Ruffa Gutierrez clarifies she is on good terms with Claudine Barretto

by Bernie V. Franco
Oct 29, 2019
Ruffa Gutierrez assures a netizen that she and Claudine Barretto are on good terms. Recently, Ruffa's name has been dragged into Barretto family feud when Gretchen accused Ruffa of being a "sawsawera" after the latter praised Julia Barretto in a comment.
PHOTO/S: Mark Atienza / @iloveruffag on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Nilinaw ni Ruffa Gutierrez, 45, na maayos ang relasyon nila ni Claudine Barretto, 40, sa gitna ng pagkakadawit ng pangalan ni Ruffa sa family feud ng mga Barretto.

Last week, nag-post si Ruffa ng recent magazine cover niya kasama ang ibang sikat na female personalities, kabilang si Claudine, bunsong kapatid nina Gretchen at Marjorie Barretto.

Isang netizen ang nakapuna sa pagsasama nina Ruffa at Claudine, at nagkomento na masaya itong makitang magkasundo pa rin ang dalawa.

Sumagot si Ruffa sa netizen.

Aniya, “For the record, Claudine has always been sweet, polite and kind to me & my family.”

Continue reading below ↓

Sa katunayan, sa post ni Ruffa ay ibinahagi rin niya ang ilang video clips kung saan makikita silang may interkasiyon ni Claudine at sa aktres ding si Angel Aquino.

Continue reading below ↓

Sa isa pang post, sinagot din ni Ruffa ang isang netizen na nagkomentong makabubuting huwag na niyang patulan ang mga negatibong komento.

Pagsang-ayon naman ni Ruffa: “true. That’s why I’m at peace”

RUFFA DRAGGED INTO BARRETTO FAMILY FEUD

Ang komentong ito ng netizen ay may kinalaman sa pagkakadawit ng pangalan ni Ruffa sa away ng mga Barretto.

Continue reading below ↓

Nagsimula ito nang masamain ni Gretchen ang simpleng komento ni Ruffa sa isang selfie post ni Julia Barretto sa Instagram.

Si Julia ay anak ng kaalitan at nakababatang kapatid ni Gretchen na si Marjorie.

May alitan din sina Marjorie at Claudine, habang magkakampi naman ngayon sina Gretchen at Claudine.

Inakusahan ni Gretchen si Ruffa ng pagsawsaw umano sa away ng kanilang pamilya.

Nataon kasing kasagsagan ng sagutan nina Gretchen at Marjorie sa social media nang mag-comment si Ruffa sa IG post ni Julia noong nakaraang linggo.

Sa isang recent interview ay sinabi ni Ruffa na close siya kay Marjorie dahil bukod sa pagiging magkaibigan ay magka-batch sila sa school noon.

Nag-aral sina Ruffa at Marjorie sa Colegio San Agustin.

Sinabi pa ni Ruffa na naging close siya sa pamilya Barretto noon.

Aniya, “Actually, all of them naman talagang close ko noon.”

Naging magkaibigan din noon sina Ruffa at Gretchen, pero inamin ng una na nawala ang closeness nila noong 2008.

Continue reading below ↓

Nilinaw na rin ni Ruffa sa panayam na walang malisya ang kanyang pagkomento sa picture ni Julia, kaya nagulat siya nang bigyang kulay ito ni Gretchen.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez assures a netizen that she and Claudine Barretto are on good terms. Recently, Ruffa's name has been dragged into Barretto family feud when Gretchen accused Ruffa of being a "sawsawera" after the latter praised Julia Barretto in a comment.
PHOTO/S: Mark Atienza / @iloveruffag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results