Bea Binene pursues passion for culinary arts

by Ruel J. Mendoza
Nov 3, 2019
Despite her busy showbiz schedule, Bea Binene makes sure she finds time for her classes at the Center For Asian Culinary Studies. She is looking forward to undergoing her on-the-job training session at Gene Gonzalez's Cafe Ysabel.
PHOTO/S: Instagram

Patuloy ang pag-aaral ni Bea Binene ng Culinary Arts sa Center For Asian Culinary Studies.

Kahit parati siyang puyat sa taping ng teleseryeng Beautiful Justice, uma-attend si Bea ng classes niya dahil excited siya sa mga ipapagawa ng instructors.

"Passion ko po talaga ang pagluto kahit noong bata pa ako. Mahilig akong mag-experiment noon sa pagluluto.

"Then, dumating ang opportunity na mag-aral ako ng Culinary Arts dahil may dream akong magkaroon ng sarili kong café or restaurant.

"Kailangang marami po akong matutunan na lutuin na iba't ibang dishes.

“Hindi lang naman pagluluto ang natututunan ko, kundi pati ang pag-organize ng isang kitchen, sanitation, budgeting, how to choose fresh ingredients, restaurant operation, time management and discipline sa lahat ng bagay," pahayag ni Bea nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng new advocates ng GMA Kapuso Foundation sa GMA Network Center last October 23.

EXCITED FOR OJT

Sa kanyang mga recent post sa Instagram, pinost ni Bea ang pagluto niya ng paella at souffle. Last week ay pinost ni Bea ang pagluto niya for the first time ng isang 13-pound turkey.

Continue reading below ↓

Malapit nang mag-OJT (on the job) training si Bea sa Café Ysabel under Chef Gene Gonzalez.

"Yun po ang pinakahihintay ko. Actually, nakakakaba ito kesa sa mag-taping ako ng teleserye.

"Sa teleserye, may mga take two, di ba? E, dito po sa kitchen ni Chef Gene, walang take two! Kailangan tama agad ang gawin naming lahat.

Continue reading below ↓

"Kaya kahit nasa taping po ako, pinagsasabay ko ang pag-memorize ng lines sa mga pinag-aralan ko na sa culinary school.

“Mahirap po, pero determined ako to finish it na walang hassle," ngiti pa ni Bea.

PROUD OF CHARITY EFFORTS

Sa gitna ng kanyang trabaho at pag-aaral, natuwa si Bea na kabilang siya sa mga kinuhang advocates ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF).

Bata pa lang si Bea ay nagbu-volunteer siya sa charitable events at projects ng GMAKF.

Kuwento niya, "Ever since I was 6 years old, nakagisnan ko na ang mag-volunteer sa GMA Kapuso Foundation.

"I met Tita Mel [Tiangco] sa edad na iyon.

"Katatapos lang yata noon ng StarStruck Kids at isa sa naging activity namin was to volunteer sa pag-pack ng relief goods at pumunta sa iba't ibang lugar para mag-distribute ng mga pinack namin.

"Ilang years ko na po ginagawa iyon hanggang ngayon. Kapag tinawagan ako na may ganitong fund-raising event or any project ang GMAKF, I say yes po agad.

Continue reading below ↓

“Aayusin ko lang po ang schedules ko and I will be there kahit na galing ako sa taping.

"Masarap po kasi sa pakiramdam na marami kang natutulungan at napapasayang tao. Marami pong natutulungan ang GMAKF and I am proud to be part of it for so many years.

"Kaya sa mga bumubuo ng GMAKF and to Tita Mel, thank you for considering me to be an advocate of this wonderful organization."

Naka-assign si Bea sa Operation Bayanihan relief operations ng GMAKF.

Patuloy niya, "Even before GMAKF, kami ng mommy ko, kapag may any charity event na puwede kaming mag-donate or tumulong sa pamimigay ng relief goods, pinupuntahan namin.

"At gusto rin natin na nakakausap natin nang personal ang mga taong inaabutan natin ng tulong. You don't just give them ng relief goods pero pinababaunan mo rin sila ng prayer.

“Yung mahawakan mo lang ang kamay nila, mayakap ka nila dahil masaya silang nakita ka roon, malaking bagay na para sa kanila at para rin sa akin."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite her busy showbiz schedule, Bea Binene makes sure she finds time for her classes at the Center For Asian Culinary Studies. She is looking forward to undergoing her on-the-job training session at Gene Gonzalez's Cafe Ysabel.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results