Alyssa Muhlach wants to prove she deserves a spot in showbiz

by Bernie V. Franco
Oct 31, 2019
Alyssa Muhlach admits pressure to prove that she deserves a spot in the showbiz industry since she comes from a family of actors. Alyssa, daughter of Almira Muhlach, is the niece of Aga Muhlach and Nino Muhlach.
PHOTO/S: Noel Orsal

Bago niya tuluyang pinasok ang showbiz, sinubukan muna ni Alyssa Muhlach ang kanyang kapalaran sa beauty pageants.

Sinuwerte naman siya dahil siya ang itinanghal na Reina Hispanoamericana Filipinas 2018 sa Miss World Philippines 2018 pageant.

Siya ang nag-represent sa Pilipinas sa Reina Hispanoamericana 2018 pageant sa Bolivia, pero bigo si Alyssa na masungkit ang korona.

Si Alyssa ay anak ng aktres na si Almira Muhlach sa former basketball player na si Bong Alvarez.

Tito ni Alyssa ang mga aktor na sina Aga Muhlach at Niño Muhlach.

Pero paglilinaw ni Alyssa, mas nauna talaga ang pangarap niyang mag-artista kesa sa pagsali sa beauty pageant.

“Biglaan rin po actually ang pagsali ko ng pageant,” ani Alyssa sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon ng horror movie na Hellcome Home noong October 23.

“Bigla ko lang naisip na I wanted to try it out.

“But I’ve always wanted to be in showbiz ever since bata pa po ako, so parang yung beauty queen yung parang mas bagong idea siya sa life plan ko.”

Continue reading below ↓

ALYSSA WANTS TO PROVE HERSELF

Dahil galing sa angkan ng mga Muhlach na kilala sa showbiz, aminado si Alyssa na may pressure siyang nararamdaman.

“I realized sobrang pressured po talaga ako, that’s why I should use it as a motivation to do better.

"And at the same time, I’m also allowing myself to just enjoy the journey and to just keep on learning through the process.”

Rason ni Alyssa, maging ang kanyang Tito Aga ay dumaan din sa proseso at hindi naman agad nakilala bilang mahusay na aktor.

“Kasi siyempre wala namang born na kasing galing ni Tito Aga, di ba?

“You have to learn.

“It’s years of experience and multiple movies and maraming-maraming shows for you to be able to reach that level na magaling ka nang artista.

“So that’s what I tell myself na wala namang ipinapanganak na ganoon.

“Kailangan talagang i-learn mo siya.

“You have to enjoy the journey.”

Continue reading below ↓

Kumpara raw sa ibang mga anak ng artista na pinasok ang showbiz, maikukunsiderang late na ang pagpasok ni Alyssa sa industriya.

Kaya naman doble ang effort niya para patunayang deserve niya ang mabigyan ng pagkakataon.

“Compared sa ibang artista who started early, I just have to do my best, parang double time in learning.”

Doble rin daw ang kayod niya sa pagsasailalim sa acting classes.

Bukod sa Hellcome Home, kasama rin si Alyssa sa ABS-CBN teleseryeng Pamilya Ko.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alyssa Muhlach admits pressure to prove that she deserves a spot in the showbiz industry since she comes from a family of actors. Alyssa, daughter of Almira Muhlach, is the niece of Aga Muhlach and Nino Muhlach.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results