Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Jairus Aquino refuses to comment on Alexa Ilacad's rants against Nash Aguas, Sharlene San Pedro

by Melba R. Llanera
Nov 1, 2019
Jairus Aquino on Alexa Ilacad-Nash Aguas-Sharlene San Pedro: “Kung maglalabas ako ng sarili kong istorya, lalong magkakagulo. So, hindi na lang. Huwag na lang palakihin."
PHOTO/S: Jairus Aquino Instagram

Tumangging magbigay ng pahayag si Jairus Aquino kaugnay ng pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu nina Alexa Ilacad at Nash Aguas.

Nabanggit kasi ni Alexa sa presscon ng pelikulang Santigwar noong October 24 na nakaranas siya, at maging si Jairus, ng pambu-bully mula kila Nash at Sharlene San Pedro nung panahong magkakasama pa sila sa ABS-CBN kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Ito ay kasunod ng pagsisiwalat ni Alexa na si Nash ang nagsimulang magpakalat ng maling impormasyon na nanlalalaki diumano ang dalaga kaya hindi natuloy ang kanilang relasyon.

Inutusan din diumano ni Nash si Sharlene para ipagkalat ang naturang impormasyon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jairus sa ABS-CBS Christmas Trade Party sa Shangri-La The Fort, sa Taguig City, noong October 30, Miyerkules, sinubukang kunan siya ng reaksiyon tungkol sa sinabi ni Alexa.

Ngunit, ayon sa 20-year-old Kapamilya actor, iiwasan na lang niyang magsalita para hindi na lumaki pa ang gulo.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Jairus, "Alam ninyo, kung maglalabas kasi ako ng sarili kong istorya, may kanya-kanya pa rin kayong papaniwalaan.

“Kung maglalabas ako ng sarili kong istorya, lalong magkakagulo.

“So, hindi na lang. Huwag na lang palakihin."

May kanya-kanya raw kasing paniniwala ang mga taong sangkot sa isyung ito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Saad ni Jairus, "Kung si Alexa, mayroon siyang pinaniwalaan, may pinaniniwalaan ako, may pinaniniwalaan yung dalawa sa kabilang panig, okay lang."

May sama ba siya ng loob kina Nash at kay Sharlene?

Sagot ng aktor, "Sama ng loob? Hindi na lang, hindi na lang… okay na ako. Trabaho na lang ako.

"Ako, wala naman akong masamang tinapay simula't sapul, e.

“Ayoko na lang magsalita, yun na lang yun."

Pero naiintindihan daw niya si Alexa at kung saan ang pinanggagalingan nito.

"Oo naman, sobrang naiintindihan ko si Alexa.

“Ano ako kay Alexa sa part na yun,” pakli ni Jairus.

Sa huli, nakiusap si Jairus na sana ay huwag nang palakihin pa ng iba ang isyu.

Continue reading below ↓

“Gusto ko lang sabihin, sana tigilan na natin ito.

"Kasi masaya ako sa buhay ko, sa trabaho na mayroon ako.

“Okay na ako dun.”

Nasa cast si Jairus ng upcoming ABS-CBN primetime series na A Soldier’s Heart, kung saan kasama rin sina Gerald Anderson, Jerome Ponce, Elmo Magalona, Yves Flores, at Nash.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jairus Aquino on Alexa Ilacad-Nash Aguas-Sharlene San Pedro: “Kung maglalabas ako ng sarili kong istorya, lalong magkakagulo. So, hindi na lang. Huwag na lang palakihin."
PHOTO/S: Jairus Aquino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results