Enchong Dee sustains slight facial injury in fire accident

by Jet Hitosis
Oct 29, 2019
Actor-model Enchong Dee shares on Twitter the scary fire accident that caused him minor facial injuries (see inset photo) on October 25.
PHOTO/S: @mr_enchongdee on Instagram, @enchongdee777 on Twitter

Pinaalalahanan ni Enchong Dee ang publiko laban sa mga bagay na maaaring pagmulan ng sunog, matapos siyang masugatan sa mukha nang pigilan niya ang pagkasunog ng isang oil canister.

Sa magkasunod niyang tweet nitong October 26, binigyang-babala ng 30-anyos na aktor ang kanyang warning para sa “mga tulad kong malalapit sa aksidente.”

Kuwento ni Enchong: “Sa mga tulad kong malalapit sa aksidente: Last night while having dinner at a friends place, we started smelling burned something, we unplugged everything but apparently it was the oil canister, my initial reaction was to blow the fire away, as a result the oil went to my face (person face palming emoji).”

Kalakip ng naturang tweet ni Enchong ang close-up shot sa kanyang baba, kung saan makikita ang ilang brown marks ng langis na tumalsik sa kanyang mukha.

Labis ang naging pag-aalala ng Twitter followers ni Enchong para sa kanya, na sinabihan siyang mag-ingat lagi.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

REMINDING THE PUBLIC AGAINST FIRE HAZARDS

Kaagad namang sinundan ni Enchong ang kanyang tweet, upang magpaalala sa kanyang followers laban sa mga maaaring pagmulan ng sunog.

Tweet ni Enchong: “Don’t leave anything na may sindi ng apoy like scented candles, scented oils, cooking appliance, etc. baka eto maging sanhi ng malaking sunog.

“Please be mindful and careful yeah?!”

Nagpahayag din siya ng pag-aalala na magpeklat ang maliliit na sugat na natamo niya sa naturang insidente.

Saad pa sa kanyang tweet: “I learned my lesson and I don’t know if this will scar my face (person face palming emoji).”

Gayunman, sa latest Instagram at Twitter posts ni Enchong ngayong Martes, October 29, ay nagpahiwatig siyang bumiyahe abroad, bagamat walang detalye sa kanyang caption kung nasaan siya.

View this post on Instagram

????????‍??????????

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee) on

ALLERGIC REACTION TO “POLLUTED” WATERS

Samantala, mistulang totoo na nalalapit nga sa mga aksidente ni Enchong sa nakalipas na mga buwan.

Continue reading below ↓

Nitong Setyembre lang ay napaulat na namula ang kanyang mga mata at balat matapos siyang mag-swimming sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Enchong, nagkaroon siya ng allergic reaction sa kanyang paglangoy “because of the chemicals from the mining companies na dumidiretso sa dagat.”

Kuwento pa ng aktor, tumagal ng isang linggo ang pamumula ng balat sa paligid ng kanyang mata dahil sa insidente.

Read Next
Read More Stories About
Enchong Dee, millennials
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-model Enchong Dee shares on Twitter the scary fire accident that caused him minor facial injuries (see inset photo) on October 25.
PHOTO/S: @mr_enchongdee on Instagram, @enchongdee777 on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results