Heart Evangelista, Chiz Escudero dance with Sorsoganons to set Guinness World Record

by Jet Hitosis
Nov 2, 2019
Governor Francis "Chiz" Escudero and actress Heart Evangelista lead the 7,127 participants in setting the Guinness World Record for the largest Filipino folk dance during the province's Kasanggayahan Festival 2019 on Thursday, October 31.
PHOTO/S: Department of Tourism on Facebook, @iamhearte on Instagram

Sa pangunguna nina Governor Chiz Escudero at Heart Evangelista, nakapagtala ng Guinness World Record ang mga taga-Sorsogon para sa largest Filipino folk dance.

Sinabayan ng mag-asawa ang 7,127 katao sa pagsayaw ng “Pantomina sa Tinampo” sa Kasanggayahan Festival ng Sorsogon nitong Huwebes, October 31, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Iginawad ni Swapnil Dangarikar ng India, official adjudicator ng Guinness World Records, ang official record holder certificate sa makasaysayang performance ng mga Sorsoganon.

Personal na sinaksihan ni Dangarikar ang sabay-sabay na pagsasayaw ng Bicolano folk dance mula sa Fatima Church hanggang sa Bulwagan at sa Rompeolas Baywalk.

Base sa una sa tatlong Instagram posts ni Heart kahapon, November 1, tungkol sa historical feat ng Sorsogon, si Gov. Chiz ang nag-conceptualize at nagplano ng pagtatala ng world record para sa probinsiya.

Sa unang post ni Heart, ibinahagi niya ang dalawang litrato ng 30-minutong pagsasayaw nila ng gobernador sa stage kasama ang iba pang pareha.

Continue reading below ↓

Ang sabi ni Heart sa caption: “We did it! (trophy emoji) Congratulations to us 7,127 Sorsoganons for breaking the Guinness World Record for largest Filipino folk dance! (party poppers emoji).

“My dear @escuderochiz, I am so proud of you for planning and conceptualizing this whole thing for your province.

“It wouldn’t have been a success without you. (heart emoji) #SorsogonFirst #MahalKongSorsogon #Kasanggayahan 2019 #PantominaSaTinampo2019.”

Bakas ang pagmamalaki ni Heart para sa asawa, batay na rin sa iba pang litratong nasa Instagram Stories niya noong Biyernes.

Continue reading below ↓

Sa second post ng aktres, ibinahagi niya sa Instagram ang mga drone shot sa napakahabang hilera ng libu-libong Sorsoganon na sumasayaw, habang nakasuot ng pula, dilaw, at asul na Filipiniana ang mga babae, at nakaputing Kamisa de Chino ang mga lalaki.

Caption ni Heart: “Record breaking. (trophy emoji) There are no words to explain how my heart felt seeing all the 7,127 united Sorsoganons giving it our all.

Continue reading below ↓

“Yesterday, we all stood together united for a great purpose. What an honor it was to be a part of this special moment.

“Congratulations to all of us!! (two clapping emojis) Bravo (heart emoji) #MahalKongSorsogon #SorsogonFirst #PantominaSaTinampo2019.”

Sa ikatlong post ni Heart, tampok naman ang litrato ng pagkakaloob ni Dangarikar ng record holder certificate ng Guinness kay Gov. Chiz sa “unforgettable day” para sa probinsiya.

Ito ang unang world record na naitala ng Sorsogon, ayon sa Provincial Information Office.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Governor Francis "Chiz" Escudero and actress Heart Evangelista lead the 7,127 participants in setting the Guinness World Record for the largest Filipino folk dance during the province's Kasanggayahan Festival 2019 on Thursday, October 31.
PHOTO/S: Department of Tourism on Facebook, @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results