Who is the "Inday" Marjorie Barretto is talking about in viral video?

Nov 2, 2019
Marjorie Barretto (R) with her mom, Inday Barretto (middle), eldest daughter Dani Panlilio, and most-recent grandchild, Camilla Marguerite. Dani posted this photo on Instagram last October 27.
PHOTO/S: Screenshot from @marjbarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Isang video ang kumalat ngayong araw, November 2, 2019, kung saan maririnig si Marjorie Barretto na sinasabing gusto niyang "sapakin" ang isang tinatawag niyang "Inday."

Makikita sa video clip sina Marjorie, ang mga anak niyang sina Claudia, Leon, at Dani, at pati na rin si Xavi Panlilio, asawa ni Dani.

Bagamat hindi malinaw kung kailan mismo nakunan ang video, malinaw na kuha ito sa isang hallway ng St. Luke's Medical Center-Global City, sa siyudad ng Taguig, kung saan isinugod ang patriarch ng Barretto family, si Miguel Barretto, bago ito tuluyang binawian ng buhay noong Oktubre 15, 2019.

Maririnig dito ang kaswal na pagsabi ni Marjorie ng, "Super drama to death si ano, si Inday."

Agad siyang sinagot ng isa niyang kasama ng, "Why, what happened?"

Sagot ni Marjorie rito, "Masyado siyang dramatic. Baka masapak ko."

Kaswal pa ring dagdag ni Marjorie, "Sapakin ko na 'tong isa."

Unang nakita ang video sa Instagram stories ni Gretchen Barretto, ang nakatatandang kapatid at kaalitan ni Marjorie.

Ang ngayon ay viral video ay burado na at press time.

Continue reading below ↓

Nakakuha naman ng screen grab ang isang Instagram user na nagngangalang @bashing.shing at ipinost ito sa sariling account.

Sa kanyang caption, inilagay nito (published as is): "GRABEEEEEEEE!!!!!!! Ang 'inday” ba ni tinutukoy ay si Mommy Inday???

"Grabeeee sasapakin? [shocked face emoji]"

Estrella Barretto ang buong pangalan ng matriarch ng Barretto family, pero kilala ito sa showbiz bilang "Mommy Inday."

Continue reading below ↓

Sinagot ni Gretchen ang user sa comments column ng post.

Aniya (published as is): "Yes. This video was sent to via direct message [hands together emoji]."

IS "INDAY" CLAUDINE BARRETTO?

Sa kabilang banda, ilang netizens ang naniniwalang ang tinutukoy ni Marjorie ay si Claudine, ang kanyang nakababatang kapatid at kaalyado ni Gretchen.

Continue reading below ↓

"Teka lang, puwede din 'inday' means Claudine or anybody else..."

Saad ng isa pang netizen, maaaring si Claudine ang tinatawag na "dramatic" dahil "lagi nasa ospital."

Continue reading below ↓

May isang user naman na diretsahang tinanong si Claudine kung siya ang tinutukoy sa video ng kaalitang kapatid.

Pasado alas singko ng araw ding ito, November 2, ini-upload din ni Claudine ang video, kasabay ang caption na: "Wow that’s what you call a GOOD DAUGHTER? I will always be a REAL GOOD DAUGHTER!"

Continue reading below ↓

NOT MOMMY INDAY

Sa pamamagitan ng tawag sa telepono at text messaging, nakausap ni Karen Caliwara, PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) executive editor, si Marjorie.

Sa simula, may pag-aalinlangan si Marjorie kung magkokomento sa Instagram posts nina Gretchen at Claudine.

Pero makalipas ng dalawang oras, nagpadala ito ng statement na nagsasabing hindi ang ina ang tinutukoy niyang "Inday."

Continue reading below ↓

Narito ang kabuuan ng statement ni Marjorie na ipinadala sa pamamagitan ng text messaging sa PEP.ph:

"I don’t refer to My Mom as 'Inday.' We call her Mom or Mommy. Hindi po ang Mommy ko ang pinag-uusapan namin dito. And hindi sinasapak ang 82-year-old Mother. My Mom is one TOUGH WOMAN, none of us can ever overpower her.

"Let this be known to all that My Mom and I are on good terms. There are far more important matters happening in this country like earthquakes. Enough of the Barretto family problems. I don't want to take part anymore in their dirty tricks, tactics, and cyberbullying.

"In the meantime, I hope those who took those videos and continue to spread them online are aware of Republic Act 4200. Ayon po sa batas, it is clearly illegal to record someone (audio and video) without their consent. Siguro po dapat kumuha muna sila ng magaling na legal advice bago nila inilalabas ito maliciously and out of its real context."

Continue reading below ↓

Pero sino si "Inday"?

Sa phone conversation ng PEP.ph kay Marjorie, sinabi nitong, "I don't want to mention her name. I decided not to."

Sa alitan ng magkakapatid na Barretto, si Gretchen ang unang nagpahaging na hindi on good terms si Marjorie at ang kanilang ina. Ito nga raw ang dahilan ng heart attack ng kanilang ama.

Sa Instagram post naman ni Claudine noong October 20, 2019, nagkomento si Gretchen sa obserbasyon ng isang netizen na hindi kasama si Inday sa 82nd birthday celebration ng asawang si Miguel noong September 29, 2019.

Ang sabi ng netizen: “Pansin ko lang last birthday ni Daddy Mike, wala si Mommy Inday. Hinahanap ko siya sa post ni Marjorie."

Komento rito ni Gretchen: “Because Marjorie did [not] invite my mom to the gathering & [that's] what caused my [dad's] attack".

Continue reading below ↓

"We are on good terms"

Mariing itinanggi ni Marjorie sa kanyang interview sa TV Patrol noong October 23 ang mga sinabi ni Gretchen.

Una, sinabi niyang hindi "heart attack" ang ikinamatay ng kanilang ama kundi “acute respiratory failure."

Pangalawa, okay daw ang relasyon ni Marjorie sa ina.

Aniya, “My mom is always invited. Why wouldn’t she be invited?

"She is my mother and she is the wife of my father. And we are on good terms.

“If I did not want my mother in the birthday celebration of my father, I wouldn’t have done it in my house."

Kaya raw hindi nakadalo si Inday sa birthday celebration ni Miguel ay dahil may sakit din ito.

Sa TV Patrol interview, sinabi ni Marjorie, “My dad claimed to us that my mom was ill that day, that’s why she was not able to join us, which is not unusual... My mom is 82 years old.”

Noong October 27 ay naglabas din si Marjorie ng Instagram post kung saan makikitang kasama niya ang kanyang ina, mga anak, at iba pang kaanak.

Continue reading below ↓

"There are good days, and there are bad days... yesterday was good. Thank you Lord. [heart and praying emojis]," saad nito sa kanyang caption.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto (R) with her mom, Inday Barretto (middle), eldest daughter Dani Panlilio, and most-recent grandchild, Camilla Marguerite. Dani posted this photo on Instagram last October 27.
PHOTO/S: Screenshot from @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results