Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Claudine Barretto calls out sister Marjorie for mocking her mental illness

by Arniel C. Serato
Nov 4, 2019
Claudine Barretto (left) to sister Marjorie: "Oh my! What happened? Why did you TAG YOURSELF Marjorie? Tsk tsk don’t worry I drank my meds."
PHOTO/S: Courtesy: @ghilsayo / @marjbarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Binuweltahan ni Claudine Barretto ang nakatatandang kapatid na si Marjorie Barretto matapos ang pangungutya diumano nito sa kanyang mental illness.

Sa kanyang Instagram account kagabi, November 3, ibinahagi ni Claudine ang screenshot ng komento diumano ni Marjorie tungkol sa kanyang kalagayan.

Ngunit kapansin-pansin na sa halip na si Claudine, ang na-tag ni Marjorie sa kanyang komento ay ang sarili.

Mensahe ni Marjorie para umano kay Claudine: “@marjbarretto Take your proper medications please. Nahihilo ka na sa kwento mo.”

Continue reading below ↓

Ito naman ang tugon ni Claudine sa kanyang ate: “Oh my! What happened? Why did you TAG YOURSELF Marjorie?

“Tsk tsk (upside-down smiley face emoji) don’t worry I drank my meds. So should you."

Dagdag pa niya: "Mock me all you want BUT NOT PEOPLE WITH MENTAL ILLNESS. don’t your children see a psychiatrist?"

Nilagyan pa niya ito ng hashtags na “#stopthestigmamentalillness" at #mentalillnessisnotajoke

Continue reading below ↓

CLAUDINE’S MENTAL ILLNESS

Sa panayam ni Claudine kay Jessica Soho sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho na ipinalabas noong January 21, 2019, inamin ng aktres na may mental disorder siya.

Taong 2002 nang ma-diagnose si Claudine na mayroon siyang panic disorder at nakararanas siya ng panic attacks.

Lahad ng aktres: "In 2002, I was diagnosed with panic attacks, panic disorder.

"I just felt na parang mamamatay ako, hindi ako makahinga, parang I was sinking, I was drowning, 'tapos parang lumiliit yung kuwarto, nagko-cold sweats ako 'tapos hihimatayin ako.

"I didn't know what was wrong. Nobody really told me, 'Ah, panic attack 'yan.'

"There were days na parang feeling ko, 'Oh my God, I think I'm going crazy,' kasi balisa, e. Di ka mapakali.

"When you have a panic attack at sabihin ng tao sa 'yo, 'Ano ba nararamdaman mo?' the moment you tell them ano nararamdaman mo, all the more guma-grabe yung panic.

Continue reading below ↓

"I was so scared."

Nagsimula raw ang kanyang panic attacks nang pumanaw ang kanyang ex-boyfriend na si Rico Yan noong March 29, 2002.

Noong panahong iyon ay ginagawa ni Claudine ang ABS-CBN drama series na Sa Dulo ng Walang Hanggan, na idinirek ng yumaong si Wenn Deramas.

Pagbabalik-tanaw ni Claudine, "Ang natatandaan ko lang, yung time na nagte-taping kami, nag-cold sweat ako while we were reading.

"Tapos, sabi ni Direk Wenn, parang iba na.

"Sabi ko, 'I'll just go to the room for a while, inom lang akong water.'

"And then he went inside the room, and then sabi niya, ang putla ko daw.

"I was just walking and walking 'tapos sabi niya, 'Ano nangyayari?' 'Hindi ko alam.'

"Ayun, I started crying na and I couldn't breathe.

"Noong sinabi sa akin ni Direk Wenn na, 'You need to see a psychiatrist, something's wrong,' pakiramdam ko tatalon ako sa building, because hindi ko alam paano ako pupunta sa emergency room at i-explain sa tao or sa doctors doon na parang pakiramdam ko na I'm sinking, I'm drowning."

Continue reading below ↓

Noong ma-interview ni Jessica si Claudine ay sinabi ng aktres na hindi pa rin siya tapos sa pagluluksa sa pagkamatay ni Rico.

Saad niya, "Hanggang ngayon, dala-dala ko because I never really grieved.

"I just really kept on working and working.

"I want to tire myself para pag-uwi ko, talagang tulog na lang, hindi ko na maisip yung pagkamatay ng ex-boyfriend ko noon.

"Ang gusto ko lang, mapagod. Hindi pa talaga ako yung talagang nakapag-rest para umiyak, up to this day."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (left) to sister Marjorie: "Oh my! What happened? Why did you TAG YOURSELF Marjorie? Tsk tsk don’t worry I drank my meds."
PHOTO/S: Courtesy: @ghilsayo / @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results