RK Bagatsing out to prove he's not just the brother of Raymond Bagatsing

by Bernie V. Franco
Nov 1, 2019
Actor RK Bagatsing grateful to be recognized for his acting skills, but still wants to do more as an actor.
PHOTO/S: Noel Orsal

“I really wanted it more than anything else.”

Ito ang sinabi ng aktor na si RK Bagatsing, 31, nang matanong kung pinangarap talaga niyang mapasok ang showbiz.

Unti-unting nagkakapangalan si RK sa local showbiz dahil sa husay niya sa pag-arte.

Si RK ay nakababatang kapatid ng versatile actor na si Raymond Bagatsing.

Kabilang sa mga nagmarkang role ni RK ay ang mga pagganap niya sa Kapamilya teleseryeng Wildflower at Araw Gabi noong 2018.

Ang pinakahuli naman ay ang katatapos lamang na daytime teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit.

Aminado si RK na, noong una, ang naging reputasyon niya ay bilang kapatid ni Raymond.

Ito raw ang naging motivation niya para pag-igihan ang pag-arte para makagawa ng sariling pangalan.

“When I was starting, you introduce yourself, and you become this person na kapatid ni Raymond Bagatsing,” kuwento ni RK sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 4.

“I always said sa sarili ko and sa kanila, ‘I’m not here [just] to be the brother of Raymond Bagatsing. I’m here to be RK Bagatsing.’”

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay nakikilala na si RK at nakatatanggap ng mga papuri dahil sa pagiging mahusay na aktor.

“Looking back, if I try to look back, if I gauge kung saan man ako, nakaka-proud kasi parang somehow yung efforts ko, yung dugo’t pawis ko na ibinigay, e, nagbubunga naman in a way.”

Malaki rin ang pasasalamat ni RK sa mga nakakapansin sa kanyang husay sa pag-arte.

“Thank you, but I believe kasi na ang daming magaling sa paligid.

“It’s all about opportunities, it’s about timing.”

Sabi ng aktor, sinuwerte lamang siya na nabigyan ng showbiz opportunities.

“I was very particular about that [timing], kasi sabi ko sa sarili, timing and break lang ang kailangan ko.

“Marami akong kaibigan na yun din ang hinahanap nila and alam ko ding magaling, so I feel for them.

“Pero yun nga, sinasabi ko darating din yung oras nila.

“Maybe I just prayed harder lang at this moment, or medyo nakulitan lang sa akin si God at si Universe na, ‘Sige na nga, pakita mo na muna iyan.’”

Continue reading below ↓

Bagamat malaki ang pasasalamat niya sa mga oportunidad, hindi raw nagpapakampante si RK dahil marami pa siyang gustong gampanang roles at nais patunayan bilang isang aktor.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor RK Bagatsing grateful to be recognized for his acting skills, but still wants to do more as an actor.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results