Gretchen Barretto posts videos of partner Tonyboy Cojuangco, Atong Ang as they “celebrate”

by Bernie V. Franco
Nov 3, 2019
Gretchen Barretto posts on Instagram videos of her long-time partner Tonyboy Cojuangco seated beside businessman Atong Ang. In October, rumors circulated claiming Gretchen and Atong allegedly have an affair, which both camps denied.
PHOTO/S: @juansarte and @gretchenbarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

“We celebrate.”

Ito ang maririnig na sinabi ni Gretchen Barretto sa series of videos na ibinahagi niya sa Instagram nitong weekend.

Makikita rin sa videos na magkatabi ang kanyang long-time partner, ang business tycoon na Tonyboy Cojuangco, at ang negosyanteng si Atong Ang.

Agaw-atensiyon ang pagtatabi ng dalawang businessman dahil noong nakaraang buwan ay pinag-usapan ang pag-uugnay kina Gretchen at Atong sa kasagsagan ng Barretto family feud.

Pinakita sa videos ang lagay ng samahan nina Tonyboy at Atong.

Sa isang long table, magkatabi sina Tonyboy at Atong na tila masayang nag-uusap at umiinom.

Sa unang video, makikita si Tonyboy na nagbigay ng kanyang order sa isang waitress.

Continue reading below ↓

Sa sumunod na video, makikitang kausap no Tonyboy si Atong at ngumiti pa, habang si Atong ay nakikinig at umiinom.

Noong October 29 ay nag-post din sa Instagram si Gretchen na pumunta sa isang event kung saan naroon din sina Tonyboy at Atong.

GRETCHEN LINKED TO ATONG

Sa muling pagsiklab ng Barretto feud sa publiko, nahalungkat ang pag-uugnay kina Gretchen at Atong.

Continue reading below ↓

Hindi lingid sa showbiz ang pagkakaroon ng hidwaan ng magkakapatid na Barretto, partikular sina Gretchen at Claudine laban kay Marjorie.

Bunsod nito, hati-hati rin ang ilang miyembro ng kanilang pamilya at may kani-kaniyang kinakampihan.

Na-link muli si Gretchen kay Atong nang isiniwalat ni Nicole Barretto sa isang netizen na dati niyang karelasyon si Atong at inagaw umano siya ng kanyang Tita Gretchen.

Si Nicole ay anak ni JJ Barretto, kapatid nina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Bukod pa rito, kumalat din sa social media ang mga larawan nina Atong at Gretchen na magkasama sa airport. Sa isang larawan, makikitang natutulog ni Gretchen habang nakasandal sa dibdib ni Atong at naka-holding hands.

ATONG’S OFFICIAL STATEMENT

Noong October 20, 2019, ay naglabas ng official statement si Atong tungkol sa pagli-link sa kanya kina Gretchen, Nicole, at maging kay Claudine.

Bahagi ng kanyang pahayag: "Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino.

Continue reading below ↓

"May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.

"Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen.

"Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

"Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro—yun lang ang naging relasyon namin.

"Si Nicole, pinag-aral ko 'yan, ang nagtrabaho sa akin yung nanay niya.

"Si Gretchen malapit siya sa asawa ko," ang paglilinaw ni Ang.

Sa panayam ni Marjorie sa TV Patrol ay pinanindigan niyang nakarelasyon ni Atong si Nicole, na kakampi naman ni Marjorie.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto posts on Instagram videos of her long-time partner Tonyboy Cojuangco seated beside businessman Atong Ang. In October, rumors circulated claiming Gretchen and Atong allegedly have an affair, which both camps denied.
PHOTO/S: @juansarte and @gretchenbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results