Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Angelica Panganiban scolded by Italian police for sitting on Spanish Steps in Rome

by Bernie V. Franco
Oct 30, 2019
Actress Angelica Panganiban reveals being scolded by Italian police after violating new rule for tourists not to sit on the Spanish Steps in Rome, Italy.
PHOTO/S: Noel Orsal ? @iamangelicap on Instagram

Ibinahagi ni Angelica Panganiban, 32, ang pagsita sa kanya ng Italian police dahil sa pag-upo niya sa Spanish Steps, isang kilalang tourist spot sa Rome.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Italy ang aktres kasama ang ilang non-showbiz friends.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, October 29, ikinuwento ni Angelica ang pakiramdam na masita sa unang pagkakataon.

Saad ng Kapamilya actress (published as is):

“For almost 28 years, i have been infront of the audience. Naramdaman ko pano mahusgahan. Paano panoorin ang bawat galaw mo. Paano, mag salita, lumaban, para sa sarili mo.

“Sa pag upo ko sa spanish steps... nahusgahan ako... bawal pala umupo dito.

"Sorry na po mga pulis — atleast, naka isa."

Kalakip ng post ni Angelica ay ang kuha niya habang nakaupo sa Spanish Steps Palazzo Di Bolgna, sa Rome.

Continue reading below ↓

Sa isang komento ay binanggit ni Angelica na nagawa pa siyang makunan ng litrato bago siya sitahin ng mga pulis.

Sunud-sunod naman ang komento ng ilang netizens upang kumpirmahing ipinagbabawal na sa mga turista ang pag-upo sa Spanish Steps.

Ayon pa sa iba, may multa sa mga lumalabag dito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nito lamang August 2019 ay nasulat ang tungkol sa pag-ban sa mga turista na umupo sa 135 steps ng Spanish Steps Palazzo Di Bolgna sa Roma.

Ang multa ay maaaring umabot ng 250 Euro (P14,000) hanggang 400 Euro (P22,000) kung nagkalat o nakasira ng hagdan.

Ang ban ay ipinatupad upang bawalan ang mga turista na kumakain at umiinom sa hagdan, ayon sa www.telegraph.co.uk.

Sa kabila ng utos na ito ay may mga turistang kumontra at sinabing masyadong strikto ang batas.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angelica Panganiban reveals being scolded by Italian police after violating new rule for tourists not to sit on the Spanish Steps in Rome, Italy.
PHOTO/S: Noel Orsal ? @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results