalantad ng mga magkakapatid ng bagong kaganapan sa kanilang hidwaan—hudyat na hindi pa tapos ang yugtong ito ng mga buhay ng pamilya Barretto na patuloy na tinututukan ng publiko.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
The beautiful Barretto sisters (L-R) Gretchen, Marjorie, and Claudine became involved in another controversy, at no less than the wake of their father Miguel Barretto. But this development is no longer unexpected in a family feud that has kept the public riveted for at least 15 years.
PHOTO/S: @juansarte, @marjbarretto, @pornstar_roviel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results