UPDATED: Business tycoon Ramon Ang denies rumor linking him to Julia Barretto

by Arniel C. Serato
Oct 23, 2019
San Miguel Corporation President and CEO Ramon Ang strongly denies involvement with Kapamilya star Julia Barretto in a statement released yesterday, October 22.
PHOTO/S: Jerome Ascano for SPIN.ph / Courtesy: @juliabarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Katatanggap lang ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng statement ni Ramon Ang, Presidente at CEO ng San Miguel Corporation, tungkol sa pagkakaugnay nito sa Barretto family feud.

Una nito, nakipag-ugnayan ang PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon kay Mary Jane Llanes, Vice President for Public Relations ng SMC, upang alamin kung may inilabas nang pahayag ang business tycoon.

Ayon kay Llanes, mayroong maiksing pahayag si Ang, na mayroong English at Tagalog versions.

Sa unang pangungusap, ito ang sinabi ni Ang sa Tagalog: “Never ko pa po nakilala si Julia Barretto. Nakita niyo naman po ang edad niya, parang apo ko na. Kaya ito pong mga istorya na ito ay ‘malicious.’"

Sa Ingles, sinabi nito: "I do not recall having ever met Ms. Julia Barretto in my life. She could be my grandchild, so frankly I did not know how to react to this malicious rumor."

Bugso ito ng usap-usapang may ugnayan diumano si Ramon Ang, 65, sa aktres na si Julia Barretto, 22.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng SMC boss: "Huwag na po natin pagbigyan ng pansin, at mas marami pa po tayong kailangang gawin para mapabuti ang bansa natin. Siguro, paglaki pa ng kaunti ng mga sarili kong apo, puwede silang maging magkakaibigan.”

Sa Ingles: "When my own grandchildren grow up, perhaps they can all be friends."

Si Ramon S. Ang ay nasa ikawalong puwesto sa listahan ng Forbes ng pinakamayaman sa Pilipinas dahil sa kanyang $2.8 billion net worth.

MARJORIE BARRETTO: "MY CHILDREN ARE NOT FOR SALE."

Sa eksklusibong panayam ni Karen Davila kay Marjorie Barretto sa TV Patrol kahapon, October 22, mariin nitong pinabulaanan ang kumakalat na balitang inilalako raw niya ang kanyang mga anak na babae sa mayayamang negosyante.

Bunsod ito ng pagkakaugnay ng kanyang estranged sister na si Gretchen, pamangkin na si Nicole, at ang bunsong kapatid na si Claudine sa negosyanteng si Atong Ang.

Liban sa Abante, naisulat din sa Bulgar at philnews.ph na si Julia raw ay may lihim na ugnayan sa business tycoon na si Ramon Ang.

Continue reading below ↓

Wala mang binanggit na pangalan si Marjorie, mariing itinanggi nito sa TV Patrol: “My children are not for sale.

“I don’t even have very much wealthy friends to sell my children to.

“My children work very, very hard.

“My youngest daughter is a good student in college in Ateneo.

"Matitino po ang mga anak ko."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
San Miguel Corporation President and CEO Ramon Ang strongly denies involvement with Kapamilya star Julia Barretto in a statement released yesterday, October 22.
PHOTO/S: Jerome Ascano for SPIN.ph / Courtesy: @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results