DOTR issues road safety tips while keeping up with the Barrettos

by Jet Hitosis
Oct 25, 2019
The Department of Transportation issues on Thursday, October 24, some road safety tips for motorists who use social media to constantly update themselves on the latest news about the Barretto family feud even while driving.
PHOTO/S: File / Facebook

#TheBarrettoFamilyFeud

Sa gitna ng pagsubaybay ng publiko sa away ng magkakapatid na Gretchen, Claudine, at Marjorie Barretto, may paalala ang Department of Transportation (DOTR) sa mga nagmamaneho habang nakikibalita sa social media para sa latest update sa Barretto family feud.

Sa infographics na inilabas ng DOTR sa official Facebook page nito noong Huwebes, October 24, nagbigay ng tips ang kagawaran kung paanong maisasabay ang pakikibalita sa social media tungkol sa latest sa away ng magkakapatid na Barretto nang hindi nakukompromiso ang pagmamaneho.

May hashtags na #BarrettoChika at #RoadSafety, ang infographics ay may titulong: “IMPORTANT ROAD SAFETY TIPS: how to be updated with the Barretto Family issue WHILE DRIVING.”

Sa illustration na tampok sa infographics, makikita ang isang motorista na nag-a-update sa kanyang smartphone tungkol sa alitan ng mga Barretto habang nasa kalagitnaan ng pagmamaneho.

“OMG! May bagong pasabog na naman si La Greta!” sabi ng character sa illustration, tinutukoy ang dating aktres na si Gretchen, ikalima sa pitong magkakapatid na Barretto.

Sa ilalim ng illustration ay nakalista ang apat na road safety tips para “Safe ka na, updated ka pa!”

ANTI-DISTRACTED DRIVING LAW

Saad sa tips ng DOTR:

“1. Wag magbasa ng IG or FB updates nina La Greta, Tita Marj, or Claudine habang nagmamaneho. May anti-distracted driving law tayo!”

Ipinagbabawal sa Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Act ang paggamit ng mga motorista ng anumang telecommunications o entertainment devices habang nagmamaneho at kapag nakahinto sa red traffic light, upang makaiwas sa aksidente.

Ang mapatutunayang lumabag ay pagmumultahin ng P5,000 hanggang P20,000, at maaari ring masuspinde o tuluyang bawian ng driver’s license.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“2. Kung may kasama ka sa auto, sila ang pag-research-in mo at sa kanila ka na lang magpakwento.

“3. Kung wala kang kasama at atat kang makakuha ng updates, itabi mo ang kotse mo sa ligtas na lugar at doon ka mag-check ng IG at FB stories.

“4. Kung tatawag naman ang kaibigan mo para i-chika sa ‘yo ang latest sa awayang ito, siguraduhin mong naka-headset ka o bluetooth device. I-loudspeaker mo na rin para rinig ng iba mong kasama.”

THE BARRETTO FAMILY FEUD

Sa nakalipas na mga araw, tinutukan ng publiko ang pagpapatuloy ng alitan sa pagitan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie, at ang iba’t ibang personalidad na nadamay sa issue.

Muling sumiklab ang away ng magkapatid kasunod ng pagpanaw ng kanilang amang si Miguel Barretto, 82, nitong October 15, 2019.

Nagsimula ang lahat nang magpunta si Gretchen sa unang gabi ng lamay ng ama nitong October 16, matapos ang ilang taon nang alitan niya sa sariling mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan nina Gretchen at Marjorie, na matagal nang magkaaway, habang kampi naman si Claudine kay Gretchen.

Nang sumunod na gabi, October 17, nagkasakitan sa lamay sina Marjorie at Claudine, at napaulat na dawit din umano sa insidente ang anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

Sa pagpapatuloy ng bangayan ng magkakapatid, nadawit na rin ang ilang personalidad, at hindi inaasahang naging central figure sa isyu ang Filipino-Chinese businessman na si Charlie “Atong” Ang.

ATONG ANG SPEAKS UP

Sa huling update, nagpa-interview si Atong sa TV Patrol nitong Huwebes ng gabi, October 24, upang bigyang-linaw ang pagkakasangkot niya sa hidwaan ng ilan sa pamilya Barretto.

Kabilang sa nilinaw ni Atong ang tungkol sa naging relasyon niya sa pamangkin nina Gretchen, Marjorie at Claudine na si Nicole Barretto, anak ng nakatatandang kapatid nilang si JJ Barretto.

Pinabulaanan din ni Atong ang malisya sa viral photo nila ni Gretchen na magkahawak-kamay habang natutulog sa eroplano, at sinabing “parang kapatid” lang niya ang dating aktres, na malapit sa kanya.

Sinabi rin ni Atong na hindi siya dapat katakutan ni Marjorie, kaugnay ng naging pakiusap ng dating konsehal ng Caloocan City sa huling bahagi ng tell-all interview nito sa TV Patrol nitong Martes, October 22, na huwag itong sasaktan ng negosyante.

Matatandaang sa Instagram post ni Marjorie nitong October 18, nabanggit niyang nangangamba siya para sa sariling kaligtasan, gayundin ng kanyang mga anak, sa pagsasalita niya laban kay Gretchen dahil sa boyfriend nito na "powerful in a very bad way."

Kalaunan, ibinunyag ni Marjorie na inagaw umano ni Gretchen si Atong sa pamangkin nilang si Nicole, na sinasabing ilang taon na nakarelasyon ng negosyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“TIGILAN NiYO NA”

Pinayuhan din ni Atong ang Barretto sisters na itigil na ang kanilang bangayan sa publiko, lalo na dahil “nagkakaroon ng libangan ang mga tao” dahil sa alitan nila.

“Anyway, nakakatulong naman kayo. Nagkakaroon ng libangan yung mga tao,” sabi ni Atong nang hingan ng mensahe para sa mga Barretto.

“Ngayon, kung gusto niyong ituloy, mga artista naman kayo, e, di ituloy niyo.

“Pero suggestion ko lang, tigilan niyo na.

“Kung ako kayo, magkabati-bati kayo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Department of Transportation issues on Thursday, October 24, some road safety tips for motorists who use social media to constantly update themselves on the latest news about the Barretto family feud even while driving.
PHOTO/S: File / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results