Jay-Jay Barretto says he tried to stop his sisters from fighting

by Bernie V. Franco
Nov 4, 2019
Jay-Jay Barretto says he tried to stop his sisters Gretchen, Marjorie, and Claudine from fighting, but adds that he could only do so much. (Left photo) Jay-Jay with mom Estrella and sister Claudine; (Right photo) Jay-jay with sister Marjorie.
PHOTO/S: @jjbarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Sinikap daw ni Jay-Jay Barretto na pigilan ang mga nakababatang kapatid na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine na mag-away-away.

Pero hindi pa rin daw niya napigilan ang mga ito.

Ito ang inamin ni Jay-Jay nang tanungin ng isang netizen kung bakit muli na namang nabuhay ang iringan ng kanyang mga kapatid na babae.

Si Jay-Jay ang ikatlo sa pitong magkakapatid na Barretto; ang tatlo pa ay sina Mito, Michelle, at Guia.

Nitong Undas, nag-post ng larawan si Jay-Jay kasama ang inang si Estrella "Inday" Barretto, na bumisita sa puntod ng asawang si Miguel Barretto.

Pumanaw ang Barretto patriarch nito lamang October 15, 2019.

Continue reading below ↓

Sa comments section, isang netizen ang nagtanong kay Jay-Jay sa muling pag-init ng alitan nina Gretchen, Marjorie, at Claudine matapos ang ilang araw na pananahimik.

Tanong ng netizen kay Jay-Jay: “Sir, bakit ganun may pasabog na naman si claudine bakit hindi sila ma stop stop kawawa naman pamilyo ninyo pag uusapan na naman.”

Sumagot dito si Jay-Jay.

Tugon niya: "may sarili silang isip.i tried to stop everyone.

"I can only do so much. The rest is up to GOD.. [praying hands emojis]”

Continue reading below ↓

Marami rin sa nagkomento ang pumuri kay Jay-Jay sa pagiging supportive sa ina, lalo raw ngayong kailangan nito ng masasandalan.

May mga nagsabi ring “neutral” si Jay-Jay at sana raw ay siya ang maging daan para magkasundo-sundo ang kanyang mga kapatid.

JAY-JAY POSTS PICTURES WITH MOM AND CLAUDINE

Nag-post din ng larawan si Jay-Jay kasama ang ina at ang bunsong kapatid na si Claudine.

Continue reading below ↓

Ito ay sa gitna ng pagputok ng secretly recorded video kung saan maririnig si Marjorie na sinabing gusto nitong “sapakin” ang isang tao na tinawag niyang “Inday.”

Ipinost nina Gretchen at Claudine ang naturang video sa kani-kanilang social media accounts.

Nanindigan naman si Claudine na ang tinutukoy na Inday ni Marjorie ay walang iba kundi ang kanilang ina.

Itinanggi naman ito ni Marjorie sa pahayag na ang ina ang kanyang tinutukoy.

Sumiklab ang malaking away ng magkakapatid na Barretto habang nakaburol ang kanilang ama.

Nadawit din ang ibang miyembro ng pamilya, kagaya ni Julia Barretto, anak ni Marjorie, at si Nicole Barretto, anak ni Jay-Jay.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay-Jay Barretto says he tried to stop his sisters Gretchen, Marjorie, and Claudine from fighting, but adds that he could only do so much. (Left photo) Jay-Jay with mom Estrella and sister Claudine; (Right photo) Jay-jay with sister Marjorie.
PHOTO/S: @jjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results