Ariel Villasanta reveals he lost contact with former comedy partner Maverick Relova

by Rommel Gonzales
Oct 23, 2019
Ariel Villasanta on former comedy partner Maverick Relova: "Pati ako, hindi na ako kinakausap. Lumayo na lang siya sa ating lahat. Puwedeng naging ispiritwal. Sa totoo lang, hindi ko talaga masabi kung ano siya talaga ngayon, e. "
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Nasaan si Maverick Relova?

Ito ang ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ariel Villasanta nang mag-isa lang siyang humarap sa members ng media si Ariel sa mediacon ng kanilang pelikula na Kings Of Reality Shows, nitong October 22, Martes sa Max’s restaurant sa Scout Tuazon St., Quezon City.

“Si Maverick, medyo nasaktan siya, e. Nasaktan siya talaga doon sa nangyari sa amin,” umpisang rebelasyon ni Ariel.

Malaki ang epekto kay Maverick ng hindi pagkakatuloy noon ng isang pelikula sana nilang dalawa, pati na rin ang isa pang TV show na sila rin sana ang mga bida.

“So, yung partner ko, kasi ako, may day job ako, e. Yung partner ko talagang wala, e.

“E, siyempre, alam ninyo, pag nag-aartista, minsan naiiba yung lifestyle, biglang medyo… nasaktan siya.

“It’s either nag-business na lang siya, may nagsasabing nag-drugs... hindi ho nag-drugs si Maverick.

Continue reading below ↓

“Puwedeng na-depress, puwedeng lumayo na lang, lumayo na lang sa ating lahat.

“Pati ako, hindi na ako kinakausap. Lumayo na lang siya sa ating lahat. Puwedeng naging ispiritwal.

“Sa totoo lang, hindi ko talaga masabi kung ano siya talaga ngayon, e.

“Pero iyang istoryang iyan, maganda iyan, makikita ninyo sa pelikulang ito, kasali yun.”

Mapapanoood sa pelikula ang ugat ng depresyon ni Maverick, kung depressed nga ito.

Sa Amerika sila nag-shoot ng Kings Of Reality Shows. Naiwan ba sa Amerika si Maverick?

“Ang alam ko, bumalik... Alam mo ni Facebook wala, wala!

"Sabi nina Keempee [de Leon]. Talagang lumayo siya, e.

“Hindi sumasagot sa text, as in lumayo siya.

“Pero pag nanood ang mga tao, makikita nila yung istorya, na kung ano ang nangyari kay Maverick.”

May mensahe ba siya para sa kaibigan?

“Kay Maverick, basta sana, kung anuman ang nangyari, kung naudlot na, kung anuman yung naudlot, kung anuman yung nangyari... sana, yung pagkakaibigan e nandiyan pa rin.

Continue reading below ↓

“Alam ninyo, itong mga nangyayaring ito, lilipas lahat ito, e, yung mga kung anumang mga materyal na ito, kung nasa limelight ka, sikat ka.. lilipas iyan, e!

“Nakikita natin lahat ito pero sa akin, sana sa pagkakaibigan, nandiyan lagi.”

Walong taon na raw ang lumipas mula nang huling makita ni Ariel si Maverick.

RELATIONSHIP WITH CRISTINA DECENA

Dating karelasyon ni Ariel ang mayamang businesswoman na si Cristina Decena.

Maayos ba ang sitwasyon sa pagitan nila? Nilapitan ba niya ito para hingan ng suporta sa pelikula?

“Si Cristina, nandito rin sa pelikula,” rebelasyon pang muli ni Ariel.

“Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, Cristina, mula nung nagkahiwalay tayo, yung mga dati kong hindi inuulam, inuulam ko na rin!’

“Anyway, hindi… okay naman kami ni Cristina. Unang-una, wala namang masamang tinapay sa amin, e.

“Wala akong... alam niya yun, sinabi ko sa kanya nung araw ito, sabi ko, ‘Cristina, kapag ako umutang o humingi ng pera sa iyo, maghiwalay na lang tayo. Magkusa ka na lang.’

Continue reading below ↓

“Pero hindi ako uutang o hihingi.

“Okay naman, okay naman, friends kami ni Cristina. Kasi pagdating sa pera, takot ako diyan, e.

“Wala naman, wala naman,” pagtukoy ni Ariel sa isyu ng pera sa pagitan nila ni Cristina.

DEDICATED TO MOMMY ELVIE

Ipalalabas sa November 27 ang Kings Of Reality Shows kung saan si Ariel producer, director, lead actor (with Maverick), editor, writer, at in-charge of sales, marketing, at creatives ng pelikula.

Ang Kings Of Reality Shows ay dedicated kay Mommy Elvie Villasanta, ina ni Ariel at “to all the struggling artists in the world.”

Produced ito ng Lion’s Faith Production.

Speaking of Mommy Elvie, ano ang pinakanami-miss ni Ariel sa ina niya?

Magkasama ang mag-ina sa TV show na Mommy Elvie's Problematic Show na umere sa TV5 noong June 19, 2007 hanggang August 5, 2008 at sa TV special na Mommy Elvie @ 18.

Sumakabilang-buhay si Mommy Elvie noong February 8, 2013 dahil sa breast cancer.

Continue reading below ↓

“Nami-miss ko yung nilalait niya ako.

"Alam mo, kami ni Mommy Elvie, hindi kami nag-a-I love you e, wala kaming I love you.

“Ang pinakalambingan namin, ito, seryoso ito, ha... laitan!

“Nilalait niya ako, ‘Ang pangit mo! Ano bang itsura mo? Malayo ka sa tatay mo! Yung daddy mo, maayos; ikaw, hindi!’

“Ganun ang lambingan namin.

“Pero dedicated itong pelikula sa kanya.”

May special participation si Mommy Elvie sa Kings Of Reality Shows.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ariel Villasanta on former comedy partner Maverick Relova: "Pati ako, hindi na ako kinakausap. Lumayo na lang siya sa ating lahat. Puwedeng naging ispiritwal. Sa totoo lang, hindi ko talaga masabi kung ano siya talaga ngayon, e. "
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results