Rocco Nacino to girlfriend Melissa Gohing: "I'll always be your happy pill."

by Ruel J. Mendoza
Oct 28, 2019
Rocco Nacino's birthday message for girlfriend Melissa Gohing: "A wish for lots of blessings for someone who continuously instills positivity in my life, brings to joy, and excitement to every experience that we have together. I'll always be your happy pill."
PHOTO/S: Instagram

Kahit na sobrang busy sa kanyang career, nagawang sorpresahin ni Rocco Nacino, 32, ang kanyang girlfriend na si Melissa Gohing sa 28th birthday nito noong October 22, Martes.

"Pareho kaming naging busy ni Melissa,” matamang lahad ni Rocco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Alam ko na malapit na yung birthday niya and inunahan ko na siya na baka hindi kami makapag-celebrate on her birthday.

"Sunud-sunod kasi ang trabaho natin. Bukod sa taping ng Descendants of the Sun, I was also doing basic civilian training with the Philippine Navy.

"Melissa understood the situation. Kasi siya rin daw, baka maging working birthday din. May volleyball leagues din siyang pinagkakaabalahan.

"But thank God, na-pack-up yung taping ng DOTS noong araw ng birthday ni Melissa. Kaya we wasted no time na mag-celebrate.

"We went out of town and had a secret romantic getaway.

"Yung kaming dalawa lang talaga and we were both thankful dahil nalibre kami sa special day na iyon."

Continue reading below ↓

Inilahad ni Rocco ang special celebration nila ni Melissa sa contract signing niya kasama ang ibang advocates ng GMA Kapuso Foundation noong October 23 sa GMA Network Center.

DEDICATION POST

Heto ang mensahe ni Rocco via Instagram kaugnay sa romantic getaway nila ni Melissa:

"A special dedicated post to the love of my life.

"A wish for lots of blessings for someone who continuously instills positivity in my life, brings to joy, and excitement to every experience that we have together.

"I'll always be your happy pill.

“Happy Birthday Mi Amor! Cheers to more and more blessings in your life my forever beer drinking buddy!"

Continue reading below ↓

THE HOUSE THAT ROCCO BUILT

Kinumusta rinkay Rocco ng PEP.ph ang bahay na ipinatatayo niya.

Aniya, "Malapit na siyang matapos. Unti-unti ko nang nakikita yung mga pinaghirapan natin sa ating trabaho.

"Every week, nandoon ako sa construction site para makita ko ang progress. Para na rin akong foreman, kasi ini-inspect ko yung mga ginagawa nila.

“Kahit puyat at pagod ako galing taping, I would still drive there para makita yung mga nangyayari.

"Gusto ko kasi na updated ako sa lahat at kung may ipapabago ako, madaling magagawa."

Para sa future family ni Rocco ang ipinatatayo niyang bahay.

"Para talaga sa magiging family ko yung house. Kaya marami akong pinagawang kuwarto.

"Habang wala pang mga bata, yung mga kuwarto ay storage rooms muna. Para sa mga damit at sapatos muna natin!" tawa pa ni Rocco.

WRITE ABOUT LOVE

Isa pang pagkakaabalahan ni Rocco this Christmas ay ang pelikulang Write About Love, na official entry sa Metro Manila Film Festival 2019.

Continue reading below ↓

Ito ang second time na magkakaroon ng MMFF entry si Rocco.

Nagbida si Rocco sa pelikulang Pedro Calungsod: Batang Martir na MMFF official entry noong 2013.

Ayon kay Rocco, "Hindi namin ini-expect na yung movie na ginawa namin nina Miles Ocampo, Joem Bascon, and Yeng Constantino ay makakapasok sa MMFF.

"It's been six years na pala bago ako ulit nagkaroon ng movie sa MMFF.

"This year, maganda ang movie namin at bagay sa millennials. Makaka-relate sila sa kuwento ng movie namin.

“Nakakatuwa lang na sa isang proyekto kami magsasama-sama at itinuturing kong isang barkada.

“Si Joem, matagal ko nang kaibigan talaga. Sina Miles at Yeng, first time ko sila makilala at nagpakilala ako ng maayos sa kanila.

“Naka-establish ako ng rapport sa lahat, pati sa production.

"Mas okey pala kapag walang network war, kasi mas maraming opportunities na dumarating sa lahat."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino's birthday message for girlfriend Melissa Gohing: "A wish for lots of blessings for someone who continuously instills positivity in my life, brings to joy, and excitement to every experience that we have together. I'll always be your happy pill."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results