Claudine Barretto claims the "Inday" in sister Marjorie's viral video is their mom

by Bernie V. Franco
Nov 3, 2019
Claudine Barretto (left) claims sister Marjorie Barretto (right) was referring to their mother Estrella Barretto in the viral video where Marjorie was heard saying, "Baka masapak ko."
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @marjbarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

May bagong alegasyon si Claudine Barretto, 40, laban sa kanyang kapatid na si Marjorie Barretto, 45, kasunod ng paglitaw ng video kung saan naringgan si Marjorie na nagsasabing gusto niyang “sapakin” ang isang tinawag niyang “Inday.”

Walang partikular na petsa kung kailan nakunan ang video, pero nangyari ito sa St. Luke’s Medical Center - Global City, kung saan isinugod ang Barretto patriarch na si Miguel Barretto, bago siya tuluyang binawian ng buhay noong October 15, 2019.

Sa comments section, may mga haka-haka ang netizens na ang tinutukoy na "Inday" ni Marjorie ay ang kanilang inang si Estrella “Inday” Barretto.

Ngunit sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marjorie nitong Sabado, November 2, itinanggi ng dating aktres na ang ina ang tinutukoy niya.

Ngunit tumanggi siyang pangalanan kung sino si “Inday.”

CLAUDINE CLAIMS INDAY IS MOMMY INDAY

Sa Instagram post naman ni Claudine nitong Sabado, November 2, ipinahayag nitong ang “Inday” na tinutukoy ni Marjorie sa video ay walang iba kundi ang kanilang ina.

Continue reading below ↓

Sabay na in-upload ni Claudine ang interview ni Marjorie sa TV Patrol noong October 22, 2019, at ang secretly recorded video clip ni Marjorie.

Sa TV Patrol interview ni Marjorie, sinabi nitong isa siyang “good daughter” sa kanyang mga magulang.

Sa Instagram caption naman ni Claudine, tahasang sinabi nito na hindi ito ang unang beses na gusto umanong saktan ni Marjorie ang kanilang ina.

Caption ni Claudine, (published as is): “My Heart breaks for my mom. Although this didn’t surprise me bcoz she does this all the time.earlier this year she was going to hurt my mom physically & in so many more times.now that my Dad is not around i promise on my father’s grave that this will never happen again.”

Ibinahagi rin ni Claudine sa caption ang tingin niyang rason kung bakit ganoon ang sinabi ni Marjorie sa viral video.

“This was the argument my mom & Marjorie had regarding julias 500k hospital contribution ( in exchange of my parents subic home ) #gooddaughter

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Claudine ay ang akusasyon ni Gretchen kay Marjorie at anak na si Julia Barretto, na naglabas daw ito ng PHP500,000 para sa hospital bills ni Miguel kapalit ng bahay ng kanyang lolo at lola sa Subic.

Ipinost ito ni Gretchen sa pamamagitan ng Instagram Story noong October 23, 2019.

Ayon pa kay Claudine sa kanyang Instagram post, ang kanilang inang si Inday—na kilala bilang Mommy Inday sa showbiz—ang nasa Intensive Care Unit nang bumisita si Marjorie.

Ang caption ni Claudine (published as is): “Here’s a fact ) Marjorie came out of the icu where my dad was in a critical condition. Only 2 visitors at a time can enter the ICU ( it was only mom inday & Marjorie inside the icu She then says , super drama si inday baka MASAPAK KO ( who then can she refer to other than my mom inday.
“To the one who sent this video.
“Thank u So much.”

Continue reading below ↓

Sumunod ay makikita ang pag-like ng ate nilang si Gretchen sa post ni Claudine at paglagay nito ng praying hands emoji.

Sa pag-aaway ng magkakapatid, kasalukuyang magkakampi sina Gretchen at Claudine laban kay Marjorie.

MARJORIE DENIES REFERRING TO HER MOM AS INDAY

Matapos kumalat ang viral video ni Marjorie nitong weekend, nagpadala siya ng statement sa PEP.ph, at itinangging ang ina ang tinutukoy nitong "Inday."

Continue reading below ↓

On good terms daw sila ng kanyang ina.

Aniya sa statement: "I don’t refer to My Mom as 'Inday.' We call her Mom or Mommy. Hindi po ang Mommy ko ang pinag-uusapan namin dito. And hindi sinasapak ang 82-year-old Mother. My Mom is one TOUGH WOMAN, none of us can ever overpower her.

"Let this be known to all that My Mom and I are on good terms. There are far more important matters happening in this country like earthquakes. Enough of the Barretto family problems. I don't want to take part anymore in their dirty tricks, tactics, and cyberbullying.”

May paalala pa si Marjorie sa kung sino man ang nagpakalat ng video na kinunan gamit ang hidden camera.

"In the meantime, I hope those who took those videos and continue to spread them online are aware of Republic Act 4200. Ayon po sa batas, it is clearly illegal to record someone (audio and video) without their consent. Siguro po dapat kumuha muna sila ng magaling na legal advice bago nila inilalabas ito maliciously and out of its real context."

Continue reading below ↓

Samantala, sa interview pa rin ni Marjorie sa TV Patrol noong October 22, 2019, inilarawan niya si Claudine bilang "unstable."

Ani Marjorie, humingi ng tulong si Claudine sa kanya at kay dating Caloocan Mayor Recom Echiverri, ama ng bunsong anak ni Marjorie, pero "set-up" lang pala ito.

“Sometime before March, Claudine asked help from Recom.

“I was really against it because we were really not in good terms with Claudine.

“I said, ‘Delikado. Delikado to associate with her… she’s unstable. She’s unstable… I will not say more, okay?'

“But he said, 'Pag hindi naman natin tinulungan baka sa iba humingi ng tulong at mapahamak.’

“So with a heavy heart, I let him. So tinulungan niya si Claudine…

“To our surprise, we never thought it was a set-up and it was intended to hurt me, harm me, and destroy his person, when all along all he really wanted to do was to help her…

Continue reading below ↓

“After that, hindi ko na alam..."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (left) claims sister Marjorie Barretto (right) was referring to their mother Estrella Barretto in the viral video where Marjorie was heard saying, "Baka masapak ko."
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results