Ruffa Gutierrez answers netizen who accused her of "overusing" the word fresh

by Jet Hitosis
Oct 29, 2019
Ruffa Gutierrez answers a netizen who accused her of "overusing" the word "fresh" and for failing to "move on" from being dragged into the Barretto family feud last week. This after the former beauty queen used the word "fresh" in her latest Instagram post with daughter Lorin Gutierrez Bektas.
PHOTO/S: @iloveruffag on Instagram

Pinuna ng isang netizen ang paggamit ni Ruffa Gutierrez ng salitang “fresh” sa kanyang latest Instagram post tungkol sa iniendorsong feminine spray.

Naging kontrobersiyal ang komentong “Freshhhhhh” ni Ruffa sa selfie post ni Julia Barretto nitong October 18, matapos siyang akusahan ni Gretchen Barretto bilang “sawsawera.”

Tiyahin ni Julia si Gretchen, na noon ay nasa kainitan ng isinapublikong bangayan sa kapatid na si Marjorie Barretto, ina ni Julia.

Malapit si Ruffa sa mga Barretto, partikular kay Marjorie, na naging batchmate niya noong high school.

Sa post ni Ruffa nitong Lunes ng gabi, October 28, ibinahagi niya ang kanyang tatlong close-up photos—na sa isa ay kasama niya ang panganay na si Lorin Gutierrez Bektas—para sa endorsement ng isang feminine spray.

Post ni Ruffa: “Feeling fabulously fresh with @loringabriella…”

MOVING ON FROM “FRESH” COMMENT

Isang netizen ang nagkomento kay Ruffa na “overused” na ang salitang fresh, at idinagdag na “kala ko nakamove on na.”

Continue reading below ↓

Tinukoy ng netizen ang hindi na pagpatol pa ni Ruffa sa isyu ng hindi inaasahang pagkakadawit niya sa away ng magkapatid na Marjorie at Gretchen.

Sagot ni Ruffa: “not overused at all- READ THE COMMENTS (laughing with tears emoji) yes DEFINITELY naka move on na to the FRESHNESS I feel when I use @beautylibraryph.”

Continue reading below ↓

Ilang followers ni Ruffa ang nagtanggol sa kanya laban sa netizen na sumita sa beauty queen-actress tungkol sa paggamit ng salitang “fresh” at sa pagmu-move on.

RUFFA’S BOYFRIEND TWITS CONTROVERSIAL COMMENT

Pero habang nagsasagutan ang followers ni Ruffa at ang naturang netizen, pilyong nagkomento rin ng “Freshhh” ang French-Israeli businessman boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal.

Reaksiyon ni Ruffa sa one-liner ni Jordan: “@jordanmouyal (three laughing with tears emojis) grabeeee! (heart kiss, kiss mark, grinning face with stars emojis).”

Continue reading below ↓

Bukod dito, inulan din ng reaksiyong “fresh” ang comments section sa nabanggit na post ni Ruffa, bilang papuri sa litrato nila ni Lorin.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Una nang itinanggi ni Ruffa na sumasawsaw siya sa away ng ilang miyembro ng pamilya Barretto.

Sa isang interview nitong Sabado, October 26, sinabi ni Ruffa na “shocked na shocked” siya na nadawit sa away nina Marjorie at Gretchen.

Matatandaang ipinagtanggol pa nga si Ruffa ng inang si Annabelle Rama laban kay Gretchen, pero hindi na sinagot ng huli ang Gutierrez matriarch.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez answers a netizen who accused her of "overusing" the word "fresh" and for failing to "move on" from being dragged into the Barretto family feud last week. This after the former beauty queen used the word "fresh" in her latest Instagram post with daughter Lorin Gutierrez Bektas.
PHOTO/S: @iloveruffag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results