Sunshine Cruz warns netizen for badmouthing her and daughter Samantha

by Bernie V. Franco
Nov 3, 2019
Sunshine Cruz warns a netizen who accused her daughter Samantha of having a romantic involvement with young actor Kyle Echarri.
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram

Hindi pinalampas ni Sunshine Cruz ang pambabatikos ng isang netizen sa anak nitong si Samantha, ang pangalawa sa tatlong anak ng aktres sa dating asawang si Cesar Montano.

Ngayong Linggo ng gabi, November 3, ibinahagi ni Sunshine ang screenshot ng direct message ng isang netizen (@myluvkycine) kay Samantha, 15.

Sa mga mensahe ng netizen, pinagbibintangan nito si Sam na may ugnayan sa young actor na si Kyle Echarri, 16.

“Who’s kyle dating right now you or lorin” mensahe ng netizen.

Hindi naman nilinaw ng netizen kung sino ang “Lorin” na kanyang tinutukoy.

Inakusahan pa ng netizen na sina Samantha at “Lorin” daw ang sisira sa career ni Kyle.

Bukod pa rito ay idinamay pa ng netizen ang mga nanay nina Samantha at Lorin.

Mensahe ng netizen: “lalandi niyo manang mana kayo sa nanay niyo haha alam niyo may ka loveteam na si kyle lagi pa din kayo nagkikita”

Sa isa pang mensahe ng netizen ay muli niyang idinamay si Sunshine.

Continue reading below ↓

Anang netizen kay Samantha: “Mana ka sa nanay mo bold star malandi malandi ka kayo ni lorin”

Hindi na nakapagtimpi si Sunshine at ipinost ang screenshot ng mga message ng kanyang basher sa kanyang Instagram at Twitter.

Ani Sunshine: “Why are you attacking my daughter @samcruzm? Mag ingat ka @myluvkycine ??? @kyleecharri and my daughter are friends ONLY!”

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, si Francine Diaz ang kapareha ni Kyle sa pinagbibidahan nilang ABS-CBN afternoon teleseryeng Kadenang Ginto.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz warns a netizen who accused her daughter Samantha of having a romantic involvement with young actor Kyle Echarri.
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results