James Reid denies buying out Viva contract

by Arniel C. Serato
Oct 31, 2019
James Reid on leaving Viva Entertainment after seven years: "I feel, like, it’s time for me to try something else. I wanna go in different directions.”
PHOTO/S: Courtesy: @james on Instagram

Marami ang nagulat nang umalis si James Reid sa bakuran ng Viva Entertainment at Viva Artists Agency matapos ang pitong taon.

Ang Viva ang namahala sa showbiz career ni James matapos walang mangyari sa kanya pagkatapos manalo bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Clash ng ABS-CBN noong 2010.

Sa TWBA (Tonight With Boy Abunda) Dressing Room Exclusives! noong October 29, sinabi ni James sa host na si Boy Abunda na maayos pa rin ang relasyon nila ng Viva at sa may-ari nitong si Vic del Rosario.

Saad ng 26-year-old singer-actor, “We’re still on very good terms but, yes, it’s true.

“The contract has ended, but I’m moving on to other things.”

Nais daw palawigin ni James ang iba pa niyang talents, katulad ng pagkanta, at pagpapalawak ng kanyang record label kaya siya umalis sa Viva.

Ito rin ang laman ng kanyang official statement na inihayag ng singer-actor, sa pamamagitan ng kanyang mga abugado sa law firm na Kapunan & Castillo Law Offices, noong Agosto 2019.

Continue reading below ↓

Saad pa ni James sa panayam sa kanya ni Boy, “I’m exploring my career in another way.

“I just moved on and I owe a lot to Viva and Boss Vic for what they have done for me in the past.

"But I feel, like, it’s time for me to try something else.

“I wanna go in different directions.”

May mga haka-haka namang binili diumano niya ang nalalabi pa niyang taon sa Viva upang makaalis na sa poder nito.

May katotohanan ba ito?

Mariing pagtanggi ni James, “No, no.

"It’s just ended and I didn’t renew.”

Nilinaw rin ni James ang haka-hakang ang ama niyang si Robert Malcolm Reid na ang namamahala sa kanyang showbiz career ngayon.

Ayon kay James, “No one.

"Yeah, it’s just me right now.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid on leaving Viva Entertainment after seven years: "I feel, like, it’s time for me to try something else. I wanna go in different directions.”
PHOTO/S: Courtesy: @james on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results