Estrella Barretto: “I am the Inday Marjorie was referring to.”

by Arniel C. Serato
Nov 4, 2019
@barrettoestrella, the alleged account of Estrella "Inday" Barretto, says to daughter Marjorie: "Didn’t know you were doing DAMAGE CONTROL BY USING ME."
PHOTO/S: Courtesy: @marjbarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Hapon ng Linggo, November 3, lamang nakita umano ng Barretto matriarch na si Estrella “Inday” Barretto ang video na nag-viral noong Sabado, November 2, kung saan maririnig ang anak na si Marjorie Barretto na gusto nitong "sapakin" ang isang taong tinawag niyang "Inday."

Ayon sa impormante ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi “techie” si Inday pagdating sa mga gadgets kaya hindi kaagad nakaabot sa kanya ang viral video.

Kagabi, may pahayag sa Instagram Story ang private account na @barrettoestrella, na nagsasabing: “I am the Inday Marjorie was referring to after a big fight in the hospital about the Subic home we own.

“im shock & in so much pain as a mother.”

Tungkol sa viral video, ito ang nakasaad sa statement ni @barrettoestrella: “i just learned about the video & my heart breaks.

“Marjorie Claudine said everything, pls don’t drag my name Marjorie.”

Samantala, sinabi pa rin ng PEP.ph source, na nasa kampong laban kay Marjorie, na bigla na lamang daw dumating sa condo ni Inday sina Marjorie, kasama ang mga anak nito, kaninang tanghali.

Continue reading below ↓

Yun pala ay "pang damage control" daw ito dahil sa kumalat na video, na kuha ng isang hidden camera.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nabanggit ito sa Instagram Story ni @barrettoestrella, “didn’t know you were doing DAMAGE CONTROL BY USING ME.

“learn to tell the truth & nothing but the truth.”

Continue reading below ↓

Ang account na ginagamit ni Inday ay may username na @estrellabarretto, na may 87 posts at mahigit na 12,000 followers.

inday barretto

Burado na ang Instagram Story sa account ng @barrettoestrella, na wala pang post at may 1,800 followers.

inday barretto

Continue reading below ↓

Dagli namang ipinost ni Claudine ang screenshot ng Instagram Story ni @barrettoestrella, at sinabi sa caption na galing ito sa kanilang ina.

Aniya, "Nagsalita na ang Mommy (thumbs up emoji) @gretchenbarretto the Truth will always Prevail."

MARJORIE DENIES “INDAY” IN VIRAL VIDEO IS HER MOM

Matatandaang sa pahayag na ipinadala sa PEP.ph kahapon din, mariing itinanggi ni Marjorie na ang tinutukoy niyang “Inday” sa viral video ay ang ina.

Continue reading below ↓

Iba raw ang tinutukoy niyang “Inday” sa video, ngunit pinili niyang hindi na pangalanan.

Bahagi pa ng pahayag niya, "I don’t refer to My Mom as 'Inday.'

"We call her Mom or Mommy.

"Hindi po ang Mommy ko ang pinag-uusapan namin dito.

"And hindi sinasapak ang 82-year-old Mother.

"My Mom is one TOUGH WOMAN, none of us can ever overpower her.”

Sumiklab muli ang malaking alitan ng pamilya Barretto noong unang gabi ng lamay ni Miguel Barretto, October 16, kung saan nagka-engkuwentro sina Gretchen, Marjorie, at pamangkin nilang si Nicole Barretto.

Ang isyu ay si Atong Ang, isang negosyanteng nalink kina Nicole at Gretchen. Nadamay rin sa gulo si Claudine.

Noong ikalawang gabi naman ng lamay, October 17, sina Marjorie at Claudine ang nagkumprontahan, kung saan na-ospital pa ang huli.

Dawit din sa gulo ang anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph kay Marjorie tungkol sa post ni @barrettoestrella, pero wala pa itong opisyal na pahayag.

Continue reading below ↓

Nagpadala rin ng mensahe ang PEP.ph kay Inday kanina, November 3, 1:53 p.m., pero wala pa rin itong sagot.

Gustong linawin ng PEP.ph sa Barretto matriarch kung kanya nga bang account ang @barrettoestrella at kung kanya nga bang post ang nagkakastigo kay Marjorie.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
@barrettoestrella, the alleged account of Estrella "Inday" Barretto, says to daughter Marjorie: "Didn’t know you were doing DAMAGE CONTROL BY USING ME."
PHOTO/S: Courtesy: @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results